Chapter 4

1311 Words
Chapter 4 : Punishment Winter's POV " What the f****d happened winter?" Kalmado pero may diing sabi sakin ni uncle. Damn. I hate explaining myself. "Don't ignore me Winter, don't test my patient you know what i'm capable of. " " fine! Sila naman nauna e Nambubugbog sila" " binugbog ka?!" " not me. Pero yung babae kawawa naman" "Hindi naman pala ikaw binugbog sana hinayaan mo nalang!" "Ah ganon uncle?! Hahayaan kong mamatay yon sa kamay ng mga gago na yon?! Kahit ikaw pa yon uncle masasapak pa kita!" "Hindi ko naman sinabing mambubully den ako, my point is sana hindi kana nakielam" "You know me very well uncle, hindi ko kayang makita na may mamatay ng ganon" "Hays. Gusto kitang pagalitan pero tama naman ang sinabi mo. Anyway, suspended ka ng one week right?" "I guess sinabi sayo nung ex girlfriend mo yan," "I see, mukhang sinabi nya sayo. Anyway hindi porket hindi kita napagalitan ay ligtas kana sa punishment." "What?! Uncle naman! Hindi naman ako na expelled! Na suspend lang!" "Aba't proud kapa na nasuspend ka? No. My niece. Your grounded ipi freeze ko money account mo para wala kang pera. No chocolates and you are not allowed to go anywhere understood?" " W-what?! Uncle nam- "Nah-ah. Kahit anong sabihin mo hindi na mababago ang isip ko" "Fine if that's what you want!" Padabog akong lumabas ng opisina nya. Bwisit! Walang pera walang chocolate! Pano nako netooo? Damnnnn. Hindi kona magawang mag tanong pa dahil sa prustasyon. Dumiretso nako ng kwarto at natulog. Rom's POV sinundan ko ng tingin si winter palabas. Hays. Hindi ko alam kung kakayanin nya na malaman ang totoo. Hindi ko sya anak. Pero tinuturi ko syang tunay na anak. Nabaling ang tingin ko sa kwintas na suot ko. Ang susi papuntang Arzelian. Ang arzelian ang mundo kung saan ako nanggaling. Kung saan dapat ay nandoon kami ni Winter. Ako ang nag iisang may hawak ng susi na ito. Kaya napaka halaga nito. Pinag iisipan ko kung kelan ko dadalhin don si Winter. She's eighteen now. Labing walong taon ang lumipas ngunit nandirito pa ren sakin ang sakit ng nakaraan. Maybe after ko sa business trip pwede ko ng maipaliwanag sa kanya ang totoo. Hindi kami normal. May taglay kaming zels. Zels o mas kilala sa magic. Oo tama kayo. Magic. Mahika. Dito sa mundo ng mga tao ay hindi yon totoo at kapani paniwala. Pero samin natural lamang ito. Inikot ko ang ulo ng isa sa mga hero Display dito sa lamesa ko sa gilid. Isa itong laruan sa paningin ng iba. Ngunit ito ay ang susi papunta sa aking pribadong kwarto. Ako lang ang nakakaalam nito. Maging si winter ay walang alam rito. Pumasok ako at sumalubong sakin ang malaking painting. Painting ng aking buong pamilya. Ako, Si Ama, Ina at si Kuya. Oo at may nakakatanda akong kapatid. Si kuya Vixxen. Anak nya si winter. Sumariwa sakin lahat ng mga pangyayari labing walo ng nakararaan. Masakita paden. Nandito paden yung kirot. Ang hirap kalimutan at magpanggap na walang alam. Kinuha ko ang isa sa mga painting na nasa gilid. Isa itong larawan ni ate flare. Asawa ni kuya at nanay ni winter. Kamukhang kamukha nya si winter. Mula sa pulang buhok at maamong mukha. Liban lang sa mga mata. Dahil namana ni Winter ang mata sa aking kuya. Sa aming angkan. The signature of being Arzel. Green eyes is our pride. Its the clan signature and pride. Tanda na isa kang Arzel. Ibinalik ko sa ayos ang lahat at lumabas na ng silid. Winter's POV I woke up late. It's midnight now. 12:00 to be exact. Kumakalam na ang sikmura ko. Bumaba ako at nagtungo sa kitchen. Seems like tulog na silang lahat. Binuksan ko ang ref pero walang laman. Pota naman! Hindi ba nag grocery yung mga maid dito? Tsk walang kwenta! Argh! Lumabas ako ng kitchen dahil sa prustasyon. Kainis naman! Gutom nako e! Bibili nalang ako sa seven eleven sa labas. Dumiretso ako sa aking silid at nagpalit ng damit. Sinuot ko ang black T shirt. Damit pang lalaki to actually trip ko kase mga ganto. Nag short nalang ako ng puti at kinuha ang cap na black. Hindi pako nakakalabas ng kwarto ng biglang pumasok sa isip ko na wala pala akong pera. Frineeze ni uncle. Walastik naman! Walang laman ang credit card ko! Pano ako kakain nyan?! Sa sobrang inis ko ay umupo ako sa gilid ng kama at nilibot ang paningin. Baka sakali na may makita akong ikakatuwa ko. Nahagip ng paningin ko ang pouch na itim. Tinitigan ko ito at nag isip.tama may cash akong pera don! Mga credit cards ko lang ang naka freeze. At hindi ren naman kinuha ni uncle yung cash ko. Kinuha ko ang pouch at tinignan ang laman. Nanlumo ako sa nakita ko. Two hundred pesos lang?! San makakarating yon? Sa chocolate palang kulang nayon e! Ano ba yan! No choice hays! Dahil sa grounded ako It means na doble ang bantay sa labas ng mansion. Kung tutuusin hindi naman ako yung mayaman e. Si uncle yon. Kaya wala akong sariling pera. Kaya den sya ang may kontrol sakin sa pag gastos. At dinidisiplina nya ako ng ayos. Ako lang tong pasaway. Hindi ako dumaan sa gate. Sa likod ng kitchen, may daan don palabas. Don den ako natakas dati nung bata pako. Paglabas ko ng mansyon ang daming guards. Damn it! Sineryoso talaga ni uncle yung sinabi nya! Napatalikod ako bigla at sumandal sa puno dito sa garden, oo yung daan sa kitchen ang labas ay sa garden. "Tara na pare, wala naman dito yung pamangkin ni boss e." "Kailangan makasigurado tayo, lagot tayo nito kay sir pag nakatakas yon" "Sige bahala ka jan iiwan kana namin, alas dose na oh, mukhang tulog nayon" Umalis ang dalawang kasama nung bantay, kaya naman madali ko itong nilapitan at pinindot ang maselan na bahagi ng kanyang batok. Kaya naman tulog ito. Pagdating ko sa garahe ay agad akong sumakay sa bike na nakaparada. Ito lang ang safe na pwede kong gamitin para hindi agad ako mapansin. Sumakay ako at lumabas sa sikreto kong daan dito sa tarangkahan ng aming mansyon. Puro puno rito. Kung hindi lang ako sanay rito, baka natakot nako. Pero sa labing walong taon ko ng nakatira rito ay sanay nako. Nadaan kopa yung weird na na malaking puno. Oo weird. Kase naman sobrang laki nya pa tapos ang taas! Sa lahat ng puno rito ito lang ang hindi kopa naaakyat. Hindi dahil sa takot ako pero parang may kung ano na hindi ko maipaliwanag. Tinitigan ko ito at nagpatuloy na sa pag labas. Nakalabas nako ng gubat nandito nako sa kalsada. Lanya naman, puro sarado ang mga tindahan sa gilid. Mukhang seven eleven ang bagsak ko. Ipinarada ko sa gilid ang bike na dala ko. At napamura nalang bigla ng hindi ko madala ang chain na pan tali nito. Bullshit winter! Wala nabang mas mamalas pa rito?! Nagsisimula na namang lumukob ang inis sa akin. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale6 Dinilat ko ang mata ko at pumasok na sa loob ng seven eleven. Anong bibilhin ko? Hays. Nag ikot ikot ako at nakakita ng M&M, hersey, toblerone at Cadburry chocolate. Tila naghugis puso naman ang akin mata rito. s**t! Two hundred lang ang pera ko! Kahit ayaw ng aking sistema ay agad kong nilampasan yon at dumako sa gilid non, kinuha ko ang cobra at Vitamilk na double chocolate. At kinuha ang ramen na pinakama anghang. s**t natakam ako bigla. Kumuha ako ng isang hersey. At dumiretso na sa cashier. Habang inaantay ko na matapos mag asikaso ang cashier ay napatingin ako sa labas. Nanlaki bigla ang mata ko ng may tatlong lalaki ang kukunin sana ang bike ko! To be continued Hope you like this update
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD