Nakapangalumbaba si Jennie habang titig na titig sa nagre-report na si Paul sa harapan ng kanilang klase. Hindi naman siya nakikinig, ang totoo umaandar ang isipan niya kung paano niya mapapaamo ito, kung paano niya ito mapapaibig.
Hindi niya alam na halos matunaw naman ang pakiramdam ni Paul na nasa harap ng klase. Sa ginagawang pagtitig ni Jennie kasi ay hindi na ito mapakali. Nabubulol tuloy ito sa nire-report nito. Pasaway talaga na babae! Tss!
Bigla ay halos mapasubsob si Jennie sa desk ng kanyang upuan nang may pumatid sa kanyang kamay na nakapangalumbaba.
Inirapan niya si Rose na siyang may kagagawan. Umupo ito sa kanyang tabi na upuan ni Paul.
"Do'n ka nga sa upuan mo!" angil niya sa kaibigan. Panira ng moment, eh.
"At bakit ganyan ka makatitig kay Paul, hah?!" ngunit makahulugan na tanong sa kanya ni Rose.
"Wala ka na ro'n," aniya saka ibinalik ang tingin kay Paul na abala pa rin sa pagpapaliwanag sa harapan ng klase nila.
"Sis, alam naming naloloka ka sa financial at family problem mo. Pero 'wag mo namang idamay ang lovelife mo," sabad ni Joyjoy na hindi nakatiis na lingunin ang nagbubulungang kaibigan. Nasa harapan itong upuan niya. Hilira kasi ang upuan nilang tatlo. Desisyon nila dahil naisip nila na kapag tabi-tabi sila ay baka mag-chismisan lang sila buong klase.
"Heh! Manahimik nga kayong dalawa, 'wag niyo na lang ako pakialaman dahil kay Paul ko nakikita ang pagbabalik ng masagana kong buhay," nakangising wika niya.
Nagkatinginan sina Rose at Joyjoy. "Ano raw?!" sinadyang sabay nilang tanong sa isa't isa.
"Basta manood na lang kayo sa palabas ko," kumpyensadong sabi pa niya. Tiwalang-tiwala siya na magaganap ang mga plano niya. Plano na may bad side at good side naman dahil siguro naman siyang magagawa niyang mahalin si Paul kapag nagging boyfriend niya ito. Tingin naman niya ay madali namang mahalin si Paul kung sakali.
"OMG! Don't tell me gagamitin mo si--" Hindi naituloy ni Joyjoy ang sasabihn dahil mabilis ang pagtakip ng palad niya sa bibig nito.
"Shut up!" mahina pero madiin ang boses na utos niya rito.
"Pero akala ko ba si Jordan ang target mo?" Hindi rin makapaniwala na tanong ni Rose sa kanya.
She shook her head to say no. "Sa kagwapohan ni Jordan tingin niyo may pag-asa ba ang beauty ko? Ang gusto niyong babe ay paniguradong ‘yang mga artistahin o modelo. Hindi tulad ko na ordinary na lamang na babae."
Tiinginan sa isa't isa ulit sina Joyjoy at Rose tapos ay kibit-balikat ang mga ito. And no comment na sila. Meaning tama siya. Agad bumalik si Rose sa upuan nito nang makitang patapos na sa pagre-report si Paul.
"Nice! Ang galing ng report mo!" puri agad niya sa binata nang makaupo si Paul sa tabi niya. May kasama pa iyong palakpak.
"Ows? Nakinig ka pala?!" Ngunit hindi niya inasahang sasabihin ni Paul.
"Ah..eh.. O-of course!" pilit ngiti pa ring sabi niya, kahit na napahiya siya konti. Ang suplado talaga ang baduy na 'to! Sarap kainin ng buhay!
Ngumisi si Paul. "Sige nga ulitin mo nga kahit isang bahagi ng report ko?" at paghahamon nito ng malademonyo.
Toinks! Naubo siya at napakamot sa leeg niya. Bruho talaga 'to! Grrrr!
"Wala kang alam 'di ba? Kasi habang dada ako ng dada sa harapan, nakikipagchismisan ka!"
Napaubo rin sina Rose at Joyjoy na nakikinig sa kanila. Inirapan niya ang dalawang kaibigan. Parang sinasabi ng dalawa na pahiya siya, eh.
Malutong na tawa ang ginawa niya. Hindi siya magpapatalo. "So, gano'n? Tinitingnan mo pala ako? Sa kabila ng busy-busy-han ka sa harap? Kilig naman ako niyon!"
Ayun! Namula ang pisngi ni lumang tao. Gusto niyang pumalakpak. "Ano ka ngayon?" tapos ay taas-noo niyang usal.
Hindi na umimik pa si Paul. Nailang na lamang din…….
Uwian na, mabilis ang pagliligpit ng binata sa mga gamit. Saglit pa'y paalis na ito.
Naalarma si Jennie. Dali-dali na rin siyang nagligpit. Bakit ba kasi ang konti ng mga gamit ng mga lalaki? Aissst!
Sa hallway na niya nahabol si Paul.
"Hoy! Teka lang!" tawag niya rito. Pero tila walang nadidinig ang binata, patuloy pa rin ito sa paglakad. Mas binilisan pa nga yata. Bwisit talaga na taong luma, eh!
Nasa parking na sila nang tumigil si Paul. Ngunit naalarma siya nang makita niyang inabot ni Paul ang bag sa isang lalaki. Buti na lang ay naabutan pa niya bago ito makasakay.
"Pwede ba tayo mag-usap?" she begged.
"Ano'ng pag-uusapan natin?" takang tanong ng binata sa kanya. Humalukipkip ito na hinarap siya. Nakataas pa ang isang kilay.
Napasinghap siya sa hangin. Bakit feeling niya ay siya ang lalaki ngayon at si Paul ang babae?
Pero hayaan na nga lang niya.
“Meron ba tayong dapat pag-usapan?” ulit na tanong sa kanya ni Paul.
Mas natameme siya. Ano nga ba? Aisst! Gusto na naman niyang batukan ang kanyang sarili. Hindi na naman siya ready, eh. Asar!
"Ah, kasi ano! Ahmmmm----" Isip bilis! Isip!
Naghikab si Paul. Pinapakitang naiinip na ito. Sama talaga ng ugali ng lalaking ‘to. Parang gusto niya tuloy bawiin na madali na lang itong mahalin kapag nagging boyfriend niya. Mukhang hindi yata. Grabe ang attitude, eh.
"Uhmm... naalala mo 'yung sinabi ko na nagkaka-crush sa'yo? Gusto sana ka niyang yayain na kumain sa labas mamaya? If it's okay with you... raw?" Wala na siyang maisip na reason. Bahala na!
"Maarte ako sa pagkain," seryosong ani Paul.
"Sabihin mo na lang kung saan ang paborito mong restaurant daw." Gusto na niyang bawiin ang sinabi pero napasubo na siya. Hindi siya tanga para hindi maunawaan iyon. Lagot na!
Pagkatapos masabi ang place at time ay sumakay na ang binata sa sasakyan. Naiwan siya roon na maasim ang mukha.
•••
Ngiting-ngiti si Jordan na inayos ang upo sa sasakyan. Natanggal niya ang disguise niya para maging Paul.
"Siya ba si Miss Kulit, Sir?" usisa ni Wilson habang minamaneho ang sasakyan.
"Yeah..."
"Cute siya, ah?"
Inirapan niya ang kausap pero dahil sa sinabi ni Wilson ay napalinga siya kay Jennie. Well, cute nga ang dalaga. Makulit lang talaga.
Samantala'y gustong magwala ni Jennie na sa kinatatayun. Puwede naman kasing sa Mcdo o Jollibee na lang bakit sa mamahaling restaurant pa ang napili ni Paul. Ngayon palang ay gusto na niyang malula kung magkano ang magagastos niya sa gawa-gawa niyang date. Paano'y nasa five star hotel ang restaurant na gusto ni Paul na kakainan. Nalintikan na talaga.
Buong araw tuloy na namoblema siya. Okay na 'yung magagastos, naka-withdraw na siya pero ang malala, eh, kung sino ang ihaharap niyang babae sa binata. Imposible namang pumayag si Joyjoy at Rose? Gawa-gawa lang naman niya kasi 'yung tungkol sa nagka-crush sa binata, eh. Paano na 'to?
Dumating ang oras ng date ay malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago bumaba sa taxi. Isa lang ang solusyon na naisip niya. Kunwari ay sumakit 'yung tiyan ng girl at siya na lang ang proxy. Good idea na rin, 'di ba? Dahil baka ito pa 'yung way na magpapadikit sa kanila ni Paul. And dahil do'n nagpaganda na rin siya.
Hindi siya agad pumasok sa restaurant. Nag-aalangan siya. Pasilip-silip lang muna siya sa loob pero wala pa si lumang tao este si Paul.
Kagat niya ang daliri na palakad-lakad muna sa labas ng restaurant. Tama ba 'tong ginagawa niya? Pa'no kung hindi uubra ang mga plano niya? Pa'no kung mapupunta lang sa wala ang effort niya? Pati na ang mga gastos niya? Para siyang nagsusugal nito eh na walang kasiguraduhan kong mananalo siya. Tsk!
"Ay!" nang biglang sambit niya. Nabunggo kasi siya sa malapad na didbib ng isang lalaki.
"Masyado ka kasing nag-iisip," boses ni Paul ang narinig niya pero nagulat na lang siya nang pag-angat ulo niya ay mukha ni Jordan Fernandez ang natingala niya..........