Kabanata 1: Ang Diborsyo
Paano naging posible ang lahat ng kalokohan sa napakaikling panahon?
Paanong ang buhay niya ay nagkaroon ng ganoong radikal na pagliko ng ganon-ganon na lamang?
Hindi mapigilan umiyak ni Arabelle Yazar habang nakatingin sa larawan ng kanyang ama na hawak niya sa kanyang mga kamay. Dalawang araw pa lamang ang nakalipas mula nang ang kanyang ama ay mamatay, ang kaisa-isang taong naiwan dito sa mundo na kadugo niya. Ang isang masaklap na atake sa puso ay humantong sa kanyang kamatayan at kasama nito ang isang bahagi ng kanyang kaluluwa. Ang kanyang ina ay namatay noong siya ay sampung-taong gulang, siya ay naiwan lamang sa kanyang ama at kanyang nakatatandang kapatid na babae, si Dilay, ngunit siya ay namatay sa isang aksidente sa sasakyan, dalawang buwan bago ang kanyang kasal, ang kanyang kasal kay Kerem Gurkan.
Paano mo mailalarawan si Kerem?
Sadista.
Agresibo.
Malamig na pagkatao.
Dominante.
Magandang malupit.
Ang lalaking kinailangang pakasalan ang kanyang kapatid na babae sa halip na siya ay ang archetype na lalaki, na laging nakakamit ang gusto niya sa kahit ano man. Siya ay masama at walang sinuman sa Istanbul o Izmir, o kahit sa buong Turkey, ang may naglakas loob na humarap sa kanya niya at tumanggi na isagawa ang kahit anumang iutos niya. Ang apelyidong Gurkan ang pinakakinatatakutan sa buong Turkey, marahil dahil ito ang apelyido ng "Manager" bilang mga boss ng máfia ng pamilya ay tinatawag na, ang pinakamataas na posisyon sa loob ng hirarkiya.
Ang kanyang mga iligal na negosyo ay kasing dami ng pera na itinago niya sa mga Turkish bank at Swiss banks.
Ang mga luha ni Arabelle ay hindi lamang para sa kanyang ama, kundi dahil din sa natatakot siya. Kasal siya sa lalaking ito sa loob ng isang taon, isang taon kung saan ang tanging nagawa niya lamang ay isang walang kabuluhang hitsura at isang pares ng mga salita. Wala na. Ang kanilang kasal ay isang palabas, isang huwad, at kasindak-sindak na kasinungalingan dahil sa kabila na sila ay ikinasal sa ilalim ng mga batas ng Islam, si Kerem ay hindi pinanindigan ang buhay mag-asawa kasama siya. Naging impyerno ang gabi ng kanyang kasal, nasaksihan niya kung paano kumuha ng labaha ang kanyang asawa at bahagyang sinugatan ang kanyang palad para mantsahan ang mga kumot.
"Hindi ako sisiping at matutulog sa tabi mo, Arabelle, hindi ngayong gabi o kahit ano mang gabi." Ang kasal na ito ay hindi para sa akin, kay Dilay mas madali ang mga bagay, ngunit sa iyo ay hindi ‘ko talaga kaya. Wala kang naidudulot sa akin na anumang emosyon bilang isang lalaki, ni hindi ‘ko nga alam kung nakikita kitang kanais-nais.”
Ang mga katagang iyon ay umalingawngaw sa kanyang isipan, walang babae ang dapat na makarinig ng mga salitang iyon sa kanyang buhay dahil walang pag-aalinlangan, nadurog ang kanyang puso. Napatunayan niya ito.
Ikakasal na si Kerem kay Dilay, ang kanyang nakatatandang kapatid na babae, halos limang taon ang agwat ng dalawa at ang panganay sa mga Yazar ay kaakit-akit, tulad ng isang diyosa na may blonde na buhok at kulay abo na mga mata na nang-aakit sa sinuman. Hindi naman sa hindi siya maganda, mas maganda lang ang kapatid niya.
Si Arabelle ay umibig sa lalaking iyon mula nang una niyang makita ito noong siya ay labing-anim na taong gulang, dahil si Kerem ay humalili sa kanyang ama, si Ibrahim Gurkan, pagkatapos niyang mamatay sa isang atake noong siya ay tatlumpu't-isa. Kapansin-pansin ang pagkakaiba ng edad, ngunit ganoon din ang kagandahan at tindig ng lalaki. Si Alp Yazar ay naging kasosyo ng mga Gurkan simula bago manungkulan si Kerem bilang kanyang kahalili, dahil ang mahalagang pamilyang Turkish ay nag-invest ng pera mula sa mga iligal na gawain nito sa mga investment ng mga Yazar sa kumpanya upang i-convert ito sa ligal at malinis na pera. Si Alp ay ginamit ang pera sa iligal na paraan para sa kanila at nangangailangan ng kumpiyansa na walang pagtataksil at kailangang malaman ni Kerem na anuman ang mangyari, ang mga Yazar ay patuloy na magpaparami ng pera mula sa iligal na paraan para sa kanya, kaya iminungkahi ni Alp ang kamay ni Dilay sa Turkish mobster na hindi nag-atubili na kunin ito, dahil si Dilay ay isang magandang babae.
Walang sinuman ang umaasa na mamamatay si Dilay Yazar bago ito pinangalanan "Queens" Ang pangalan ng asawa ng pinuno ngTurk (kung tawagin si Kerem ang mafia), at kailangang dumalo si Kerem sa libing ng kanyang mapapangasawa. Mula nang mamatay ang kanyang kapatid, kinailangan ni Arabelle na harapin ‘yon na sa kabila ng pagngungulila, kailangan niyang pumalit sa kanyang kapatid na babae, kahit na ang ibig sabihin noon ay pakasalan ang nobyo na kanyang naiwan.
Ang tunog ng pinto ay nagpaalala sa kanya sa presensya ng isang tao. Ang mga katulong ng malaking mansyon ay palaging nag-aanunsyo ng kanilang sarili at kapag hindi nila ginawa, mayroon lamang isang tao na natitira na bumisita sa kanilang silid dalawang beses sa isang linggo"malinaw iyon"
kapag hindi sila nagbigay ng dahilan upang maiwasan ang paglaktaw sa pagbisita ng mag-asawa, na hindi na isang panloloko. para sa lahat, dahil walang anuman tungkol sa pagtatalik.
"Arabelle," tawag ng kahanga-hangang boses ng kanyang asawa ang nagpaalerto sa kanya. Nanatili si Arabelle sa loob ng kumot, tumingin siya sa kanyang relo, malapit na mag-alas diyes ng gabi. Naisip ‘ko na dapat magkaroon ako ng kahit kaunting konsiderasyon para sa pagdadalamhati mo at iyon ang dahilan kung bakit binigyan kita ng ilang araw para iproseso ang pagkawala ng iyong ama.
"Pinahahalagahan ‘ko ang iyong pagpapakumbaba.”
Hindi nabasag ang boses niya at nagpapasalamat siya roon, dahil kanina pa siya umiiyak. Nakapatay ang mga ilaw at nakasandal ang ulo niya sa unan. Hindi nagtagal ay bumukas ang ilaw at isang huling luha ang pumatak sa kanyang pisngi.
Iniwan niya ang larawan ng kanyang ama sa loob ng mga kumot.
Alam niya o sa halip ay hinala niya kung ano ang mangyayari.
"Kailangan kitang makausap, maikli lang ang aking pagbisita dahil…
"Dahil may mas importanteng bagay kang dapat na puntahan, hindi mo na kailangang sabihin, malinaw na sa akin, isang taon mo na rin sinasabi sa akin ‘yan," sagot niya, pinunasan ang mga luha niya at umupo sa kama para tumingin sa mga mata niya.
Kahit kailan ay hindi niya tinitingnan ang mukha nito, palagi siyang nakayuko dahil ayaw ng mga lalaking tulad ni Kerem sa pagsuway, ngunit noong araw na iyon ay hindi niya maiwasang iugnay ang mga mata niya sa kulay abo na berde na mga mata ng asawa. Asawa, kakaiba sa pakiramdam ang pagtawag sa kanyang ganon, estranghero siya para sa kanya kahit na kasal sila.
Paano niya nagawang tumira na makita siya paminsan-minsan habang kumakain sila at patuloy na minamahal siya ng ganoon? Minahal niya ito nang higit o mas matindi kaysa noong pinakasalan niya ito labindalawang buwan na ang nakararaan.
Si Kerem ay diretsahan kung magsalita, kaya't mabilis niyang binitawan ang gusto niyang sabihin. Hindi man lang niya ito nilingon ng may awa, puro malamig na pkikitungo. Nawalan siya ng ama at hindi man lang siya niyakap o mga salitang may pagsuporta lang. Katahimikan lamang, Isang napakatinding katahimikan.
"Gusto ‘ko ng diborsyo, Arabelle. Ang relasyon ‘ko sa iyong ama ay namatay na kasama niya. Pipirma ako ng kontrata sa iyo kung saan tinitiyak ‘kong ikaw ang aking garantiya upang ang iyong kumpanya ay patuloy na magtatrabaho para sa aking pamilya. Babayaran kita sa taong ito ng kasal at pipirma ka sa diborsyo para sa akin.”
Ang kanyang mga salita ay malinaw na hindi isang kahilingan kundi isang utos. Umiwas agad ng tingin si Arabelle sa mga mata ng kanyang asawa.
Siya ay walang awa. Paano niya iyon nagawang sabihin na katatapos lang ilibing ng kanyang ama?
"Gusto ‘kong marinig ang iyong mga dahilan.” Isang nakakatuwang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi nang marinig niya iyon.
Napakaraming mga dahilan.
"Nagpakasal ako sa iyo dahil kailangan ‘ko ang iyong ama, kailangan niya akong makita bilang bahagi ng kanyang pamilya, upang malaman niya na hinding-hindi ‘ko siya pagtataksilan at iniisip ‘kong gawin ito kay Dilay, iniisip ‘kong sumama sa kanyang pamilya sa pamamagitan niya, ngunit nagkaroon ng pagkakamali sa mga bagay-bagay, namatay si Dilay tapos pinalitan mo siya na walang pagkakaparehas sa akin. Dalagita ka pa lang, por Diyos, Hindi ‘ko kaya, Arabelle.”
"Bente anyos na ako, Kerem, babae ako.”
"Tatlumpu’t-anim na ako, madali akong…”
“Hindi! ‘Wag mong sabihin iyan, wag mong gawin ‘yang mga estupido mong palusot kasi alam mo naman na sa kultura natin ay pangkaraniwan ang ganitong kasal. Wala tayong nilalabag na batas. bata pa ako, pero hindi ako batang babae o anumang kahalintulad pa diyan. Sinubukan ‘kong tiisin ang walang basehan mong pagtanggi.”
"Ang katwiran ‘ko ay ni katiting ay ayaw ‘ko sa iyo at kailangan ‘ko ng tagapagmana, na hindi mo kayang ibigay sa akin dahil nagdududa ako na kailanman ay ayaw kitang hawakan.”
Napalunok si Arabelle. Hindi siya pangit, hindi siya, maganda siya, may malalapad na balakang, kitang-kita ang mga dibdib at mala-anghel ang kanyang mukha. Hindi siya payat tulad ni Dilay, malaki siya ngunit makurba, sobrang seksi talaga, pero tinatago niya ang kahit anong malalaswang kaisipan sa mga mahinhing damit na dapat niyang isuot bilang isang babaeng may asawa. Hindi maiikli at mapang-akit na damit, ngunit mahahaba at elegante, isang fashion na ibang-iba sa kanyang kapatid.
"Hindi mo pa nasusubukan.”
Nilipol siya ni Kerem sa kanyang tingin.
"Ayokong subukan ito," bulalas ni Kerem na medyo tumaas ang boses. “Ayoko subukan ito! Napagdesisyunan na sa sandaling lumipas ang isang buwang pagkamatay ng iyong ama, umaasa ako na sana ay mapirmahan mo na ang mga papeles ng diborsyo. Ang Hemagnet (pangalan ng rabbi ng kulturang Muslim), hindi siya sasalungat ang ating relihiyosong diborsiyo dahil sasabihin ‘ko sa kanya na hindi pa tayo nagtatalik.”
Pakiramdam ni Arabelle ay parang gumuho ang kanyang mundo. Mayroon pa bang mas malaking kahihiyan para sa kanya? Puno ng galit ang mga mata ni Kerem, ayaw niyang magpaliwanag ng sobra sa asawa, gusto lang niyang tanggapin nito ang utos nito at pirmahan ang mga dokumento, wala nang iba pa. Papayag si Arabelle, hindi niya kukunsintihin ang kahihiyan sa publiko na iyon. Isa pa, ang kasal ay panghabambuhay.
Maghahanap si Kerem ng paraan para magkaroon ng bahagi sa kanyang kumpanya, dahil kung gusto niyang bilhin ito, hindi niya gugustuhing ibenta ito at ito ang pinakaaasam niyang pag-aari. Nagpakasal sila sa ilalim ng magkasanib na pag-aari at ang isang bahagi ng kumpanya ng kanyang asawa ay pag-aari niya, isang bagay na makukuha niya sa pamamagitan ng diborsyo, bagaman si Arabelle ay makikinabang din ng ilang milyon.
Ang kanyang ama ay namatay at kasama nito ang proteksyon na mayroon siya. Maipapasa na ngayon ang kumpanya sa mga kamay ng pangalawang may mayoryang shareholder kung saan ang posisyon ay nanatili sa pamamagitan ng karapatan at siya ay magiging limitado sa pagiging isang multo. Hindi niya gusto iyon, naging multo na siya sa buong buhay niya, dahil palaging inookupahan ng ate niya ang lahat. Sa Istanbul kilala ng lahat ang magandang si Dilay Yazar, ngunit kakaunti pa nga ang nakakaalala sa pangalan ng kanyang nakababatang kapatid na babae. Kung wala ang kanyang ama ay nag-iisa na siya ngayon at si Kerem ang tanging paraan niya upang makalabas.
Sa kanyang tabi ay isang tao, mayroon siyang malaking bahay, mga empleyado na gumagalang sa kanya at asawa, bagama't hindi ito alam ng huli. Sa loob ng isang taon ay sumuko siya sa mga hinihingi ng inaakala niyang gusto ni Kerem, isang mahinhin, tahimik na asawa na nakatayo sa likuran niya at tinutugunan ang bawat kahilingan niya, gayunpaman, ngayon sa pagkamatay ng kanyang ama at gusto niyang alisin siya sa kanyang buhay, oras na para baguhin iyon. Hangga't asawa niya siya ay may mga karapatan siya na kailangan niyang tanggapin at wala siyang sa posisyon na tumanggi na pirmahan ito.
Hindi ‘ko pipirmahan ito.
Hindi niya binalak na mawala ang kanyang posisyon bilang "Kralice" at mas bumaba sa kanyang mga kumpanya. Mapapailing ang kanyang ama kapag nakita niyang pinirmahan niya ang mga papel na iyon nang walang laban.
Bumangon siya sa kama at tumayo sa harapan niya. Dahil sa kahanga-hangang tangkad nito, tumingala siya sa kanya at pagkatapos, may puno ng determinasyo na tumingin siya sa mga mata nito.
"Hindi kita bibigyan ng diborsiyo, Kerem.”
Pinagmasdan niya ang kanyang asawa na nagpakawala ng mabigat na buntonghininga. Galit na hinawakan ng mahigpit ni Kerem ang kanyang baba, dahilan para tumama ang kanyang katawan sa canopy ng kama. Pinilit ni Arabelle na hindi manginig habang nagdidilim ang mga mata ng asawa sa galit.
"Isang taon na tayong kasal, Arabelle, alam ‘kong hindi ako naglaan ng oras makasama ka, ngunit sa puntong ito dapat mong malaman na ang higit na bumabagabag sa akin ay ang pagsuway sa akin ng mga tao. Sa lahat ng oras ay naging sunud-sunuran ka, iisipin ‘ko na dahil nasaktan ka sa pagkamatay ng tatay mo kaya ka nawalan ka ng pag-iingat. Huwag mo akong hamunin, Arabelle dahil malalaman mo ang isang hindi kanais-nais na bahagi ‘ko, isang bagay na itinatago ‘ko sa iyo mula noong ikasal tayo dahil hindi mo ako sinagot-sagot at masunurin ka.”
Maluha-luha ang mga mata ng babae habang nakikinig sa kanya dahil alam niya kung ano ang kayang gawin ng asawa. Sa lahat ng oras na iyon ay napanood ‘ko siyang patayin ang sinumang sumuway sa kanya, walang humpay na nabahiran ng dugo ang kanyang mamahaling Persian carpet.
"Bakit mo gustong makipaghiwalay? Baka plano mong pakasalan ang isa sa mga nililigawan mo? Sa tingin mo akala mo na hindi ‘ko alam na iba't ibang babae ang inilalagay mo sa kama mo tuwing may pagkakataon ka.”
"Pagwawasto, aking mahal na Arabelle, wala sa kanila ang nasa aking kama, sapagka't ako'y hindi pinahihintulutang matulog sa sinumang babae. Sumiping man ako o hindi sa isang babae ay walang kinalaman iyon sa iyo.”
"Ako ang asawa mo Kerem…”
"Malapit ka nang tumigil sa pagiging isa. Ako ay isang lalaki, isang taong kailangang tumugon sa ilang mga pangangailangan at dahil nakikita ‘kong batid mo ang aking mga galaw, masasabi ‘ko lamang na sa labas ako tumingin kung ano ang wala sa loob ng aking bahay. Oo, Arabelle, kapag hiniwalayan na kita, plano ‘kong pakasalan si Feray Demir.”
Naramdaman ni Arabelle ang pag-agos ng sakit na dumaloy sa kanyang katawan. Pinsan ko? Naisip mo pang pakasalan ang pinsan ‘ko? Isang bukol ang namuo sa kanyang lalamunan.
"Ano ang mangyayari kung tumanggi akong bigyan ka ng diborsiyo?”
"Kung ayon, gagawa ako ng paraan para mapirmahan mo ito," bumubulong-bulong na sinasabi niya ito.
“Ilang minuto ng pagpapahirap sa tingin mo ang maaari mong tiisin bago pirmahan ang mga papeles na iyon? Huwag mo hayaang matuklasan ‘ko. Babalik ‘ko sa susunod na lingo para sa kadalasang pagbisita at umaasa ako na may maayos ka ng maisasagot sa akin o kung hindi ay malilintikan ka.”
Ang ultimatum na iyon ay magmamarka sa kanyang buhay habangbuhay.