bc

One Heart

book_age4+
86
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
humorous
heavy
lighthearted
serious
mystery
like
intro-logo
Blurb

Ano pa bang gusto mo?nasayo na lahat diba yaman at kapangyarihan meron kana.pati ba naman ang babaeng mahal ko gusto mo paring agawin?sa pagmamahal ni mama gusto mo ring makihati..

Nagkakamali ka wala sakin ang lahat dahil sa ating dalawa nasayo ang lahat .Hindi ko kailangan ng yaman na meron ako ngayon ang kailangan ko yung pagmamahal na ni minsan hindi ko naranasan at yun ang meron ka at wala sakin..

Paano nga ba magkakasundo ang kambal kung sa lahat ng bagay pakiramdam nila nag aagawan sila.Mangingibabaw ba sa huli ang pagiging magkadugo nila at magkapatid?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Arthur’s Pov: "Ipangako mo sakin Arthur gagawin mo ang lahat para gumaling ang anak natin mangako ka,” Si Jane Vargas ang babaeng nabuntis ko pero hindi ko kayang pakasalan dahil may asawa na akong tao. Kahit gustuhin ko man silang makasama sa ngayon hindi pwede dahil pag nalaman to ng daddy ni Grace mapapahamak ang mga anak ko konting panahon pa alam kong darating din ang araw na makakasama ko ng pareho ang mga anak ko. "Pangako Jane gagawin ko ang lahat para mabuhay ang anak natin ipangako mo rin sakin na aalagaan mo ang isa sa kambal at pagdumating yung araw na magkita tayo ulit sana ipakilala mo akong ama niya,” malungkot na sabi ko.” Gustuhin ko mang makasama silang mag iina pero hindi pwede. Kambal ang naging anak namin ni Jane si Adam at Andrei pero kailangan kong kunin si Adam dahil may sakit siya sa puso at kailangang malunasan hindi ako papayag mawala ang anak ko gagawin ko ang lahat para mabuhay siya kahit pa maubos ang lahat ng yaman ko. "Huwag kang mag alala Arthur pangalan mo ang dadalhin niya Andrei Mendoza ang magiging pangalan ng panganay natin at ang bunso ay Adam Mendoza,” nahihirapan pang sabi niya napangiti naman ako sa narinig ko ang pangalan ng mga anak ko.” Minahal ko si Jane kahit sa maikling panahon lang na kasama ko siya pero hindi kame pwedeng mag sama dahil kasal ako sa babaeng hindi ko naman mahal.” Nagpakasal ako sa anak nang taong dahilan kung bakit namatay ang tatay ko dahil sa pang gigipit niya sa amin inatake si papa, at dahil may gusto sakin ang anak ng taong yun ako ang naging kabayaran sa lahat ng pagkakautang ng pamilya ko sa pamilya ng mga Gomez.” Ginawa ko ang lahat para makaahon sa hirap at hindi ako umasa sa yaman na meron sila kahit pa kinasal na kame ni Grace hindi ako nakialam sa yaman ng pamilya niya pinalaki ako nang tatay ko na maging madiskarte sa buhay. "Mr. Mendoza ayos na po ang record nang anak niyo pwede niyo na po siyang ilabas". Sabi ng isang nurse na kapapasok lang sa kwarto kong nasaan si Jane at ang panganay ko dala din niya ang bunso namin. "Thank you," Please pakibigay lahat ng kailangan nila dito,” seryosong sabi ko kaya mabilis siyang tumango.” Binayaran ko naman na lahat ng gagastusin nila dito para wala na silang problemahin pa bago kame umalis ni Adam. Dadalhin ko si Adam sa san francisco alam ko doon madali siyang mapapagaling ng mga doctor.” "Arthur ingatan mo si Adam,” umiiyak na sabi ni Jane habang nakatitig kay Adam na hawak niya ngayon.” Aaminin ko nasasaktan ako sa nakikita ko pero pwedeng mamatay ang anak ko kung wala akong gagawin tinapat na ako nang doctor na hindi kakayanin dito sa pilipinas ang kundisyon ng anak ko. "Take this card Jane makakatulong sa inyo ito ni Andrei, hindi ko maipapangako kung kelan kame babalik pero pinapangako ko babalik ako na magaling na ang anak natin.” Huling salitang binitawan ko sakanya bago umalis nang ospital kasama ang bunsong anak ko. Hindi ko mapigilang maluha sa sitwasyon naming apat bakit ba kailangang mapunta ako sa sitwasyon na to lalo na ang mga anak ko, naging mabuti naman akong tao bakit ako pa ang nakakaranas nang ganito. Pagdating ko nang mansion si Grace agad ang sumalubong sakin na nakacross arm at taas ang kilay. "Who is that child?” galit na tanong niya kaya bumuntong hininga ako.” "This child is mine Grace", seryosong sagot ko kaya gulat na gulat siya.” "What hell Arthur you cheated on me,” alisin mo sa paningin ko yang batang yan hindi ako papayag na iuwi mo yan dito,” galit na galit na sabi sigaw niya kaya nag init ang ulo.” Tinawag ko muna ang isang maid para dalhin sa kwarto ang anak ko. "Hindi ko aalisin dito ang anak ko Grace,” kung ayaw mo siyang makita ikaw ang umalis sawang sawa na ako sa pagsunod sa mga gusto niyo nang Daddy mo pero pagdating sa anak ko walang pwedeng masunod kundi ako.” Sigaw ko pabalik sakanya nagulat pa ako nung bigla niyang ibato sakin yung phone niya kaya nagsalubong ang kilay ko.” "No hindi ako papayag gagawin ko ang lahat para mawala dito ang batang yan,” galit na galit na sigaw niya mabilis ko naman siyang hinawakan sa braso dahil sa narinig ko.” "Huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko Grace kung ayaw mong mawala ako sa buhay mo,” galit na sabi ko saka siya binitawan nang patulak tiningnan ko lang siya nang masama saka tinalikuran para umakyat sa kwarto kung nasan ang anak ko para naman nawala lahat nang galit ko nung makita siyang mahimbing na natutulog.” Lumapit ako at hinalikan siya sa nuo, walang kahit sino ang pwedeng manakit sayo anak gagawin ko ang lahat para protektahan ka. "Hello Sir nakaprepared na po ang private plane na gagamitin niyo papuntang san francisco,” sa kabilang linya ngayong araw din kasi na ito kame aalis para maumpisahan ang treatment para sa anak ko may nakontak na din akong doctor na hahawak sa anak ko pagdating namin ng San franciso. "Ok thank you just make sure na maayos ang plane na gagamitin ko hindi pwedeng magka abirya dahil kasama ko ang anak ko,” seryosong sabi ko saka binaba ang tawag wala naman akong ibang kailangang dalhin kumuha lang ako nang isang maleta para dun ilagay ang gamit namin ng anak ko may naka separate namang maliit na bag at dun nakalagay ang importance gamit ni baby buti nalang hindi naman siya kailangan lagyan nang kung ano anong apparatus kaya hindi kame mahihirapan sa biyahe pero may kasama akong doctor na magdadala sakanya sa san francisco para mag explain nang kalagayan nang anak ko. Pagkatapos kong maglagay ng gamit sa maleta tinawagan ko muna ang kaibigan ko sa san francisco para ifollow up yung bahay na pinahanap ko para tirhan naming mag ama habang ginagawa ang treatment para sa ikabubuti nang anak ko buti nalang may mga kaibigan akong pwedeng pagkatiwalaan at makakatulong sakin isa na ang kaibigan kong si Fred Lopez na nasa san francisco ngayon at siya ang tutulong sakin habang nandun ako. Maayos na ang lahat para sa pag alis namin nang anak ko nagbihis na din ako nang damit para makapunta na kame ng airport, ang sarap sa pakiramdam na nahahawakan at nayayakap ko ang anak ko sana pati rin ang panganay ko. "Manang pakilagay na sa kotse tong mga gamit ko,” utos ko sa kasama namin sa bahay mabilis naman siyang sumunod sa utos ko palabas na sana ako nang biglang bumukas yung pinto at pumasok ang galit na galit na mukha ni dad i mean daddy ni Grace. "What do you think your doing Arthur?" alisin mo sa pamamahay na to ang batang yan,” galit na sigaw niya kaya pinakuha ko muna kay manang ang anak ko at sinabihang ipasok na sa kotse. "Kung sa negosyo at pagiging asawa sa anak niyo sumusunod ako pero pagdating sa anak ko wala akong ibang susundin kundi ang sarili ko,” seryosong sagot ko kaya bigla niya akong sinuntok. "Dad,” sigaw ni grace nung makitang dumugo yung labi ako akmang lalapitan niya ako nung itaas ko yung kamay ko. "Wala kang utang na loob,” galit paring sigaw niya kaya natawa ako nang mahina sa pagkakaalam ko wala naman akong kahit na anong utang na loob sakanya. "Kung anuman po ang meron ako ngayon lahat yun pinaghirapan ko at hindi ako humingi ng tulong na kahit ano sa inyo kung wala na kayong sasabihin aalis na ako kasama ang anak ko,” seryosong sabi ko saka dinura yung dugo sa labi ko dahil sa pagkakasuntok niya sakin. "Arthur hindi mo ako pwedeng iwan asawa mo ako,” habol ni grace nung tumalikod ako kaya napatigil ako sa paghakbang at humarap sakanya. "At hindi ko rin pwedeng pabayaan ang anak ko grace kailangan ko siyang dalhin ng san francisco para ipagamot at kung papipiliin mo ako o nang daddy mo kung ikaw o ang anak ko alam mo ang magiging sagot ko dyan grace walang pwedeng pumalit sa anak ko lahat gagawin ko para sakanya,” paliwanag ko kay grace saka siya tinalikuran sasakay na sana ako nung bigla niya akong yakapin sa likod. "Grace bitawan mo ang lalaking yan,” hindi ka dapat nag hahabol sa taong walang kwenta,” galit na sigaw ng daddy niya kaya napabuntong hininga ako saka inalis yung kamay nyang nakayakap sakin "Alam mo kung san ako pupuntahan grace kung gugustuhin mo kailangan ko nang umalis dahil oras ang kalaban ko para maisalba ang buhay ng anak ko,” huling salitang binitawan ko bago tuluyang umalis ng mansion wala naman na akong dapat isipin sa negosyon dahil alam na nang pinagkakatiwalaan kong kaibigan ang dapat gawin, ang tanging iisipin ko lang ngayon ay ang kaligtasan ng anak ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
73.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook