Lucy’s POV 11:45 P. M. at Ranch del Romance Haist! Malalim na rin pala ang gabi nang matapos ko ang lahat ng aking mga gawain. Nakakapagod din pero at least, mas maaga akong matutulog ngayon. Hindi katulad kagabi na halos hindi ko na magawang ipikit ang aking mga mata dahil sa hapdi ng mga latay ng latigo sa aking buong katawan mula sa pagpaparusa ng aking madrasta. I shook my head then started climbing up the grand staircase papunta sa third floor ng kabahayan. Mabuti pa ‘yung mag-inang mangkukulam, kanina pa tulog at siguradong naghihilik na, at tiyak na tanghali na ring gigising kinabukasan. Nang magsabog kasi ng katamaran si Moon Goddess sa mundo ng mga asong lobo, gising na gising ang mga bruhang ‘yun, kaya naman nasalo nilang lahat. Sheesh! “Lazy ass” pa raw ako, eh ano kaya