Kabanata 3: Ang AL HARAM

4166 Words
Tinakpan ni Arabelle ang mukha niya ng hijab (ang hijab ay isang belo na tumatakip sa ulo at dibdib na isinusuot ng mga babaeng Muslim.) Kung may tumingin sa kanya doon, tapos na siya, tapos na. Lubhang nakasimangot ang isang babae sa kanyang klase na bumisita sa mga ganitong lugar sa ilalim ng mundo. Itinuring niya itong ganap na pagkukunwari. Bakit kaya itong gawin ni Kerem? Halos sigurado siya na binisita ng kanyang asawa ang mga lugar na iyon at nagkulong sa mga VIP room kasama ang mga babaeng nakasuot ng maiikling damit. Malungkot na kawawa. Hindi niya pinagalitan ang sarili sa pag-iisip ng ganoon, dahil sawa na siya. Napakamanhid na niya na umabot sa puntong muntik na niyang ipahiya ang sarili at tapos, malapit nang mawala sa kanya ang lahat. Itinago niya ang kanyang pagkatao dahil sa kanyang ama, ngunit ngayon walang ng proteksyon ay kailangan niyang ilabas ang kanyang mga kuko upang protektahan ang kanyang sarili, kung hindi ay madudurog siya. Ang kapaligiran at ang musika ay nangingibababaw, ang mga babae ay sumasayaw sa mga poste na iyon, kinukuskos ng kanilang mga sarili sa mga iyon sa isang sa malalaswang paraan, kahit paano para kay Arabelle na pinalaki sa isang tradisyonal na tahanan ng mga Muslim at iyon ng walang pag-aalinlangan, ay talagang hindi katanggap-tanggap para sa kanya. "Para sa pag-ibig ni Allah, babae, tanggalin mo ang mukha na iyan," saad ni Ruzgar, na nagawang ilabas siya sa kanyang bahay, sinamantala ang katotohanan na si Kerem ay nasa labas. Isa pa, kung hindi man lang niya binigyan ng kaunting pansin ang asawa niya, imposibleng mapansin nito ang kawalan nito. "Hindi ito ang aking kapaligiran.” "Alam ‘ko, hindi kita naisip na nasa ganitong lugar ka, hindi dahil sa hindi ka magmumukhang maganda, kundi dahil sa posisyon mo bilang "Queens", ito ay imposible.” Nag-aalinlangan si Arabelle sa salitang "maganda", nagdududa siya na siya nga, kung ang kagandahan ay talagang kumikinang na pumapabor sa kanya, hindi siya ituturing ng kanyang asawa na parang may ketong. Naalala niya ang lahat ng mga gabing iyon, nang siya ay natulog sa tabi niya. Tahimik na natutulog si Kerem habang mulat na mulat ang kanyang mga mata at nang sumapit ang bukang-liwayway, pumatak ang mangilan-ngilang luha sa pagkadismaya dahil wala siyang natanggap ni anuman, ni isang tingin, ni isang haplos. Ang lahat ay pagkabigo. Hindi siya nakasagot sa papuri, ni hindi na siya nakapagsalita pa, hinayaan lamang niya ang kanyang sarili na magabayan sa mga pasilyo na iyon, na sinasamahan ng kanyang bantay, na inupahan ni Ruzgar. Maaari siyang lumabas, ngunit hinding-hindi kung wala siya at ang kanang kamay ni Kerem, hindi niya isasapanganib ang kaligtasan ng asawa ng lalaki. "Manager". Binuksan nila ang isa sa mga silid at kaagad, pinapasok siya ni Ruzgar. "Maghintay ka rito, hahanapin ‘ko si Fatma. Huwag itaas ang mga kurtina, malinaw ba iyon?” Tumango siya, hindi alam kung anong kurtina ang sinasabi niya. Pumasok siya sa silid at nanatili sa labas ang dalawa sa mga bodyguard, habang ang tatlo ay sinamahan siya sa loob at nakatayo malapit sa pintuan, habang ang babae ay naggalugad. Mga puting dingding na may mga guhit na kulay alak, mga kurtinang kasing pula ng dugo, isang uri ng mabahong usok na dumadaloy sa lugar at musika, napakaraming musika na halos hindi niya marinig ang sariling boses. Hindi mapakali ang paggalaw ng kanyang mga paa, natatakot siya na baka may makaalam na sinuman kung nasaan siya, ngunit kung makakatulong ito sa kanya na makakuha ng isang bagay, tiyak na sulit ito. Umupo siya, tumayo ilang minuto ang nakaraan, naglakad, umupong muli, kinakabahan siya, kinakabahan na nakalimutan niya ang bilin ni Ruzgar na huwag itaas ang kurtina. Hindi niya ito masyadong ginawa, bahagya lang, at nakita ng kanyang mga mata na isa itong uri ng napakalaking silid na nahahati sa mga ilang seksyon na may mga magagarang kurtina. Nanatili ang isang babae sa ibabaw ng isang lalaki, nakatingin sa kanya na may nakakaakit na kahalayan at hinahaplos ang kanyang mga labi gamit ang kanyang mahahabang kuko. Ang lalaki ay pinatakbo ang kanyang mga kamay nang walang pakundangan sa kanyang mga binti. Halos mapansin niya kung paano kinilig ang babae sa ilalim ng kanyang paghawak nang manginig ang kanyang mga daliri. hinimas ng lalaki ang kanyang salawal. Oras na para lumayo, na-iskandalo siya, ngunit hindi maikakailang natutuwa siyang masaksihan ito, lalo na nang magsimulang halikan ng lalaki ang leeg ng dalaga. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang leeg at nang kumurap siya, isang erotikong imahe ang lumitaw sa kanyang isipan, ang parehong bagay na kanyang nasasaksihan, ngunit binago ang mga bida:Si Kerem at siya. Nagha-hallucinate siguro ako! Allah, awa! Naramdaman niyang uminit ang pisngi niya at nang mapansin niyang sinimulang ilapat ng lalaki ang labi nito sa dibdib ng dalaga, sinara niya ang kurtina at saka mabilis na tumalikod at nabangga ang isang matangkad at balingkinitan. “Nag-enjoy ka ba sa pinapanuod mo?” Nilinis ni Arabelle ang kanyang lalamunan. “Ako ay…” Hindi niya alam kung ano ang isasagot, ang babaeng nasa harapan niya ay nakasuot ng mahabang stiletto heels at matikas ngunit napakamapang-angkit na damit. Pulang-pula ang mga labi niya at ang lakad niya ang pinakamahinhin na nakita ‘ko sa mahabang panahon. Nasa likod niya si Ruzgar. "Sinabi ‘ko sa iyo na huwag itataas ang kurtina.” "Patawad," sinsero niyang paghingi ng tawad. "Siya ba ‘yung babae?” Tumango si Ruzgar at sinuri ito ni Fatma Polat, napakaingay ng parteng iyon, kaya binuksan niya ang isang pinto at pinapasok siya sa private room nito. Nang iniisip ni Ruzgar na pasukin ito, pinigilan siya ni Fatma. "Naku, hindi ka sasama, Gwapo. Manatili ka riyan, ako na ang bahala sa kaibigan mo.” "Nasabi ‘ko na sa iyo na mahalaga para sa akin na makausap mo siya, babayaran kita kung ano ang dapat ‘kong bayaran, ito ay regalo mula sa "Manager" at kailangan niyang gawin nang maayos ang trabaho niya,” pagpaliwanag ni Ruzgar, sinusubukang pakinggan siya ni Arabelle. Nagsinungaling siya kay Fatma dahil ang hindi gaanong kilala tungkol sa kanyang pagbisita sa "Al Haram" ay mas mabuti. Tumingin siya kay Arabelle at tumango ito. "Huwag kang mag-alala, huwag mo akong pagdudahan, gagawin ‘ko ang aking magagawa ngayong gabi, ngunit hindi ‘ko magagarantiyahan. Tingnan mo ang mga pisnging iyon na namumula at ang serbisyo sa tabi ay walang kasamang mabigat, haplos lamang!" Itinuro niya si Arabelle, na ikinangiti ni Ruzgar. Kawawa naman, mahabang usapan ang naghihintay sa kanya. Pagkaraan ng ilang salita, isinara na ni Fatma ang pinto. Katumbas ng tatlong beses na ang ibinayad sa kanya, mas malaki ang kinita niya noong gabing iyon, nang hindi na kailangang matulog kasama ang mga nakakadiri na matatandang lalaki, kung minsan ay swerte siya, dumating ang mga kaakit-akit na lalaki at pinahaba niya ang kanilang serbisyo, ngunit kung minsan ay mga kakila-kilabot na lalaki lamang ang dumadating. Gagawin ni Fatma ang kanyang makakaya, dahil iniligtas siya ni Ruzgar mula sa pakikipagtalik sa isang matandang lalaki na maaaring maging lolo na niya at dapat niyang ipagpasalamat iyon. Nag-click sa sahig ang stiletto heels ng babae at saka tumingin kay Arabelle, sumandal sa dresser niya at pinag-aralan kung ano ang nasa harapan niya. “Alisin ang hijab.” “ Ano iyon?” "Babae, ako ay katulad mo, mayroon akong isang pares ng dibdib." Pinisil niya ang kanyang dibdib, ipinakita ang kanyang cleavage, "Wala kang problema, naiintindihan ‘ko na kung ikaw ay nasa harapan ng isang lalaki, kailangan mong panatilihin takpan ang iyong sarili. Ngunit hindi ako lalaki. Ngayon, ipakita mo sa akin." Tumango si Arabelle at ipinakita sa kanya ang maalon niyang buhok. "Wow, wow, gusto ‘ko ang buhok at leeg mo, gusto ‘ko ng lahat," saad niya habang nagsasalita at tapos ay lumapit siya sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha. Mayroon kang magandang mukha, at ang baba na iyan ay umaakma sa lahat. Tingnan natin, ipakita mo sa akin, ano ang tinatago mo dito... Bumaba ang babae sa kanyang dibdib at inilayo ng kaunti ang kanyang neckline. Hindi komportable si Arabelle, ngunit talagang nakatutok si Fatma. Sa pamamagitan ni Allah! Mayroon siyang magandang dibdib na may cleavage, sa totoo lang, hindi dapat iyon na tawagin na cleavage, kasi hindi man lang nagpapakita. "Wow, wow, tingnan mo ito, mayroon kang magagandang armas, ngunit itinago mo ang mga ito at iyon ay isang malubhang problema.” "Paano ito naging seryosong problema?” "Ang mga lalaki ay mahilig sa nakikita ng kanilang mga mata, kung itatago mo ang lahat ng ito mahirap silang akitin. Kailangan mong matutong i-highlight ang mga ito. Ang mga damit na ito ay pumapatay ng mga hilig, ang mga ito ay angkop para sa pagbisita sa iyong mga in-law sa unang pagkakataon, ngunit para sa isang sensual na kapaligiran na nagtatapos sa isang matinding pagsisiping, ito ay hindi angkop…” Ang babae ito ang may pinakamabulaklak na bokabularyo, ngunit sa kabila nito, napangiti si Arabelle sa kanyang sinabi. Ito talaga ay kauna-unawa, sobra talaga. "Ibig mo bang sabihin na ang aking mga damit ay hindi pumupukaw ng mga pangunahing hilig?” “Eksakto! Kailangan mong baguhin ang mga ito," pabulong niyang saad. Hindi ka naman mukhang lady-in-waiting, sa tingin ‘ko talagang nagsinungaling si Ruzgar sa akin, sa tingin ‘ko ay pinsan ka niya o kung ano, na mang-aakit ng lalaki na may pera. Para kang isang babae mula sa isang mabuting pamilya.” “Nahulaan mo ng tama,” pabulalas na saad ni Arabelle, sinusubukang pang malaman ang higit pa. Agad siyang binigyan ng kumpiyansa ng babae at gamit ang kasabihang iyon na ang kasinungalingan ay nagdudulot ng mas maraming kasinungalingan, nagpasya siyang magsinungaling sa isa pang tao. "Sabihin na nating ikakasal ako sa lalaking hindi ako mahal, kailangan ng aking pamilya ang pera, ngunit sinabi sa akin ng lalaking ito na ayaw niya sa akin. Sinusubukan ng pinsan ni Ruzgar na pigilan ang aking kasal na mabigo, ngunit duda ako na ito ay gagana, sinabi niya sa akin, hindi siya sisiping sa akin sa loob ng isang libong taon.” Tila nabighani si Fatma sa kanyang mga isiniwalat. "Ang mga lalaki ay mga tanga, ngunit ang higit na mga hangal ay ang mga babae na walang ginagawa upang lunukin ang kanilang mga salita. Gwapo ba siya?” “Sino?” "’Yung lalaking pinakasalan mo.” "Siya ay napakagwapo talaga.” "Kung gayon ito ay magiging simple.” "Sa tingin ‘ko ay hindi, siya ay may kahila-hilakbot na ugali, ang kinatatakot ‘ko ay mamatay ako sa kakasubok.” Tumawa si Fatma. “Anong nangyayari?” "Gusto ‘ko ang mga ganyang lalaki, nakakatuwa sila, lalo na kapag nasasakal sila sa s*x, ang ganda." Napasimangot si Arabelle at lalong lumawak ang ngiti ni Fatma. “Tingnan mo, makinig ka sa akin, sa tingin ‘ko ang iyong pinakamalaking problema, ngayong pumunta ka ng malinis, ay natatakot ka. Natakot ako nung unang pumunta ‘ko sa lugar na ito. Maraming delikadong lalaki, unang beses ‘kong nakasama ang isang Albanian, siya ay may reputasyon sa pagpatay ng mga tao at mga puta na hindi siya nasiyahan. Bago pa lang ako, doon nila ako itinapon, bago ako pumasok nanginginig ang buong katawan ‘ko, pero alam ‘kong galing ako sa sh*tty na buhay at kapag nalampasan ‘ko ito, kikita ako rito.” “At ano ang nangyari?” Naalala ni Fatma ang gabing iyon at napangiti siya. "Nakipagtalik ako sa kanya, nakipagtalik ako sa kanya nang husto, na nauwi siya gabi-gabi niyang pagbalik hanggang sa bumalik siya sa kanyang bansa. Masungit ang ugali niya, pero sumpa ‘ko, ‘yun ang pinakamagaling na pakikipagtalik sa aking buhay. Hinahanap ‘ko pa rin siya hanggang ngayon na bumalik siya ditong muli. Bago siya umalis, tinanong ‘ko siya kung bakit niya ako pinakitunguhan ng maayos at sinabi niya sa akin na galit siya sa mga babaeng nanginginig na pumasok sa kanyang kama. Hindi ‘ko ginawa iyon, pumasok ako ng buong kumpiyansa na kaya ‘ko siyang akitin at ginawa ‘ko. Ang kumpiyansa ay mahalaga at kung ikaw ay nanginginig, hindi ka magugustuhan ng lalaki.” “Pero paanong hindi ako manginig? Oo, nung tumingin ako sa kanya, nanlalambot nag mga binti ‘ko. Kinakabahan ako.” “Gusto mo ba iyon?”Sabihin na nating ginawa niya.” Tumango si Fatma. "Birhen ka pa yata. Kung hindi pa nila sinabi sa iyo, sasabihin ‘ko sa iyo. Wala nang mas kasiya-siya kaysa sa mabuting pakikipagtalik. Ang sikreto ng kasiyahan ay ang pagiging masaya. Huwag isipin kung ano ang gusto niya, isipin kung ano ang gusto mong gawin sa kanya. Ang nagustuhan mo ay isa nang karagdagan dahil pinapataas nito ang pagnanais na mayroon ka para dito. Mga tingin, haplos, halik, atake...lahat ng bagay sa ayos na iyon, kung gagawin mo ang unang tama, ang huli ay hindi masasaktan, kahit na sa unang pagkakataon. Wag kang magpakatanga, kung maganda ang foreplay mo, bago mo malaman ito sa iyong kalooban at hindi masaktan nito, dahil kinaya mo ito, dahil tapos non, malalaman mo na ang langit nang hindi ka namamatay.” Alam ‘ko kung ano ang tinutukoy niya, hindi ‘ko lubos na alam ang paksa. "At ano ang mangyayari kung walang mga tingin at tumanggi siya sa mga haplos?” "Ang sikreto ay nasa tensyon, sa mga damit na ito ay hindi ka nagdudulot ng tensyon at kung wala kang lakas ng loob ay hindi ka magkakaroon ng sensuality. Tutulungan kita sa mga damit. Mayroon kang napakasenswal na katawan, magagandang binti, malalaking dibdib at manipis na baywang, biniyayaan ka ng genetics, maraming babae ang nagbabayad sa surgeon para magkaroon ng malalapad na binti. Walang sinumang lalaking ang makakatanggi sa isang magandang bihis at Mataas ang kumpyansa sa sarili na babae.” Kumpiyansa, kulang iyon. "Hindi ako makapagbihis ng walang kahihiyan.” "Kailanman ay hindi ‘ko sinabi na gagawin mo ito sa publiko, gagawin mo ito kapag ikaw ay nag-iisa o kapag alam mong siya lamang ang makakakita sa iyo. Alam ‘kong iba ito sa mga babaeng may asawa, may reputasyon kang dapat ingatan, pero hindi kasalanan ang akitin ang asawa mo. Pagkatapos ng lahat sa iyo ito, hindi mo ba iniisip ‘yon?” Inilapit ni Fatma ang kanyang kamay sa kanyang mukha at gamit ang kanyang mahahabang kuko ay hinaplos niya ang kanyang pisngi, tinatahak ang daan patungo sa kanyang mga labi. Kinabahan siya, medyo sensual ang galaw na iyon. "Mahalaga ang mga haplos, kaya siguraduhing habang ginagawa mo ang mga ito, tumingin ka sa kanyang mga mata, upang maramdaman niya ang iyong nararamdaman o maihatid ito sa kanya. Mga halik, mahalaga, puno ng pagnanasa at subukang tanggalin ang iyong kahinhinan, na hindi gumagana sa panahon ng pagtatalik. Walang kahinhinan.” "Walang kahinhinan?” "Wala, mahilig ang mga lalaki sa oral na pagtatatalik at kung hindi siya exception ay kailangan mong gawin ito. I-brush mo lang ang buhok mo tapos bahala ka na sa iba. Maaari kang gantimpalaan ng isang bagay na pareho at maniwala ka sa akin, ang oral na pagatatalik ay ang pinaka-kahanga-hangang bagay na mararamdaman mo sa iyong buhay, lalo na kapag tinitingnan mo ito sa gitna ng iyong mga binti, ang pawid ng buhok sa pagitan ng iyong mga daliri...ako Nawawala na ako sa paksa!" sabi ni Fatma Nalaman niyang naaalala niya ang kanyang pinakamaganda at mahalay na pagkikita, kailangan niyang mag-concentrate. "Mukhang malalim ang iniisip mo.” Nagningning ang mga mata ni Fatma. "Kapag naramdaman mo ang ibig ‘kong sabihin, mauunawaan mo ang iniisip ‘ko. Makakamit mo ito, huwag mag-alinlangan tungkol dito, ngunit kailangan mo munang alisin ang kawalan ng tiwala na dala mo, makukuha mo ito kapag napagtanto mo ang mga tingin na ibinibigay niya sa iyo kapag nagpalit ka na ng iyong damit. Ako ng bahala sa iyo. Si Fatma Polat na ang bahalang mangalaga sa mga bagay na ‘yun.” Gaya nga ng sinabi niya, binigay sa kanya ni Ruzgar ang mga designer book para sa mga damit na isinusuot noon ni Arabelle. Hindi tumigil si Kerem para tingnan ang mga account ng ginastos ng asawa at parang wala itong pakialam. Ang mahusay na babae ay nagbigay sa kanyang tahasang mahalay na payo at idiniin na ang pagtitiwala ay mahalaga sa pagtupad sa kanyang gawain. Kung gusto niyang ihiga si Kerem sa kama, kailangan niyang magkaroon ng tiwala sa sarili o mabibigo ang lahat. Makalipas ang dalawang araw, pinanood niya ang mga kasambahay na naglalagay ng mga bagong damit sa mga aparador. Itinabi ang kanyang mga lumang damit at ang napiling damit ni Fatma ang inilagay bilang pangunahin sa kanyang damitan. Nang naghahanda na siya para sa hapunan, sinimulan niyang pag-aralan ang mga damit. Allah, marami sa kanila ay malamang na makasalanan. Namumula ang pisngi niya habang nakatingin sa mga drawer na puno ng mga panloob. Silk at lace, tumingala siya at saka bumuntong-hininga, kinuha ang isang set ng mga isusuot sa katawan niya pagkatapos niyang maligo. Naligo siya at saka nagpatuyo ng wavy niyang buhok. Nakatingin sa salamin habang isinusuot ang mga damit na iyon, naisip niya kung gaano karadikal iyon. Normal ang pananamit niya, pero iba ito. Nararapat bang baguhin ang dating nakagawian niya? Posibleng hindi si Kerem, ngunit ang ibig sabihin nito ay nasa tabi niya. Ang mga kumpanya ng kanyang ama at lahat ng bagay na pag-aari niya ay kailangang protektahan at para magawa ito, kailangan niyang panatilihin siya sa kanyang tabi. Humantong siya pagsusuot ng damit na kulay alak, na may V ang neckline, dahil ayon kay Fatma, iyon ang highlight ng kanyang dibdib. Mahaba ito, hanggang sa sahig, ngunit gawa sa puntas, nag-iiwan lamang ng tela sa background hanggang sa itaas ng kanyang mga tuhod, dahil ang iba ay transparent na. Bilang asawa ng "Mudur" kailangan niyang magmukhang hindi nagkakamali at handa, kahit na para sa isang simpleng hapunan kasama niya. Pininturahan niya ang kanyang mga labi na may banayad na tono, isinuot ang mga takong at pagkatapos ay ang hijab. Ang tunog ng pinto ay nagsabi sa kanya na naghain na ng hapunan at naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso sa ilalim ng hagdan. Pinoprotektahan ng hijab ang kanyang cleavage mula sa paningin ng iba, pansamantala sa ngayon. "Oo, pupunta ‘ko para makita ka bukas ng tanghali," saad ni Kerem sa telepono nang dumating ang asawa sa dining room. May importante akong negosyo ngayon, Feray. Alam mong gusto kitang makita palagi, pero imposible para sa akin. Nakaupo na siya at naghihintay sa kanya. Napatigil siya nang marinig ang pangalan ni Feray at gusto niyang tumakbo ulit sa itaas para makaalis sa cute na damit na iyon. Napabuntong-hininga siya, kausap ng asawa niya ang babaeng kalaban niya, ang kanyang katipan. Gustong maglaho ni Arabelle, ngunit nanatili siyang kalmado at lumapit sa dining room, na nagbabala sa kanyang presensya. Nakinig si Kerem sa kanya at pagkatapos ay nagpaalam at iniwan ang telepono sa mesa. Tahimik na umupo si Arabelle sa tabi niya. Hindi sila kumakain nang magkasama mula nang humingi siya ng diborsyo, dahil naging abala siya sa Izmir at ang kanyang presensya sa bahay ay wala. Sinenyasan ni Arabelle ang mga kasambahay at itinaas nila ang cloche ng mga porselanang plato na nagpapakita ng hapunan. Naramdaman ni Arabelle ang titig ni Kerem sa kanya, ngunit minabuti niyang huwag na lang iyon pansinin. "Ang pagkain ngayon ay Iskender Kebab (tradisyonal na ulam ng turkish), Sana ay masiyahan ka sa pagkain.” "Salamat," saad ni Arabelle sa kusinero, na humawak sa kanyang tray at tuluyang umalis, na iniwan ang silid-kainan sa labis na pag-iisa, dahil wala ring bodyguard sa loob. Pinakinggan ni Arabelle ang mga kubyertos na nasa porselana at pagkatapos ay nag-ipon ng lakas ng loob, tumingala siya at sinalubong ang mga mata ng asawa. "Bakit ka nagsusuot ng hijab?” Inalis niya ang bara sa kanyang lalamunan. "Dahil hindi ka pa umuuwi, naisip ‘ko na marahil ay dadalhin mo ang isa sa iyong mga kasama mula sa iyong mga paglalakbay sa Izmir at hindi ‘ko nais na makita ang aking sarili sa isang kompromiso na sitwasyon," paliwanag niya, na ginagawang kapani-paniwala ang kanyang posisyon. Naniwala si Kerem sa kanya, hindi iginagalang ng isang may-asawang babaeng Muslim na ipakita ang kanyang buhok sa mga lalaking hindi bahagi ng kanyang pamilya nang hindi kasama ng kanyang asawa. "Buweno, nakita mo na ikaw lamang at ako, ngayon ay alisin mo na.” Tumango ang babae at saka tinapos na tanggalin ang pagkakahawak nito sa kanyang ulo, pinalaya ang kanyang buhok at inilantad ang kanyang dibdib. Iniwan niya ang hijab sa mesa at nagpatuloy sa pagkain, naramdaman ang pagdaloy ng hangin sa pagitan ng kanyang mga dibdib. Ito ang pinaka-nagpapakita niyang bagay na nakita niya sa buong buhay niya. Masyadong abala si Kerem sa pagkain para hindi niya mapansin, ngunit pagkatapos ay napagtanto niya na ang kanyang asawa ay may dalawang araw na lamang bago ang pagbisita ng mag-asawa, kung hindi niya nais na isulong ito. "Nakuha mo na ba ang sagot ‘ko?" tanong niya at saka tumingala at natigilan nang dumapo ang mga mata niya sa neckline na iyon na naka-highlight sa kanyang dibdib. Sa pamamagitan ni Allah! Masarap na kumakain ang asawa niya at saka tumingin sa kanya. "Meron ako, maaari mong kunin ang iyong sagot ngayon kung gusto mo, wala akong problema.” Napaiwas ng tingin si Kerem sa cleavage niya at tinignan ang mukha niya. "Umaasa ako na ‘yan ang gusto ‘kong marinig.” Bahagya siyang ngumiti. "Nagdududa ako.” Sinalubong niya ang kanyang tingin at tiningnan niya siya na may bakas ng pagiging mapagkumpitensya sa kanyang mga mata. Wala naman mawawala sa kanya at saka niya napansin na kinakabahang ginagalaw ni Kerem ang mga kamay niya sa mesa. Tumingin si Kerem sa mukha niya, saka sa neckline niya, at iba pa, pero hindi niya inalis ang tingin. Nagulat ako. "Huwag mo akong paglaruan, Arabelle, dahil wala akong pasensya. Dahil may sagot ka, kukunin ‘ko ang mga papeles ngayong gabi at sana mapirmahan mo ito, para sa iyong kaligtasan, siyempre.” Nagsimula siyang maghiwa ng isang piraso ng karne na galit na galit. Nag-init ang dugo ng maalala ang tawag mula sa kanyang pinsan. "Natutuwa akong malaman na gagawin mo ito bago bumisita sa iyong nililigawan, ayoko sa kwarto ‘ko ang amoy ng murang pabango na ginagamit ni Feray. Kahit na kapag naliligo ka ay hindi maalis ang karaniwang amoy na iyon." Naisip niya sa kanyang isipan, ngunit nang hindi niya namamalayan, sinabi pa rin ito ng kanyang bibig, na nakakuha sa kanyang isang napakalaki na tingin mula kay Kerem. Nilipol siya ng lalaki sa pamamagitan ng tingin. “Anong sinabi mo?” Hindi na siya makapagtimpi, ngayon ay galit na siya. Hindi siya aatras. "Ang narinig mo, gumagamit si Feray ng pabango na dumidikit sa mga damit mo at nasusuka ako. Kung makikita mo ang babaeng iyon, sana sabihin mo sa kanya na magpalit ng pabango o kaya huwag na lang gumamit ng kahit ano. natatakot kasi ako na baka isipin nila na pabango ‘ko iyon at hindi ako gumagamit ng sobrang malalaswa.” Ang babaeng iyon, hindi niya tinawag ang kanyang pangalan, sinabi niya ang "babaeng iyon" sa isang mapanlinlang na paraan. "Mag-ingat ka sa sinasabi mo, Arabelle, dahil hindi kita papayagan na magsalita ka ng ganyan tungkol kay Feray at magbayad ka ng mahal sa kabastusan mo," nanginginig na bulalas ni Kerem. "Ang kabastusan ‘ko? Paano ang sa iyo? Humingi ka na sa akin ng hiwalayan, ngunit asawa mo pa rin ako at may karapatan akong sumbatan ka sa iyong mababang panlasa. Pwede akong magsalita ng kahit anong tungkol kay Feray Demir, dahil pinsan ‘ko siya at dahil karelasyon mo siya at walang sinumang babae ang pupunta sa kama ng isang kasal na lalaki ang inosente, syempre gayondin ang lalaki kung inosente." Tumingin si Arabelle sa kanyang pagkain. Naramdaman niya na nawalan siya ng gana. “Paumanhin, nawalan ako ng gana.” Inihagis niya ang napkin sa mesa at saka kinuha ang kanyang hijab. "Arabelle!” Tumayo si Kerem na gustong sundan siya at literal na sakalin siya, ngunit mapapansin ng mga katulong at mahihirapan siya sa konseho kung mlaman nilang ginawa niya iyon. Ang pagiging asawa niya ay nagpoprotekta sa kanya mula sa lahat, pati na rin sa kanyang sarili. Hindi niya magawang magtaas ng boses sa kanya, dahil kung hindi ay mapagalitan siya nito mamaya at ayaw niyang maging tinik ang mga matatandang iyon sa kanya. Kapag natulog na ang lahat, malalagot siya mamaya. Pupunta siya sa kanyang silid mamaya at pagkatapos ay pagbabayarin niya ito para sa kanyang hindi katanggap-tanggap na paraan ng pagsasalita ng tungkol kay Feray, na magiging kanyang susunod na asawa o kahit papano, iyon ang pinaniniwalaan ni Kerem. Tumigil si Arabelle. “Anong nangyayari?” "Isuot mo ang hijab.” At iyon ay sapat na upang mapagtanto na ang makita siyang nakasuot ng ganoon ay nakawin ang kanyang payapang kaisipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD