Chapter 48

2282 Words

"May problema ba? Kanina ka pang tahimik diyan," nagtatakang tanong ni Xander. Pagkatapos nitong magpaalam sa kausap niya ay hindi na niya mahagilap pa ang dalaga. Inisip na lang ni Xander na lumabas ito ng kanyang apartment para bumili ng ano mang pagkain sa grocery store na nasa baba lang ng gusali. Mahaba ang pasensiya niyang naghintay sa dalaga habang malalim ang kanyang iniisip. Hindi niya maintindihan pero tila ba bumubulong ang isang banda ng kanyang utak para sabihin ang totoo sa dalaga. Binabagabag siya ng naging usapan nila ng taong tumawag sa kanya kani-kanina lang. Ngunit nagulat na lang siya nang biglang lumabas sa banyo ang dalaga na tanging tuwalya lang ang nakabalot sa katawan. Nagtaka siya at hindi naisip na nasa loob niyon si Emma dahil wala naman siyang naririnig n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD