"GOD!" sambit ni Freya nang makita ang oras sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Agad siyang bumalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga. Saka siya bumaba ng kama. Masyadong nasarapan ang tulog niya dahilan para hindi niya namalayan kung ano ang oras sa umagang iyon. Nakalimutan din ni Freya na sa ibang kwarto siya. Ang buong akala kasi niya ay nasa sariling kwarto lang siya. Ang oras kasi ng gising ni Freya sa umaga ay alas siyete or alas otso. Hawak kasi niya ang sariling oras. Pero iba na ang sitwasyon niya ngayon. Hindi na iyon tulad ng dati na gigising na lang siya kung anong oras ang nais niya. Ngayon magtitiis siya ng dalawang linggo na gumising ng maaga hanggang matapos niyang bayaran ang atraso niya kay Ylac—este sa naging atraso niya kay Mr. Lambhorjhini. Nagmam