Nakapangalumbaba ako sa may bintana. Tinatanaw ko ang madilim na kalangitan. Pinagmamasdan ko ang mga bituin at buwan na siyang tanging nagbibigay ng liwanag sa gabing ito. Napakalamig din ng hangin na humahaplos sa aking balat. Parang inuugoy nito ang aking katawan para ito ay makalma. Alas-diyes na ng gabi ngunit 'di pa rin ako dalawin ng antok. Kahit anong pilit kong matulog ay hindi talaga ako makatulog. Nag-aalala ako kay Xenon, sana hindi niya pinuntahan si Ziel at sinugod ito ng away. I know galit na galit siya sa nalaman niya. Iniisip niya siguro na napakalandi kong babae. Na bumigay ako sa lalaking dapat ay iniwasan ko. Napakabata ko pa ay nagawa ko ng magpabuntis. Alam ko naman na hindi siya nagkulang sa mga pangaral sa akin. Pero nangyari na, hindi na maibabalik sa dati ang la
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books