UNANG YUGTO :: PART 6

1079 Words
Inilapag ni Jennie ang mga order na milk tea ng dalawang kaibigan. "Bagay mo naman pala maging waiter, Sis, eh," biro ni Joyjoy sa kanya na ngayon lang pumasok galing probinsya. "Excuse me, cashier ako rito! Out ko na kaya ako nalang nag-serve sa inyo!" nakairap niyang sabi. Joyjoy chuckled to loosen up. Inasar lang nito ang kaibigan. "You don't need to work naman, eh. Malaki pa naman 'yung pera niyo sa bangko, 'di ba?" sabad ni Rose sa kanila habang inaayos nito sa in-order nila. She sighed deeply as she sit. Sadness all over her face. Kapag talaga pagdating sa usaping pamilya ay sumeseryoso siya."Ayoko ngang maubos na lang 'yon basta-basta. Gagamitin ko na lang 'yon panggastos sa mga kailangan ni Mommy. Saka si Daddy minsan nangangailangan din ng pera kaya para sa kanila na lang 'yon. Kaya ko namang magtrabaho para sa sarili ko, eh." Nagkatinginan sina Rose at Joyjoy. They both held her hands. "Don't worry, Sis. Andito lang kami. Kapag may kailangan ka ay sabihin mo lang. Willing sina Mommy at Daddy na tulungan ka," at pampalubag-loob ni Rose sa kanya. "Yeah! Hindi ka namin pababayaan. Actually sinabi ko kay Dad na nagwo-work ka at sabi niya hindi mo kailangang magtrabaho, siya na ang bahala sa’yo," sabi rin ni Joyjoy. Isang tipid na ngiti ang iginawad niya sa dalawang kaibigan. “Salamat pero hindi ko matatanggap ang tulong niyo. Kaya ko pa naman. Pero oo naman, kapag hindi ko na kaya ay magsasabi agad ako sa inyo.” Naiiyak na tumango sa kanya si Joyjoy at Rose. Laking pasalamat niya sa dalawa dahil kahit mahirap na siya ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nila sa kanya. Na kahit hindi na niya afford ang mga nakasanayan nilang gawin bilang magkakaibigan ay todo suporta pa rin sila sa kanya. Tunay silang kaibigan. Wala na siyang mahihiling pa. "Tama na nga ang drama! Kain na tayo! Treat ko na 'to!" ani Joyjoy na nakatawa, bumabawi ito sa kanila dahil ilang araw itong absent at wala sa boarding house nila. Ngunit natigilan ito bigla nang may nakita ito sa labas. "Gosh! He's here!" mayamaya ay maarte nitong nasambit. Iniipit ang buhok sa tainga at mabilis na sinulyapan ang mukha sa kikay nitong maliit na salamin na always ready sa tabi nito. Kunot-noo sila ni Rose na nagkatinginan. Tapos ay sinundan nila ng tingin ang banda kung saan pasulyap-sulyap si Joyjoy at kinikilig. Si Rose rin ay napanganga. "Si Lee Min-Ho! Eiiiihhh! Andito siya sa Pilipinas!" ta's impit nitong tili. Siya lang ang deadma. Pero hindi rin naman naalis ang tingin niya sa tinatawag ng mga kaibigan niya na Lee Min-Ho. At hindi siya kokontra dahil hawig naman talaga ng lalaki ang korean actor na idol nila. Pumasok sa kainan ang guwapong lalaki, kasunod ang dalawang lalaki na halatang bodyguard nito. May humabol pa na isang lalaki na medyo may hitsura rin. Ibinalik niya ang tingin sa dalawang kaibigan. Susme! Mga kaibigan niya na mga naestatwa na! Naloka na! Ngiwing-ngiwi siya na pinalipat-lipat niya ang tingin sa dalawa. Huwag lang sana silang mahipan ng masamang hangin. Tapos ay muli siyang sumulyap sa guwapong lalaki na ngayon ay nakaupo na sa kabilang table. Naka-shades ito kaya hindi niya masyado makilala. Tinitigan niya ito, baka nga si Lee Min-ho ito kaya natulala na ang mga kaibigan niya. Pero hindi naman, eh! May hawig lang sa sikat na korean actor pero hindi ito si Lee Min-ho! Tapos parang pamilyar! Nagtanggal ng shades ang guwapong lalaki. Nagulat pa siya sa manipis na tili nina Rose at Joyjoy. Sabay yugyog-yugyog sa balikat niya, sobrang kilig na kilig ang mga bruha! "Ano ba?!" tulak niya sa mga kamay ng dalawa, inismiran niya ang mga ito, sisirain pa ang damit niya, eh. Tapos ay bahagyang tinulak niya pasampal ang mga mukha ng mga ito para maghonos dili ang mga to. Kulang na lang kasi ay lapitan na kasi ng mga 'to ang lalaki at landiin. "Umayos nga kayong dalawa!" saway na niya sa mga ito. Mga nakakahiya na, eh. Pero parang walang narinig at naramdaman sina Joyjoy at Rose. Tulo laway na talaga ang mga ito sa lalaking dumating. Ay naku! Binalingan ulit niya ang lalaking gwapo, raw. Well, gwapo naman talaga kaya hindi niya masisi sina Rose at Joyjoy. Kaya lang wa-epek ito sa kanya "'Di ko type!" sabi niya na napangalumbaba. "Eh, sinong type mo? Si taong luma sa kabaduyan?" pero bigla ay nausal ng kanyang utak. Napatuwid siya ng upo. Saan galing kaisipan na iyon?! Ew! Erase! Erase! Napapitlag na lang siya nang kinindatan siya ng guwapong lalaki. Nag-iwas siya ng tingin. Gusto niyang pagalitan ang sarili. Bakit ba hindi niya namalayan na natagalan na pala ang pagtitig niya rito? Aisst! Akala na siguro ng lalaki ay may gusto rin siya rito tulad ng mga kaibigan niya na todo effort sa pagpapa-cute. Pablink-blink pa ng mga eyelashes na mahahaba pero mga peke naman. Tsss. Napabuntong-hininga siya. Inirapan niya ang lalaki at hindi na niya nilingon. Presko! May pakindat-kindat pang nalalaman! "Ang guwapo talaga ni Jordan!" sabi pa ni Joyjoy. Napa-straight siya sa pagkakaupo. "Siya pala si Jordan? Kaya pala familiar," aniya sa sarili na napamata. Pero lumabas iyon sa bibig niya pala. "Korak!" kaya halos sabay na sagot nina Rose at Joyjoy sa kanya. “Sayang talaga at hindi siya nagging kaklase natin. Sikat na sana ang klase natin sa buong campus,” ani Rose. “Bakit ba kasi hindi natuloy?” usisa ni Joyjoy na naintriga. Akala kasi nito na babalik siya sa school na kaklase na nila si Jordan kaya naman laking dismaya nito nang malaman na hindi pala. Biglang lingon siya sa lalaki sa kabiglaan, hinayaan niyang mag-usap ang dalawa. "Buti na lang pala at dumating si Paul, dahil imposible namang magugustohan ako ng Jordan na 'to! Wapak ang beauty ko!" at nausal niya sa sarili, pero nag-blush yata ang pisngi niya nang makitang napatingin na pala si Jordan sa kanya. "Eiiihhhh! Type ka yata ni Jordan, Sis!" kilig to the bones na bulong ni Rose sa kanyang tainga. "Ikaw na maganda!" "Wala na! Finish na! May nanalo na!" biro rin sa kanya ni Joyjoy na patili. "Tigilan niyo ako!" saway niya sa mga kaibigan. Tumingin lang type na agad?! Imposible 'yon! In-assisst ng kasama niyang waitress si Jordan. Doon sila umupo sa dulo nang café. At masasabi niyang mukhang regular customer ng café na ang binate. Pero ewan niya lang, bago lang naman kasi siya rito.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD