"Xander," pa-ungol na aniya ng dalaga nang muli na naman naglapat ang kanilang mga labi. Tila ba nakikipaglaro ang mga labi ng binata sa labi niya ay tuloy ay nabibitin siya. Bakas ang labis na tuwa sa galaw ni Xander pero hindi siya. Unti-unti ay nabubuhay ang inis sa kaibuturan niya dahil sa paglalarong ginagawa nito na labis niyang 'di kinatutuwa. "Xander," singhal nito kaya agad na tumaas ang sulok ng labi ng kausap. Nakikita ni Xander ang pagka-ubos ng pasensiya nito at hindi malaman niya malaman kung bakit siya naaaliw na makitang naiinis ito. "Inis ka na niyan?" Mapaglarong tanong niya sa dalaga. Mas sumama pa ang timpla ng mukha nito at nakatanggap pa ng irap mula sa dalaga. Hindi makapaniwalang natawa ng mahina ang binata bago dumapo ang paningin niya sa mapupula at mas