"Ziel, ano ba?! P'wede ba tigilan mo nga ako!" reklamo ni Fiona nang hindi ako tumigil sa paghalik sa leeg niya. Todo tulak siya sa akin na tinatawanan ko lang. Walang-wala siya sa lakas ko kaya nagagawa ko siyang paulanan ng halik sa kanyang leeg ng paulit-ulit.
Ito ang napagdiskitahan kong gawin sa kanya matapos na tanggihan niya ako sa gusto ko. Kanina ko pa inuungot sa kanya na pagbigyan niya ako sa isang round. Gusto kong matikman muli ang sarap na dulot ng kanyang lagusan. Pero ayaw niya na payagan ako. Paano na ang goal ko na buntisin siya para magpakasal na siya sa akin? 'Di pa naman ako sigurado na mabubuntis ko siya sa apat na rounds lang. Kaya naman para makasigurado ako ay uungot pa ako ng isa. Atleast sa panglimang round na hinihingi ko sa kanya ay makakasiguro na ako.
"Paano kung ayoko? Anong gagawin mo? Hmn...papayagan mo na ba ako sa isang round?" paos na tanong ko habang nakabaon ang mukha ko sa leeg niya. Sinigurado ko na malapit ang bibig ko sa tenga niya para tumama ang hininga ko doon. I know, malakas ang kiliti ng mga babae sa parteng iyon.
Sa dami ng babae na nakasalamuha ko sa kama ay halos kabisado ko na kung saan ang kahinaan nila. Eksperto na yata ako kung maituturing dahil alam ko kung paano sila paiinitin.
Tsaka nag-e-enjoy ako sa amoy ng leeg niya. Ang bangu-bango, nakakagigil, at ang sarap pupugin ng halik. Naaadik na nga yata ako sa amoy niya dahil ayoko ng alisin ang ilong ko sa leeg niya.
Fuck! Naramdaman ko ang pag-react ng ibaba kong katawan. Mas tumigas pa ito kesa kanina. Lagot ka Fionah, tutusukin na naman kita!
"Tse! Itigil mo nga 'yang sinasabi mo! Kanina pa ako naririndi sa round-round na 'yan! Pwede ba lumayo ka nga sa akin puro laway na leeg ko!"
Sinubukan na naman niya ako na itulak gamit ang kanyang buong pwersa. Pero malas niya dahil wala siyang laban sa akin. Nagsasayang lang siya ng lakas. Kung pumayag siya sa gusto ko eh di sana ay nasarapan pa siya. Ako naman ang gagalaw kaya masisiyahan siya.
"Ayoko! Pagbigyan mo na kasi ako Fionah. Gusto ko lang naman makasiguro na mabubuntis kita," malambing na sabi ko. Hinalikan ko na naman siya sa leeg saka hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niyang tumutulak sa akin.
"A-Ano?" gulat na bulalas niya.
Natigilan siya sa panunulak sa akin at tumunganga sa mukha ko. Sinamantala ko naman iyon para hulihin ang kanyang dalawang kamay at ilagay ko ito sa kanyang ulunan. Pagkatapos ay nakangiting tumunghay ako sa kanyang magandang mukha. Subalit ang ngiting nakapaskil sa labi ko ay napawi nang makita ko siya na nakatitig sa akin. Awang ang kanyang mga labi at namamasa ang gilid ng kanyang mga mata.
Fuck! Did I say something wrong? Bakit siya naiiyak? Nasaktan ko ba siya sa pagpipigil ko na h'wag niyang ilayo ang labi ko sa leeg niya?
"Hey baby...something wrong?" untag ko ng hindi pa rin siya natinag. Pinakawalan ko ang mga kamay niya at hinaplos ng mabini ang kanyang mukha. Subalit nadismaya ako sa ginawa niya, hindi ko inaasahan na tatabigin niya ang kamay ko. Bahagya akong napapitlag at kunot-noong napatingin sa kanya.
"B-Bitawan mo ako. Lumayo ka sa akin." aniya sa garalgal na tinig. Nag-iwas siya ng tingin sa akin para itago ang pagpatak ng kanyang luha. Ngunit huli na dahil nakita ko ito.
"Why are you crying, Fionah? Tell me, did I hurt you? O baka naman nagsisisi ka sa mga nangyari sa atin?" malungkot na tanong ko.
Pinagsisihan kaya niya 'yong naganap sa amin? Iyon ba ang iniiyakan niya. s**t! No! H'wag niyang sabihin iyon sa akin ng harapan dahil masasaktan ako nang sobra. I know, pinuwersa ko siya para may mangyari sa amin. Ngunit nagustuhan naman niya at ginantihan niya ang mga galaw ko. Hindi ako nakarinig ng reklamo sa kanya ng gawin namin iyon sa pangalawa, pangatlo at pang-apat na beses. Alam ko ginusto rin niya iyon.
"Z-Ziel...did you planned all of this? Ano ang agenda mo bakit gusto mo akong buntisin?" wika niya na panay ang luha ng kanyang mga mata.
Oh...nakahinga ako nang maluwag sa sagot niya. Ibig sabihin, hindi niya pinagsisihan na ibigay sa akin ang katawan niya.
Umiiyak siya dahil gusto ko siyang buntisin? Hmnnn...ayaw niyang magbuntis? Dahil ba ayaw niya sa akin o masyado pa siyang bata para mabuntis?
"Yes. I planned all of this, Fionah." prangka ko na sabi. Hindi ako kumurap sa pagtitig sa mukha niya. Gusto ko na iparating sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko sa pamamagitan ng mga mata ko. Ngunit alam ko na manhid siya kaya sasabihin ko kung bakit ko ito nagawa sa kanya. Sana paniwalaan niya ang sasabihin ko.
"Pinagplanuhan ko ang lahat ng ito just to get you. I love you very much Fionah...but you are so dense. Ginawa ko na lahat para mapansin mo at maging akin ka. But it's useless dahil hindi mo ako napapansin. Naisip kong buntisin kita para wala ka ng kawala sa akin. Ito ang naisip ko na paraan. Natatakot kasi ako na baka maunahan ako ng iba at tuluyan ka ng hindi mapasaakin."
Matapos ko iyong masabi sa kanya ay muli kong ibinaon ang mukha ko sa leeg niya. Niyakap ko siya nang mahigpit at ipinadama ang t***k ng aking puso. Ipaparamdam ko sa kanya na siya lang itinitibok nito.
"M-Mahal mo ako? Are you serious Ziel? Marunong ka pa lang magmahal." sarkastiko na sabi niya.
"What do you think of me? Heartless?" hindi ko napigilan na sumigaw.
Binitiwan ko siya at napalayo ako ng wala sa oras sa sinabi niya. Ang sama naman ng tingin niya sa akin. Sabagay, kasalanan ko naman kung bakit ganito ang tingin niya sa akin. Sana nagpakatino na lang ako at ininda ang sakit ng pagkaka-basted niya sa akin noong una. Sana mas nagpursige pa ako sa panliligaw sa kanya para makita niya na totoo ang hangarin ko. Ano ngayon itong inani ko sa mga pambababae ko para kalimutan siya? Wala itong mabuti na ibinigay sa akin kundi sirain pang lalo ang sira-sira ko ng imahe sa kanya.
Akala ko kasi makakalimutan ko siya sa pamamagitan ng pambababae. Putang-ina lang dahil kahit anong gawin ko na paglimot sa nararamdaman ko sa kanya ay hindi ko magawa.
Mahirap kalimutan ang first love ko. Iyan ang sinasabi ng puso ko. Siya itong una na babae na minahal ko sa tanang buhay ko. Siya itong nakakakuha ng interes ko. Siya ang una na niligawan ko. At siya rin itong una na nanakit at tumanggi sa akin.
Ang pangit naman kasi ng tingin niya sa akin. Bastos, manyak at barumbado. Pero iyon naman talaga ako. Namana ko lang naman ang ugali ng aking ama. Pero mas masahol nga lang ako sa kanya. Halimaw ang tingin nila kay papa samantalang sa akin ay demonyo na halimaw. Walang-wala sa kalingkingan ko ang ama ko pagdating sa kalokohan at babae. Mas may karisma ako sa kanya at mas demonyo.
Tss! Bakit ko ba naisip ang halimaw na iyon? May kasalanan pa siya sa akin na hindi ko pa nakakalimutan.
"Heartless? Tama ka roon, Ziel! You are heartless! Hindi mo iniisip ang nararamdaman ng ibang tao basta maging masaya ka lang!" ganting sigaw niya sa akin. "Ano ang tunay na dahilan mo kung bakit gusto mo ako na mabuntis? Gusto mo ba na gumanti sa pamba-basted ko sa 'yo? Ano 'to ego trip lang ba? Ito ba ang naisip mo na paraan para gantihan ako?"
"f**k! What do you think of me? I love you, Fionah! Bakit ba ayaw mong maniwala?" naiinis na sabi ko. Ego trip? Ni hindi ko nga naisip iyon! Ang sama talaga ng tingin ng babaeng ito sa akin. Pasalamat siya at mahal na mahal ko siya.
"Ziel, h'wag mong gawin ito sa akin! H'wag mo akong linlangin sa mga salita mo! H'wag mong sabihin na mahal mo ako dahil hindi ako naniniwala na marunong magmahal ang isang katulad mo!"
Napapikit ako nang mariin sa sinabi niya. Kinagat ko nang madiin ang aking labi saka tumayo mula sa pagkakadagan sa kanya. Nagpalakad-lakad ako sa gilid ng kama habang nababanas na sinusulyapan siya.
Damn it! Bakit ganito siya mag-isip? Hindi ba niya nararamdaman na mahal ko siya talaga? Gaano ba siya kamanhid para hindi niya ito maramdaman?
For Pete's sake I love her. I love her so much! I'm doing all of this just to have her. Be mine and love me.
"You know what Fionah? Ikaw ang walang-puso rito! Ikaw itong patuloy na nananakit ng paulit-ulit sa akin! Bakit ba ganyan ka ba mag-isip? Bakit hindi mo paniwalaan na mahal kita? Mas nanaig ba sa 'yo ang nakikita ng mga mata mo kaysa sa nararamdaman ng puso mo? Bakit hindi mo pakinggang mabuti ang mga sinasabi ko sa 'yo? Gusto mo bang hiwain ko ang dibdib ko para maipakita ko sa 'yo na ikaw itong nakaukit sa puso ko?" buong hinanakit na litanya ko. Tumigil ako sa kakalakad at nababanas na sinuklay ang buhok ko gamit ang palad.
Siya naman talaga itong nananakit ng paulit-ulit sa akin. Napakamanhid! Akala ba niya na hindi ako nahihirapan sa ginagawa niya na pangde-deadma sa akin? Sobra akong nasasaktan kapag itinatapon niya ang ibinibigay ko na mga regalo sa kanya. Akala niya hindi ko nakikita ang mga pagtatapon niya sa mga regalo na ipinapadala ko kay Shayne? Kitang-kita ko iyon at labis akong nasasaktan dahil hindi niya na-a-appreciate.
Wala na akong narinig na salita buhat sa kanya. Nanatili na tikom ang kanyang mga labi at nanlalaki ang mga mata na nakatitig sa akin. Mas lalo akong nabanas. Wala man lang ba siyang sasabihin para pagaanin ang loob ko?
Shit! f*****g s**t! Napakamahid talaga!
"Ayusin mo na ang sarili mo. Ihahatid na kita sa apartment mo," nanlulumo na sabi ko. Padabog na tinungo ko ang walk- in closet ko at naghagilap ng maisusuot. Mabuti pa na ihatid ko na siya. Baka hindi ako makapagpigil ay makagawa ako ng mga hakbang na ikakagalit niya. Sa ngayon, palalamigin ko muna ang ulo ko. Magkikita naman kami mamaya sa school kaya makikita ko siya mamaya.