"Masama pa rin ba ang loob mo?" "Hindi." "Hindi ka r'yan? So ba't ang haba ng nguso mo Hanziel?" "Don't mind me Lianna. Stop talking for a while, umiinit ang ulo ko." "Fine! Kapag humingi ka muli ng favor sa akin hinding-hindi na kita pagbibigyan!" mataray niyang lintanya kasabay ng pagmamartsa niya papasok ng mansion ng aking mga magulang. I sighed. Napapailing na sumunod na rin ako papasok ng mansion habang nakakuyom ng mahigpit ang aking mga kamao at nagngangalit ang aking mga bàgang. I thought my plan would be successful but it seems pumalpak ito. "Oh, ba't ganyan ang mukha mo Kuya Ziel?" tanong ni Shayne nang sumungaw ako mula sa sala. Nakita kong prenteng nakaupo na roon si Lianna at kinukulit ang kambal. Naroon din sina Papa at Mama na halatang may pinag-uusapan ngunit natig