UNANG YUGTO :: PART 1
Sino'ng pipiliin?
Sino'ng mamahalin?
Si Paul na baduy o si Jordan na may lihim?
.
.
.
"Lola?! Lola?!" tawag ni Jennie sa kanyang butihin na lola habang hinahanap niya ito sa loob ng bahay.
Sunday ngayon kaya naman bumibisita siya rito sa Santa Ana, ang probinsya ng kanyang mga magulang. At kadarating lang niya kasama ang kaibigan niyang si Rose.
"Wala yatang tao," bungad ni Rose na hawak-hawak ang cellphone nito. Tinataas-taas nito ang braso dahil nawawala-wala ang signal ng cellphone nito. Liblib na Barangay na kasi ang Sta. Ana kaya naman mahina ang signal.
"Ibaba mo nga 'yan! Mamaya ka na magdutdot! Nandito tayo saglit sa probinsya para mag-relax, 'di ba?" saway niya sa kaibigan pero inirapan siya nito. Palibhasa ay adik sa mga social media. Isa sa mga mamamatay kapag nawala ang f*******:, promise.
"May titingnan lang ako sa sss ko. Nag-text sa'kin si Joyjoy. Nai-tag na raw niya sa'kin 'yong photo ni Jordan Fernandez. Hindi na ako makapag-antay na makita kung guwapo ba talaga siya!" Rose reasoned out, saka pinagpatuloy pa rin ang paghahanap ng malakas na signal.
She shrugged, rolling her eyes. Wala na talaga ang mga kaibigan niya. Nilamon na ng social media.
Pinagpatuloy na rin niya ang pagtawag sa kanyang lola. Nang hindi makita ay dumiretso na siya sa kuwarto ng kanyang ina. Iniwanan na lang niya ang kanyang kaibigan sa sala.
Dahan-dahan ang ginawa niyang pagpihit sa doorknob. Ayaw niyang maistorbo ang kanyang ina kung sakali mang tulog ito. May saki kasi ang Mommy niya.
Dahan-dahan din niyang isinara ulit ang pinto nang makausap siya.Hindi siya nagkamali, mahimbing nga sa pagkakatulog ang kanyang Mommy.
She gently kissed her Mom's forehead. She almost in tears again. Naaawa siya kasi sa kanyang ina. Limang taon na ang nakalipas ng ma-stroke ito at mula noon naging isip bata na ito. Laking pasalamat na lang niya dahil kahit paano, eh, minsan naalala siya nito sa kabila ng kalagayan nito. Hindi nga lang lagi, gayunman ayos na sa kanya.
At dahil kapag nakita siya ng Mommy niya ay umiiyak ay nagpasiya siyang 'wag na lang niya ito gisingin at nakuntento na lang siya sa pagtitig sa mukha ng ina.
Napahalukipkip siyang tumitingin dito. At paminsan-minsan napapapasinghot siya at napapabuntong hininga ng malalim para pigilin ang gustong kumawala na mga luha niya.
Miss na miss na niya ang kanyang Mommy. Sobra!
Sa totoo lang ay gustong-gusto niyang maibalik ang dating pamilya na kinagisnan. Pero alam niyang imposible na 'yon mangyari. Idagdag pa kasi ang ama niya na nasa kulungan naman ngayon. Nakulong ang Daddy niya sa kasalanang hindi naman nito ginawa. Na-frame-up lang. Sinubukan nilang lumaban sa korte kaso ay walang nangyari.
She let an exhausted sigh again. Napapagod na siya sa kakaasang maibabalik pa ang lahat.
At hanggang ngayon hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nangyari ito sa buhay nila. Hindi niya alam bakit sila minalas ng husto.
Mabait naman kasi ang mga magulang niya noon, eh. Mga matulungin sa kapwa ang Mommy niya at lalo na ang Daddy niya. Kaya hindi puwedeng tawagin na karma sa kanilang pamilya ang nangyaring ito, ang pagbagsak nila, dahil mababait ang kanyang mga magulang.
Napakislot siya nang maramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat. Nilingon niya ito. "Lola?" at nakangiti niyang sambit nang mapagsino iyon.
Ngumiti rin ang matanda sa kanya at nagpatiunang lumabas ng kuwarto. Sumunod siya sa Lola niya. Hindi kasi puwede na doon sila mag-usap at baka magising nila ang Mommy niya. Pero bago niya isara ang pinto ay isang huling sulyap muna ang ginawa niya sa kanyang ina.
"How is Mommy, Lola?" tanong niya nang medyo makalayo sila sa kuwarto ng ina at pagkatapos siyang magmano.
"Okay lang siya, Apo. Huwag mo siyang alalahanin," malumanay na tugon sa kanya ng kanyang Lola. "Ikaw ang kumusta?"
Niyakap niya ang matanda. "Lola, magtratrabaho na ako. Kaya siguro madalang na akong makapunta rito. Kayo na po sana bahala kay Mommy, hah? H'wag po kayo mag-alala magpapadala ako lagi ng panggastos niyo," and she said emotionally. Alam niyang magiging busy na siya simula bukas, at mami-miss niya ang kanyang Mommy at Lola. Kaya ngayon palang ay nalulungkot na siya. Inaalo na lang niya ang kanyang sarili, sinasabing kailangan niyang gawin ito para rin sa kanila.
Ito talaga ang dahilan bakit sila nandito ngayon ni Rose, ang magpaaalam sa Lola niya na hindi na siya madalas uuwi. Noong isang araw kasi ay natanggap na siya sa isang inaplayan niyang trabaho at magsisimula na siya sa isang araw. Magiging crew siya sa isang cafe sa Maynila na malapit sa school na pinapasukan niya. Noong isang linggo lang niya naisip na mag-working student at swinerte naman siya na nakahanap agad ng matratrabahuan niya.
Tumango-tango ang Lola niya at masuyong hinaplos-haplus ang likod niya.
"Paubos na rin kasi 'yung naiwan na pera nina Mommy at Daddy. Ayoko naman 'yon maubos nang tuluyan kaya magtratrabaho po ako, Lola."
"Maganda ang naisip mo ngunit paano ang pag-aaral mo, Apo?" nababahalang tanong ng lola niya. Ito man ay mahalaga ang pag-aaral niya. Dapat daw ay makatapos siya.
Mahalaga din naman sa kanya iyon, pero sa ngayon, siguro pangalawa na lamang sa priority niya ang pag-aaral dahil mas mahalaga na para sa kanya ang matustusan ang pangangailangan ng Mommy at Daddy niya, pati na rin ng lola niya.
"Kaya ko naman po pagsabayin, Lola," aniya na hindi maitago ang lungkot.
Hinawakan siya sa braso ng kanyang Lola. "Kung hindi lang sana nagkaganito. Hindi ka sana nahihirapan, Apo. Pasensiya ka na."
A sad smile crept in her face . Oo! Kung hindi lang sana nagkaganito ang buhay nila. Siguro hindi niya mararanasan ang hirap.
"Eiiihhhhh!" Mayamaya ay malakas na tili na nagpatigil sa pag-uusap nilang mag-lola. At tili iyon ni Rose!
Tarantang bumaba sila ng bahay na mag-lola upang sakluluhan sana si Rose kung ano man ang nangyari.
"Rose, bakit?!" Nag-aalalang tanong niya agad nang malapitan nila ang kaibigan.
"O.M. G! Ang guwapo niya, Sis!" patiling sagot ni Rose na ang mata ay tutok sa screen ng hawak nitong cellphone.
She gasped. "Gaga! Akala ko pa naman ni-rape ka na!" tapos ay singhal niya sa kaibigan. Nasabunutan niya rin ito bahagya sa buhok.
Iiling-iling namang nagpaalam ang matanda. Kabataan nga naman, oo!
"Ouch!" sapo ni Rose ang ulo. Pasimple kasi itong binatukan pa niya nang wala na ang Lola niya. Pasaway, eh
"Ikaw talaga!" at saka angil niya sa kaibigan. Ang sama ng tingin niya rito.
"'Di ko napigilan, eh," ani naman ni Rose sabay hagikgik.
"Eh, kung naatake sa puso ang Lola ko?! Makatili ka wagas!"
"Hep hep! Baka 'pag makita mo rin itong nakita ko, eh, malaglag din 'yang panty mo!"
She glared at her. "'Yung Jordan na naman?!"
"Korak!"
"Bakit ba kayo interesado na interesado sa lalaking 'yon?!"
"Sa guwapo nga, eh! At saka magiging classmate raw natin! Mayaman! Anak siya ng Mayor sa Maynila kaya!"
Biglang nanlaki ang mga tainga niya sa narinig. "Mayaman ba kamo?"
"Yes!" Rose replied, popping the 'S'. Sinundan pa ng sunod-sunod na tango at kindat sa kanya.
Biglang inagaw niya ang cell phone ng kaibigan at tiningnan ang picture. At napanganga siya sa nakitang hitsura ni Jordan. Guwapo nga! Parang si Lee Min-ho na korean actor lang ang peg! Wow!......