Chapter 44

2250 Words

Naghintay ng ilang minuto si Emma para lumabas si Xander sa kusina. Ngunit mahabang sandali na ang lumipas at hindi pa rin niya nakikita ang mukha ng binata. Pakiramdam niya ay nagtampo talaga ito. Huh? At siya pa ngayon ang may ganang magtampo? Wow... ang galing! Tumigil na sa pagluha ang kanyang mga mata ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin lumalabas ng kusina ang binata. Napapantiskuhang napatayo ang dalaga at saka malakas na napabuntong hininga. Tila ba wala siyang magagawa kung hindi ang suyuin ang binatang nagtatampo. Napa-iling na lang si Emma. Kani-kanina lang ay siya pa itong nagtatampo, pero ngayon ay para bang tinupak na si Xander at ayaw na talagang lumabas ng kusina. Naglakad patungo sa kusina ang dalaga. Hindi pa man siya tuluyan nang nakakapasok doon a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD