"Are you sure you're going home now?" Tanong ni Hannah na matiyagang nagbantay sa akin sa hospital. Tatlong araw rin akong nananatili dito. Bumaba na rin ang lagnat ko kaya sinisiguro kong magiging okay na ako pagdating sa bahay. Hindi ako komportable dito sa hospital at 'di ako makakapagpahinga dito. Mas mabuti ng nasa bahay ako.
Kamusta na kaya si Grey? Nakakain kaya siya ng maayos? Ano kayang ginagawa niya?
Grey didn't give an effort to visit me here for three days so I'm worried.
"Oo, hindi ako komportable dito" sagot ko. Hinipo muli ni Hannah ang aking noo.
"Pero 'di pa rin natatanggal ang lagnat mo" tumingin siya sa akin na may halong pag-aalala.
"b***h you don't need to worry. I will be fine. Sa dami ng sakit nararanasan ko, ito pa kayang lagnat 'di ko kayang lagpasan? Ayoko dito sa hospital" Ang kaniyang mata ay tanggi pa rin sa gusto ko pero dahil nagpupumilit ako, napabuntong hininga na lang siya at sumuko.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Isa pa muling buntong hininga ang pinakawalan niya. "Fine. But I'll visit to check you okay?" tumango ako at niyakap siya.
"Thank you nga pala. Sorry sa pang-aabala." kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya.
"Hindi ka nakakaistorbo. What are friends for right?" sagot niya. Ngumiti ako ng malapad.
I'm so lucky to find a bestfriend like her.
"Okay b***h, don't forget to call me kapag nakauwi ka na ah?"
"Sure"
After kong mag-ayos ay agad akong nakasakay ng taxi dala ang isang libong pera na bigay sa akin ni Hannah. Wala rin kasi akong dalang pera.
Gusto ko ng makita ang asawa ko kaagad. I missed him so much and I can't take another days in the hospital. I'm a bit worried too because of the thought that maybe I will back without him anymore. He might leave me while I'm in the hospital.
Now, I'm scared. Not seeing him is my weakness. Gusto ko nakikita ko siya kahit umaga at gabi lang. Kahit sinasaktan niya pa ako. I can't live without him. I already give my everything to him, My life is on his.
"Manong diyan na lang po" Inabot ko ang bayad kay manong. Bumaba kaagad ako pagkasukli sa akin.
Thankfully, hindi lock 'yong gate. Diretsyo akong pumasok. Nakalimutan ko pa ngang isarado ang gate dahil nananabik akong makita si Grey pero nang buksan ko ang pinto, bumungad sa akin ang pinakamasakit na maaaring makita ng mata ko ngayon.
Nanghina ako sa nakikita. Namanhid ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Bakit kailangan ko pa makita ang ganitong bagay? Bakit kailangan kong maabutan ko pa silang ganito? Dapat no'ng dumating ako 'di na sila naglalandian para hindi masyadong masakit.
Nadatnan ko lang naman si Grey na may kasamang babae. Naglalandian sila sa sala, sa mismong bahay namin. Rinig na rinig ko ang kasiyahan nila at doon ko lang nakitang ngumiti si Grey at humalakhak.
Ngiting kahit kailan ay 'di ko nakita kapag magkasama kami.
Ang mga halakhak niya na inasam asam ko.
"Sino ka?" Mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan. Mukhang napansin na nila ako. Nanghihina akong tumingin sa kanilang dalawa ngunit tumama pa rin ang tingin ko kay Grey. Walang emosyon ang kaniyang mata. Blanko lang ito.
"Baby..sino siya?" The girl asked. Napatingin ako sa babae. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. The girl is wearing a mini skirt matching a white crop top. Pansin ko rin ang 'di normal na laki ng boobs niya. Napakaliit din ng bewang. She looked like a model because of his height. Tumingin ako sa mukha. Matured tingnan ang kaniyang mukha dahil sa dark make up. Hindi ko mapagkakailang may itsura siya.
Gano'n ba ang gusto niya? Ganiyang mga uri ng babae?
"Hindi ko siya kilala" Agad akong napalingon kay Grey sa kaniyang sinabi. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.
Parang mas lalong piniga ang puso ko sa narinig.
Bakit inasahan ko pang sasabihin niyang 'she is my wife'? Eh kahit kailan 'di naman niya ako tinaratong asawa.
Mas lalong nadurog ang puso ko dahil do'n. Unti-unting umusbong ang galit sa puso ko.
May karapatan naman ako diba? May karapatan naman akong magalit dahil asawa ako. Nakakabastos sa mata ko ang ginawa niya.
And that's what I did.
Mabilis ang hakbang ko papunta sa babae at agad kong hinapit ang buhok niya at kinaladkad.
"Malandi ka!" Usal ko habang kinakaladkad siya palabas ng bahay.
I was livid.
Nandidilim ang paningin ko.
"What the?! Let me go!" Maarteng sabi ng babae habang nagpupumiglas pero 'di ko siya pinakinggan. I gripped her hair tightly as I pull her towards the gate.
I feel Grey presence at my back but I'm too mad to get scared now. Bahala na mamaya.
Mas masakit pa 'to kaysa sa bugbog niya. Tatanggapin ko lahat mamaya basta mailabas ko lang ang bwisit na babaeng ito sa pamamahay ko.
Nang makalabas kami ng gate tsaka ko lang siya binitawan. The girl landed on the floor, exposing her underwear.
Gulat na gulat ang babae bago masamang tumingin sa akin.
"What is your problem!?!"
I put my both hands on my waist. "My problem?!" Sarkisto akong tumawa. "May gana ka pang tanungin yan ngayong nilalandi mo ang asawa ko?!"
Muli kong hinablot ang kanyang buhok at pwersahan siyang pinatayo.
"Anong asawa? Sabi niya hindi ka niya kilala--" I slap her hard.
"I don't want your opinion. I'm the wife! I am!" I was about to slap her again when a set of strong arms stop me from doing it.
"Cathy stop! Ano ba?!"
Bumuga ako ng marahas na hangin bago tumingin sa asawa kong may madilim na tingin sa akin. Alam ko na nanggagalaiti na siya sa mga oras na ito. Alam ko sa mga oras na ito, ready na ang kamay niyang bakal para sa akin pero wala akong pake. Nagagalit ako.
Pwersahan kong tinanggal ang mga kamay niya sa akin at muli ko dapat susugudin ang ahas na babae niya nang itulak niya ako.
Dumiretsyo ang aking puwitan sa semento. Natigilan ako habang nanlalaki ang aking matang tumitig sa aking asawa na tinutulungan ang babae niya.
"Are you okay?" Malumanay ang tono na tanong niya na sa kaniyang babae.
Kumuyom ang kamao ko at nag-init ang aking mata.
Omygosh!
Bakit ganito kasakit?
Napupuyos pa ako sa galit pero 'di ko na kaya 'yong nakikita ko lalo na nang yakapin ng asawa ko ang babae.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumalikod at kahit nanghihina pa ang mga tuhod ko, pinilit ko ang sarili na maglakad papasok ng bahay.
Didiretsyo na ako sa maid's quarter, sa aking kwarto kung hindi ko lang narinig ang malakas na pagsarado ng pintuan.
Dumiretsyo ang titig ko sa sahig habang dahan-dahang lumilingon sa kaniya. Bahagya kong tinusok-tusok ang aking palad ng aking daliri. Ramdam ko ang nakakatakot na presensya niya kaya naman nanatili ang mga mata ko sa sahig.
"WHAT DID YOU DO---"
"Nagkasakit ako. Hinintay kita sa hospital. Tatlong araw akong naghihintay na baka bumisita ka man lang pero wala" sinabi ko iyon sa mahinahong boses. Sa sobrang hinahon, hindi mo na maririnig ang boses ko dahil pabulong na iyon.
"Nagaalala ako sayo dahil baka hindi ka pa kumakain tapos kahit medyo 'di pa okay ang pakiramdam ko, umalis ako ng hospital kasi ikaw pa rin ang nasa isip ko...." At yung hinahon ko unti-unting lumalakas kasabay ng lakas ng loob kong tignan sya. "....Ikaw parin ang inuuna ko tapos makikita kong may babae kang dinadala sa bahay?!!"
Kinagat ko ang labi habang sumisiklab sa aking damdamin ang matinding tampo sa kanya.
"Napakawalanghiya mo." I started to throw a punch on his chest. "Ang lakas ng loob mong magdala ng babae dito! Ni hindi mo man lang ako nirespeto. Kahit papaano ay ASAWA mo parin ako at KASAL pa rin tay---"
Hindi ko natuloy ang gusto kong sabihin dahil nanggagalaiting niyang sinakmal ang aking leeg.
"Ako pa ngayon ang walanghiya?!" His eyes were dangerous as he gripped my neck tight. "Anong ipinagmamalaki mo? Ang kasal natin?! We are just married in paper Cathy!Tandaan mo yan!"
Hindi na ako makapagconcentrate sa sinasabi niya. Natuon ang atensyon ko sa kamay niyang sumasakal sa'kin. Kaunting minuto na lang ay mawawalan na ako ng hangin.
"G-rey I c—an't br—eath.." hawak ko ang braso niya at pilit itong tinatanggal sa aking leeg ngunit napakadilim ng paningin niya at mukhang balak niya akong patayin. Doon mas lalong tumindi ang takot ko.
Ayoko pang mamatay...
"Hindi kita mahal! You ruined my life. Kung 'di sana umiral ang pagkaimmature mo 'di mo mararanasan-"
"G-Grey..." Umubo na ako at naghapit na ng hininga. Nagsisimula na akong kapusin ng hininga. Mabuti na lang bago pa ako abutan ng kamatayan ay natauhan ang asawa ko. Agad niya akong binitawan. Agad akong umubo at kumuha ng hangin. Maraming hangin upang bumalik ang normal kong paghinga.
Nanginginig akong napatingin sa kaniya. Nakatulala lang siya habang nakatingin sa kawalan. Kinuha ko ang pagkakataon para umalis doon at pumunta ng maids quarter. Doon ay kinalma ang sarili at 'di makapaniwalang tumingin sa leeg ko.
He almost killed me.
Napaiyak na lang ako sa tindi ng takot na nararamdaman.
____
Kinabukasan, gumising ako na sobrang hapdi ng mata ko. Masakit ito dahil sa wala kong pagtigil na pagluha. Magdamag akong nagkulong sa kwarto at 'di kumain.
Tumingin ako sa salamin at napahawak sa namumula ko paring leeg.
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na magagawa niya iyon sa akin.
Kaya niya akong patayin dahil sa tindi ng galit niya.
Automatikong nanginig ang buo kong katawan nang may kumatok sa pintuan.
"Cathy.." mas lalo akong natakot ng marinig ko ang matigas niyang boses.
"Cathy..." Tawag ulit niya.
Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko iyon o hindi. Medyo natrauma kasi ako sa nangyari kahapon.
"Open the door or else you will not see me anymor—"
"O-okay. Wait lang" mabilis kong putol sa sasabihin niya.
Ayaw ko siyang umalis.
Mabilis akong napalapit sa pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. Bumungad ang mukha ni Grey sa aking harapan. Nakatingin agad siya sa bandang leeg ko kaya tinakpan ko iyon. Lumunok siya ng isang beses bago umiwas ng tingin. Nanatiling tahimik kami at walang gustong magsalita. Nanatili akong nakayuko.
"Does it hurt?" Tanong niya sa aking leeg.
Hindi ko alam kung paano ako sasagot. Gusto ko siya barahin na hindi.
Muntikan lang naman akong mamatay kahapon!
"Kaunti lang..." Sagot ko na lang at hindi pa rin tumingin sa kaniya.
"Let's eat" Malamig at matigas niyang sabi. Agad akong napalingon at nagulat sa sinabi niya.
"A-ano?" Ulit ko.
"I don't want to repeat what I said" cool siyang umalis at naiwan akong nakatulala.
Sabay kaming kakain? Namisheard ko lang ba yun?
"Cathy! Bumaba ka na!" Nagising ang diwa ko sa sigaw ni Grey. Napangiti ako ng malaki at mabilis na bumaba. Agad na nawala ang takot ko at napaltan ng excitement ang buo kong katawan.
This is the first time. Makakasabay ko na din siya sa pagkain.
Malalaki ang ngiti kong bumaba at pumuntang kusina. Naandon si Grey at naghihintay. He is wearing a boxer matching a sky blue shirt. Ang pogi niya naman sa itsura niya ngayon. Kung pwede nga lang picture-an ko siya nagawa ko na.
"Anong tinitingin mo diyan? Sit and start eating" I nodded while flashing my wide smile. Nagsimula na akong kumain. Panay ang sulyap ko sa kaniya at baka namamalikmata lang ako na kasabay ko siyang kumain. Mukhang naramdaman niya 'yon at nakataas ang kilay na tumingin sakin.
"Stop staring me" matigas at maootoridad niyang saad. Umiwas ako ng tingin bago nagpatuloy na lang sa pagkain.
Hindi ko pinagkaabahalan pang lasahan ang pagkain. Hindi ko alam kung masarap ba o hindi dahil na rin sa gutom ko dahil hindi ako kumain kagabi. Masaya din ako dahil naandito at kasabay ko kumain ang aking asawa.
"Sorry" Bigla niyang basag sa aming katahimikan sa kapagkainan. Napalingon ako sa kaniya sa kaniyang sinabi. Napatigil pa ako sa pagsubo dahil doon.
Did he say sorry? Sorry?!
"H-huh?" gusto ko ulit marinig na magsorry siya.
Bumuntong hininga siya bago kinusot ang sentido na para bangnapakahirap sabihin iyon. Medyo inis rin dahil pinapaulit ko pa sa kaniya.
"Bingi ka ba?!" Tumaas na naman ang boses niya kaya nakaramdam na naman ako ng takot.
"Sorry.." huminahon ulit ang kaniyang boses nang mapansin ang takot ko. Lumunok siya bago muling bumaling sakin. "I didn't mean to do that yesterday." Umiwas siya ng tingin.
Napahawak ulit ako sa leeg ko at naalala ang ginawa niya kahapon. Nalungkot ako. Mapait akong napangiti.
"Alam kong ayaw mo sa akin pero 'di ko akalaing sa sobrang pagdisgusto mo sa'kin ay kaya mo akong patayin" Ito na naman ang bumibigat kong pakiramdam. Ayoko ang pakiramdan na ito. Huminga ako ng malalim bago muling tumingin sa walang emosyon niyang mukha.
"Then why are you staying? Kaya kitang patayin pero bakit ka pa din nananatili?" Malamig niyang tanong. Humigpit ang hawak ko sa kutsara tinidor.
"Mahal kasi kita Grey" rason ko. Ito naman kasi talaga ang dahilan ko kaya hindi ko siya maiwan eh.
"Walang mangyayari yang pagmamahal mo Cathy. Yes, we're married but I don't love you and will never love you. Nag-uugnay lang tayo sa papel ngunit ang puso na'tin ay hindi kailanman mag-uugnay. Nagsasayang ka lang ng oras manatili sa'kin." Inilapag niya ang kutsara't tinidor sa kanyang plato bago tumayo. Akala ko aalis na siya ngunit mas nag-iwan pa siya ng masakit na salita.
"Let me go Cathy. Let us free ourselves from this kind of set-up. I'm finding Vanessa...kapag nahanap ko na siya, iiwan na kita"