Madaling araw na ay gising pa si Jennie, nagmumuni-muni siya. Hindi kasi siya pinapatulog ng mga gumugulo sa isip niya. Parang may remote control ang kanyang utak sa mga sandaling iyon gawa ng paulit-ulit na nakikinita niya ang hitsura ni Jordan. Ang napakalungkot na mukha ni Jordan. Ang mga mata nito na tila nagsasabi sa kaniya ng napakaraming I'm sorry. Napabuntong-hininga siya ng malalim. Kinapa niya ang damdamin. Ano bang nangyayari sa kanya? Dahil ang totoo, kapag kinakapa niya ang damdamin ay wala naman siyang mapuntong galit. Hindi kaya 'Pride' ang tamang word para sa nararamdaman niya, at hindi galit? Na hindi niya lang matanggap, na ang taong halos araw-araw ay kinaiinisan niya ay siya rin pala 'yung taong lubos na minamahal niya? Na hindi pa rin siya makapaniwala kaya hindi pa