MULA sa pagkayukyok ni Freya sa mesa ay nag-angat siya ng mukha ng makarinig siya ng malakas na pagtikhim. Nakita niya si Ylac na nakasandal sa pinto ng fridge habang hawak-hawak nito ang isang baso na naglalaman ng tubig habang matiim na nakatitig sa kanya. As usual, nakakunot na naman ang noo nito. "I want to eat. Maghanda ka." utos nito bago dinala ang hawak na baso sa labi nito. Kahit masama ang pakiramdam ni Freya ay pilit niyang tumayo mula sa pagkakaupo. Masama ang pakiramdam niya at ayaw niya iyong madagdagan kung papagalitan siya ni Ylac. Paggising ni Freya sa umagang iyon ay may kakaiba na siyang naramdaman sa sarili. Mabigat ang pakiramdam niya. Masakit ang katawan at ulo niya. Pero sa kabila niyon ay pilit pa rin niyang bumangon para ipaghanda ng almusal si Ylac at gawin ang