"Sige, Sis, una na kami," paalam nina Rose at Joyjoy. Pinilit na ngumiti si Jennie. "Sige ingat kayo." Siya ang nagsabi na mauna na ang dalawang kaibigan niya. Ayaw niyang madamay ang mga ito sa inip, pagod at problema sa muling pag-aantay niya kay Jordan dito sa main entrance ng kanilang school. "'Pag wala pa siya after thirty minutes umuwi ka na rin, ha? We'll wait you," malungkot na pahabol ni Rose sa kanya. Tumango siya bilang tugon. Ilang oras na rin kasi silang nag-aantay kaya pinauna na lang niya ang dalawang kaibigan na umuwi dahil ramdam niyang boring na sila. Malaking bagay na iyong samahan siya sa walang kasiguradohang pag-aantay niya kay Jordan. Nagbabasakali lang siya na baka pupunta si Jordan sa school nila sa araw na ito, kaya naman halos buong araw siyang nagbantay sa