"Cathy!" Nagising ako sa sigaw ni Grey.
Siya na yata ang alarm clock ko sa umaga. Hindi ko agad naimulat ang aking mata sa sobrang hapdi. As usual, umiyak na naman ako.
Ang sakit naman kasi ng sinabi niya. Lagi niyang pinamumukha sa akin na wala akong halaga sa kaniya. Pinamumukha niya sa akin kung gaano niya kamahal ang babaeng 'yon.
Ni hindi ko nga memention ang pangalan dahil nasasaktan ako.
Lagi namang gano'n.
Pero kung iniisip niya na ile-let go ko siya, parang ang hirap gawin. Hindi ko kaya.
Naghilamos ako at nagtoothbrush. Inayos ko rin ang mukha ko at nilagyan ng concealar ang mga pasa.
Muntikan pa akong ma-heart attack dahil lumuwa ang pinakamamahal kong asawa sa aking harapan at nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sakin pagbukas ko ng pinto.
"Bakit ang tagal mo?" Naiinis nyang tanong. Humakbang ako paatras. Natatakot na naman ako sa kanya at mukhang napansin niya 'yon kaya kaagad naging kalmado ang mukha niya.
"S-sorry kagigising ko lang" nauutal kong ani.
"Eh ano pang ginagawa mo!? Maligo at magbihis ka na!" Agad na napatig-ad ako sa gulat at napahawak ako sa aking leeg. Baka mamaya sa galit niya ay mapatay na naman ako.
Nagkaroon na ata ako ng trauma.
"O-okay" nauutal kong ani at patuloy na umatras papaloob at sinarado ang pinto.
Bakit niya ba kasi ako pinaliligo at pinagbibihis? May pupuntahan ba kami?
Naligo na ako at iyon ang pauli-ulit na tumatatak sa utak ko. Pinunasan ko ng tuwalya ang buo kong katawan bago hubad na lumabas. Wala namang naninilip kaya hindi ako naiilang.
Naghanap muna ako ng masusuot.
"Cathy bilisan mo. Your parents will visit us-" Napatigil siya sa pagsasalita at ang mata niya ay tumigil sa katawan ko.
Napatingin ako kay Grey na bigla siyang pumasok. Napatigil ako sa paghalukay ng damitan ko.
Nagpapalit ang tingin ko sa kaniya at sa itsura ko.
Bago muna mag-process lahat ng nangyare ay napakurap ako ng dalawang beses bago nagsikilusan ang kamay ko para takpan ang kahubdan ko. Ang braso ko ay tinatakpan ang aking dibdib at ang isa naman ay nasa maselang kong bahagi. Mukha namang bumalik din sa katinuan si Grey at bigla siyang tumalikod.
"Bakit ka nakahubad?!" Inis na ani niya.
Biglang sumabog ang init sa aking pisngi sa sobrang pula. Napuno ang paligid ng katahimikan. Nakagat ko ang labi ko sa sobrang kahihiyan. Nakita na niya ang kabuuan ko.
"Di ko naman a-alam na may paparating-"
"Eh kahit na! Di ka pa naglolock ng pinto-f**k!" Napalingon ito ulit sa akin kaya tumalikod ulit.
"S-sorry.." kumuha na ako ng damit at mabilis na nagbihis. "L-lumingon ka na ulit"
"Tss." Lumingon na ulit siya pero sa katawan ko pa rin nakatingin. Para pa rin tuloy akong hubad. Ano ba yan?!
"Bumaba ka na. Time is running but, you're still standing there and not doing anything. Hurry up! In just a minute your parents is already here. Now!" Umalis na siya at pabalabag na sinara ang pinto.
Hindi na ako nagaksaya ng oras.
Oo nga pala, namention niya na bibisita sina mama at papa. I need to prepare myself. Hindi nila pwedeng makitang ganito ang itsura ko.
I went through my small vanity table and put a light make up. I put concealer on my small wound on the side corner of my lips. Konting sugat na lang naman 'yon at mawawala na din. Sinunod ko ang aking leeg na namumula.
Dahil may pasa din ako sa braso, kinailangan ko magsuot ng sweater kahit pa hindi gano'ng kalamig.
"CATHY! MAY BALAK KA PA BANG BUMABA?!" Sigaw iyon mula sa baba kaya binilisan ko na ang pagsusuklay ng mahaba kong buhok na umaabot hanggang bewang ko. Haist di pa pala ako nakakabisita sa salon. Kailangan ko na ata ng bagong hair style.
Ni-make sure ko na lahat ng sugat at pasa ko ay natakpan bago ako lumabas.
"Tss buti naman bumaba ka na" inis na ani niya. Nang tumapat ang mata niya sa akin, lumandas ang tingin niya pahagod sa katawan ko kaya hindi ko maiwasang mamula. Naalala ko na naman kasi yung kanina.
It's not a case naman kung nakita niya pero kasi hindi naman kami naging intimate kaya nahiya ako.
Mukhang napansin niya ang pamumula ko kaya peke siyang umubo at muling bumalik ang busangot niyang mukha.
"I remind you Cathy. We have to pretend that we are okay. That we love each other in front of your parents. Don't you dare tell about what happened here. This is just between us." I nodded saying that I understand what he said. Hindi ko naman na makakalimutan 'yon at kahit naman hindi niya sabihin hindi ako magsusumbong sa magulang ko.
Dahil ayaw kong malaman nila ang kalagayan ko. Ayaw kong magsisi sila at i-blame ang sarili nila dahil ako naman talaga ang may pakana nito. Tinupad lang nila ang gusto ko.
Ako ang may responsibility ng action ko at ako ang pumili nito.
"And don't be so clingy. I know that you're taking advantage of me when your parents is watching." Umiwas na lang ako ng tingin.
Tunay naman eh. Ito yung gustong gusto ko. Kapag dumadating ang mama at papa ko talagang sinusulit ko ang oras na dumikit sa kaniya kasi hindi siya makalayo dahil naandiyan ang magulang ko.
Ilang minuto lang ang paghihintay at dumating na sina mama at papa. Niyakap ko sila ng mahigpit sa sobrang pagkamiss sa kanila.
"Our daughter miss us" masayang tinig ni mama habang yakap yakap ko siya.
"I'm glad that you visited us mama." Ani ni Grey na sumunod na niyakap si mama at papa.
"Ofcourse. We miss our daughter" Kinuha ni Grey ang dala dala ni mama na container at dinala iyon sa kusina.
Nang tuluyan nang pumasok si Grey sa kusina, lumapit sa akin si papa.
"How are you nak?" Nag-aalalang tanong ni Papa.
"I'm fine" napakabuti po talaga ng kalagayan ko dito. Sinasaktan po kasi ako ni Grey.
"Bakit medyo pumayat ka ngayon? Pinapakain ka ba ng asawa mo? Inaalagaan ka ba niya?" seryosong tanong niya. Ngumiti ako at para maging tunay ang ngiti ko ay inisip ko na lang kung gaano ko kamahal ang aking asawa.
"Yes, okay na okay ako pa. Nakapagadjust na po kami ng pautay-utay. Hindi naman niya po ako minamaltrato. Ang galing nga magalaga papa kaya 'wag kayo magalala. Nanibago lang kayo sa katawan ko kasi ang tagal ko ng wala sa bahay" 'hindi po kasi ako masyadong nakain tapos minsan napupuyat ako kakaiyak tapos kagagaling ko lang sa sakit.
"Buti naman. Nag-aalala ako lagi sayo. Alam mo namang arrange marriage lang kayo. Natatakot ako na iba ang trato sayo ng asawa mo."
Napalunok ako. Gusto kong iiwas ang tingin kaso ang baka makahalata siya. Kaya naman pinakita ko na lang ang assurance sa mukha ko.
"Ako po pumili ng mamahalin ko pa, malamang alam ko na mabait si Grey. He will never do that"
Inobserbahan pa ako ni papa ng ilang segundo bago ngumiti.
"Good, basta lagi mo kaming babalitaan ah? Kung may kailangan ka sabihin mo lang okay?"
Tumango ako. "Opo papa"
"Anak ko!" Lumapit naman sa akin si mama at niyakap ako. Muntikan pa akong mapadaing ng madagil niya ang braso kong may pasa. I screamed in silence until she pulled away. "Miss na miss na kita. Omygod! I really missed you!"
Huminga ako ng malalim at pinahupa ang sakit bago ngumiti din sa kaniya.
"Namiss ko din naman kayo. Sorry if hindi ko kayo nabibisita. Alam niyo namang naga-adjust pa kami dito sa bahay. Anim na buwan pa lang kaming magkasama. Baka sa susunod na week pumunta ako" napatig-ad ako nang may pumulupot na braso sa bewang ko. Base sa epekto ay kilala kong si Grey 'yon tsaka wala namang gagawa no'n kung hindi siya lang. Hindi lang ako sanay dahil alam niyo na, 'di niya naman 'to ginagawa sa akin.
"Tara po sa kusina." Tumingin sa akin ang mahal kong asawa at bigla akong pinatakan ng halik na hindi ko na inasahan. Namula ako bigla. Haist, alam kong pretend lang 'to kaya lang 'di ko talaga miwasan kiligin.
"Ang cute mo talaga pag nagbablush" kinurot niya pa ng madiin ang pisngi ko. Napangiwe na lang ako sa sakit. Nanlaki ang mata niya kaya kaagad kong tinago ang ngiwi ko.
"Aw, ang sweet naman hon." Kumapit si mama sa braso ni papa. Both of them are happy on what they see without knowing the real situation.
Pumunta na kami sa kusina at nakaready na doon ang lutong ulam ni mama. Kumain na kami sa hapagkainan.
"How's my cook Grey? Did you like it?"
"Yes po mama. May pinagmanahan pala si Cathy" tumingin sa akin si Grey.
Umiwas naman ako at tinago ang ngiti sa aking pagnguya. Atleast alam niyang masarap ang luto ko.
"Diyan nga nahulog ang asawa ko eh. Siguro nahulog ka na rin sa luto niya noh?"
Grey cleared his throat. Inabutan ko siya ng ice tea at kaagad niya iyong kinuha para lagukin.
Siguro kinailangan niya pa ng pampalakas ng loob para lang masagot ng hindi naiinis ang mama ko.
"Who wouldn't mama?" That's what he answered.
My mother chuckled. "Ano ng plano niyo? Are you planning to have baby na ba?"
Muntikan na akong mabulunan. Same with Grey na napatigil sa pagkain. Nagkatingin kami bago nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni mama at papa, naghihintay ng sagot namin.
Si Grey na ang unang sumagot. Iniakbay niya ang braso sa aking balikat.
"Mama, gusto pa po namin sulitin ang pagiging mag-asawa. We will make our family when we are both ready"
Sinandal ko ang ulo sa kaniyang balikat bago tumango bilang pagsang-ayon.
He pushed me a little when he notice that I'm taking advantage of our situation.
Kinagat ko lang ang labi bago lumayo para magpatuloy sa pagkain.
"Pero 'wag masyadong patagal. Hindi na kami bata. Bago kami mamamatay gusto ko namang makita ang magiging apo ko" Ani ni Papa.
"Wag kayong magalala. Pupunta rin kami sa ganyan" sagot niya.
Tss mahalikan nga ako 'di magawa magkaanak pa kaya?
Bigla akong nalungkot. Ano kayang itsura ng anak ko kung magkakaanak kami? Gusto ko 'yong lalaki kamukha ko tapos 'yong babae kamukha niya para makita ko ang mukha ko kapag lalaki tapos makita ko ang itsura ni Grey kapag babae. Iniisip ko palang alam kong cute na sila.
Kung siguro normal lang kaming couple matutupad ko pang magkaanak kami pero napakaimposible talaga
We're just married but there's no love involve.
Pero I'm still open for possible na someday, maging okay kami at magkaanak.
I'm still hoping.