Chapter 3: I am her first and probably the last. Ziel's POV

1568 Words
"Problem?" Napaangat ako ng tingin kay Dream. Inalis ko ang kagat-kagat kong sigarilyo sa aking bibig at medyo iritadong inilapag ito sa ibabaw ng mesa. Ngumuso ako pagkatapos at binigyan siya ng isang mapaklang ngiti. Anong ginagawa ng ungas na 'to rito? Wala ba siyang pasok at tumatambay din dito sa canteen? O baka naman tumatambay siya rito para masilayan ang kapatid ko? Tsk! Akala naman niya papansinin siya ni Shayne. Sa sungit at maldita ng kapatid ko ay malabong makalapit siya rito. Baka papalapit pa lang siya ay suntok na agad ang sasalubong sa kanya. Palikero kasi ang isang ito gaya ko at hindi napipirmi sa isang babae. "Nothing," sagot ko at saka sinulyapan ang isang malayong mesa na kinaroroonan ni Fionah. Napailing ako ng hindi man lang niya ako tapunan ng tingin. Parang walang nangyari sa amin kagabi. Parang wala kaming pinagsaluhan. Damn! Wala ba siyang pakialam sa nangyari sa amin? Kanina ko pa napapansin sa klase namin na mas lumamig pa ang pakikitungo niya kaysa noon. Mas naging ilag siya at hindi man lang niya magawa ng tumingin sa direksyon ko. Nababahala tuloy ako baka pinagsisisihan niya ang nangyari sa amin. Kasama niya sa mesa si Shayne na maluwag ang ngisi sa labi habang masarap silang nagtatalakan. Kinindatan ako ng kapatid ko nang magtama ang aming paningin. At pagkatapos ay nginitian niya ako nang matamis. Ngunit agad ding sumimangot nang makita niyang kasalo ko sa mesa ang lalaking kinaiiinisan niya. "Bakit sambakol ang mukha mo kung gano'n?" Nabalik ang atensyon ko kay Dream nang muli siyang magsalita. Walang emosyon ang mukha niya habang nakikitanaw din sa mesang kinalalagyan ng mga gusto naming mga babae. Ganito naman siya palagi. Wala kang makikita sa mukha niya kundi itong ekspresyon na ito. Nagtataka nga ako kung bakit Dream ang ipinangalan sa kanya nina Tito Travis at Tita Fierah. Masyadong malamya at boring, kagaya ng ugali niya. Umakma tuloy iyon sa kanya. "Wala nga," patamad na saad ko. Dinampot ko ang sigarilyong inilapag ko sa mesa at sinindihan ito gamit ang lighter na galing sa aking bulsa. Hinitit ko ito at pagkatapos ay sunud-sunod akong nagbuga ng usok. "Hey! That's prohibited!" bulalas niya na umubo-umubo habang pinapaypayan paalis sa kanyang mukha ang usok na napadpad sa kanya. "Tss!" I chuckled. Pasadyang binugahan ko uli siya sa kanyang mukha kaya namura ako ng wala sa oras. Natatawa na lumayo ako sa kanya at bumuga ng usok sa ibang direksyon. Napakahina naman ng baga ng ungas na ito. Parang bading ang walanghiya. Mabuyo ngang gumamit ng sigarilyo ng tumatagtatag. "Walang pwedeng bumawal sa akin sa eskwelahan na 'to! Masusunod ang lahat ng gustuhin ko sa eskwelahang ito," wika ko kay Dream sabay ngisi. Napangiwi naman ang loko at napailing. Ano pa at naging anak ako ng isang Lei Kim kung hindi ko magagawa ang lahat ng gusto ko. Lahat kaya kong gawin, because I have the power to make everything's possible. I have my own company and money. Walang pakialam si Papa roon dahil sariling pawis ko ang ginamit ko doon. Tsaka, takot lang sa akin ng mga admin dito. Malaki ang shares ko rito dahil isinalin sa akin ang kalahati ng Hanzford University. Iyon daw ang bilin ni Tito Hanz bago siya pumanaw kung sakaling nakaligtas kami ni Mama sa operasyon. Well, thanks to him. Ito ang pinagkukunan ko ng kapital sa mga negosyong hawak ko. Naisip kong gayahin ang ama ko na marami ng naipundar sa ganitong edad. Ngunit hindi ko mahigitan dahil mas inuuna ko pang maglakwatsa at gumasta kaysa tutukan ang pagpapalago ng negosyo ko ng triple. I know the story about my parents and Tito Hanz. Namatay siya dahil sa sobrang pagkabaliw niya kay Mama. Natatakot tuloy ako na baka magaya ako sa kanya dahil nananalaytay sa akin ang kanyang dugo. Baliw na baliw pa naman ako kay Fionah. Baka sa sobrang kabaliwan ko ay ikapahamak ko ito. Ang dami kong kalokohan dito HU. Sa dami ay hindi ko na mabilang. Ngunit sisikapin kong magtino para kay Fionah. Kung iyon ang nagpapabago ng tingin niya sa akin ay gagawin ko. Marahil, kaya hindi niya ako mapansin-pansin dahil sa pagiging barumbado ko at mapaglaro sa mga babae. Sisikapin kong magpakatino para sa kanya lalo na ngayon at may pinanghahawakan na ako sa kanya. Ako ang nakauna sa kanya at magiging panghuli sa buhay niya. Sisiguraduhin kong mapapasaakin na siya ng tuluyan at sa simbahan kami pupulutin. *** Binilisan ko ang paglalakad sa kahabaan ng pasilyo nang matanaw ko sa di-kalayuan si Fionah na kausap si Nico, isa sa barkada ko. Nakaupo sila sa isang bench malapit sa gate. Kaagad na nag-init ang ulo ko nang makita ko silang masayang nag-uusap habang nakaakbay ang huli kay Fionah. Hindi ko mapigilang manibugho kahit alam kong magpinsan ang mga ito. Ayoko kasing makita si Fionah na may kasamang ibang lalaki bukod sa akin. Possessive at territorial ako sa mga pagmamay-ari ko. Gusto ko akin lang. Buong-buo at walang kahati. 'Di ko alam kung ano ang kwento kung paano sila naging magpinsan. Basta ang alam ko mag-second cousin sila. Tsaka hindi naman naikukwento ni Nico sa akin dahil tamad iyon magsalita. Saka lang naman iyon maging madaldal kapag nakainom. Mas matanda ako sa kanila ni Dream ng dalawang taon. Naging matalik kaming magkaibigan dahil matalik na magkaibigan ang mga magulang namin. Parang naisalin lang sa amin. Tsaka kami ang magkakalaro noong mga musmos pa kami. Iyon din ang dahilan kung bakit kami naging close sa isa't isa. "Nic, pwedeng ako na ang maghatid kay Fionah pauwi?" wika ko ng makalapit sa kanilang dalawa. Si Nico ang tagahatid at tagasundo ni Fionah kapag papasok sa school. Madadaanan kasi nito ang apartment ni Fionah kapag pumasok siya ng HU. Gusto ko nga ako ang gumawa nito kay Fiona. Ngunit hindi ako magkaroon ng pagkakataon na makalapit sa kanya dahil mailap siya sa akin. Pero mukhang magbabago iyon simula ngayon. Simula ngayon hindi ko na hahayaang ma-deadma niya ako. Gagawin ko ang lahat para makita niya ako sa bawat hakbang niya. Itatatak ko sa isipan niya na akin lang siya at pagmamay-ari ko ang bawat himaymay ng kanyang katawan. Minarkahan ko na siya ng aking tatak. Sapat na siguro iyon para masabi kong pag-aari ko siya. "Sure dude!" wika ni Nico na palihim akong kinindatan. Sumimangot naman si Fionah. Umalis siya sa pagkakaakbay kay Fionah at natatawa na nakipag-high-five sa akin. Napangisi ako ng palihim sa ginawa niya. Alam niyang malaki ang pagkagusto ko kay Fionah. Siya nga itong gumagawa ng paraan para malapit ako sa pinsan niya. But sad to say puro palpak. "Mabuti na lang dumating ka dude. May lakad kasi kami ni Dream ngayon. Gagawa kami ng project at magre-review na rin," dagdag pa niya at kumindat na naman sa akin. He is lying I know. Move niya ito para mapapayag niya si Fionah. "Good to hear that." Tumingin ako sa gawi ni Fionah na hindi na maipinta ang mukha. Himala yata na hindi siya kumontra. Dati-rati ay todo tanggi pa siya at mag-wa-walk-out na lang bigla para hindi ko maihatid. Ngayon mukhang wala yata siyang balak. "Oh, paano dude? Ikaw na ang bahala sa pinsan ko. Ingatan mo 'yan ha? Mahal na mahal ko 'yan." Hindi ko mapigilang batuhin ng masasakit na titig si Nico. Hindi ko nagustuhan ang huling sinabi niya. I feel jealous. Ako lang dapat ang magsabi ng mga katagang iyon kay Fionah. "Woah! Pati ba naman ako pinagseselosan mo Ziel? Tsk! Possessive much!" tudyo ng mokong ng mapansin ang masasakit kong titig. Narinig kong bumuntonghininga nang marahas si Fionah at padabog na tumayo. Natutok tuloy sa kanya ang aking atensyon at nakaramdam ako ng pagkaalarma nang makita ko siyang humahakbang palabas ng gate. "s**t! Fionah, wait for me!" tarantang bulalas ko nang makita kong malalaki ang kanyang mga hakbang. "Good luck sa pinsan ko dude!" natatawang hiyaw naman ni Nico ng maiwan ito at habulin ko si Fionah. Itinaas ko naman sa ere ang isang kamay ko at nag-dirty finger. Humalakhak lang ang gago. "f**k Fiona! Bakit ka ba nang-iiwan?" Hinihingal na utas ko nang naabutan ko siya sa labas ng gate at nag-aabang na ng taxi. "Ziel, stop this. Lubayan mo muna ako. I want to be alone," malamig niyang sinabi. Iwinaksi niya ang hawak kong braso niya at pilit dumistansya sa akin. "No. I want to be with you. Come, let's go to my place." Hinila ko siya sa braso patungo sa kotse kong nakaparada sa malapit. Ngunit nakipagmatigasan siya sa akin pilit niyang binabaklas ang kamay kong nakahawak sa kanya. "Hindi ako sasama sa 'yo! Bitiwan mo 'ko uuwi na ako!" "Iuuwi rin kita basta sumama ka lang sa akin!" "No! Hindi ako sasama. Kaya kong umuwi mag-isa!" "f**k no! Ako ang masusunod dito!" Bigla ko siyang binuhat ng nagsawa na ako sa pakikipaghilaan. Para na kaming tanga na pinagtitinginan ng mga kapwa namin estudyante. Hindi ko na nagustuhan ang tingin at bulungan ng mga kababaihan kay Fionah kaya wala akong nagawa kung hindi ang buhatin siya. Gusto ko ng ilayo siya sa mga babaeng alam kong galit na sa kanya dahil sa akin. Isinampay ko siya sa aking likuran habang malakas na nagsisigaw. Napangisi na lang ako. Mukhang mauulit yata ang mga eksenang nangyari kahapon. Sa kama ang kahahantungan ng lahat ng ito. Be ready yourself Fionah. Sisiguraduhin kong next month malalaman ko na ang resulta. I want you to be pregnant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD