Tatlumpung taon na ang nakararaan. Isang bata ang nagtakip sa kanyang mga tainga, posibleng hindi hihigit sa anim na taong gulang. Nakakunot ang kanyang katawan habang nakikinig sa katahimikan ng bahay. Ang katahimikan ay ang tanda, kakila-kilabot na tanda na nagpanginig sa kanyang katawan. Pumikit siya nang mariin nang marinig ang ungol ng kanyang ina sa sakit. Ito ay tunog nang paghihirap na ginawa niya ang lahat nang pagsisikap na huwag pansinin. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakatakip sa kanyang mga tainga. Nasa ilalim ito ng kama sa kanyang silid. Nakabukas ang pinto sa pagitan ng kuwarto ng kanyang ina at ng kanyang silid. "Ibrahim, parang awa mo na," mahinang hagulgol nito. Halos parang nakakaawa na bulong dahil pinagbabawalan siyang sumigaw. Siya ay gumawa ng maliit na in