Chapter 5 - Gemma "Things and People change"

2002 Words
"Where are you?" tanong ni Troy pagsagot ko sa tawag niya. "Sorry Love, nakalimutan ko sabihin na pauwi ako ngayon. Na miss ko kasi si Lola - "Why didn't you tell me you're going home?" tanong niya at nagtaka ako dahil sa tono ng boses niya. "Sasabihin ko sana sa iyo kagabi kaso hindi ka naman umuwi at ang sabi mo busy ka. Nawala naman sa isip ko kanina sa pagmamadali ko," paliwanag ko. Kausap ko si Lola kagabi at nakaramdam ako ng pangungulila kaya nagdesisyon ako na umuwi. Day off ko ngayon at bukas naman ay pang-gabi ang shift ko. Ilang buwan na rin kasi ako na hindi umuwi at sobrang miss ko na si Lola. Nag-message si Troy na hindi siya makakauwi dahil may importante siyang meeting. Nag-alarm ako pero late ako nagising at nagmamadali ako pumunta sa terminal. "You should have told me! Hindi dahilan na busy ako dahil pwede mo naman ako i-message. Nawala sa isip mo o wala kang balak sabihin sa akin?" galit na sabi niya at nagulat ako. "Galit ka ba? Bakit ka ba nagagalit?" nagtataka na tanong ko sa kanya. "I just got home from work and you are not here. I'm expecting that when I come home you will be the first I see. I was gone for two weeks so what do you think I feel?" galit na tugon niya. Ako nga itong dapat na magalit dahil dalawang linggo siya hindi umuwi at sa mga panahon na iyon halos nabilang ko lang sa daliri ko kung ilang beses niya ako tinawagan. Naiintindihan ko na busy siya pero alam niya na kahit message lang ay sapat na para mapanatag ang kalooban ko. Hindi naman niya sinabi na uuwi siya ngayon kaya umalis ako. "Are you doing this to get even with me? You didn't tell me because I didn't call you?" tanong niya at mariin na pinikit ko ang mga mata ko para pakalmahin ang sarili ko. "Hindi iyon ang intensyon ko at bakit ko naman kailangan gumanti? Sinabi mo sa akin na busy ka kaya siguro hindi mo ako matawagan. Kung sinabi mo sa akin na pauwi ka hindi sana ako nagdesisyon na umuwi sa amin. Kung magtatalo lang tayo mamaya na lang tayo mag-usap dahil nasa biyahe ako. Tawagan na lang kita pagdating ko roon," sabi ko at wala na akong narinig na tugon dahil pinatay na niya ang linya. Ibabalik ko na ang phone ko sa bag ng marinig ko na tumunog iyon. Nakita ko na may message si Troy at agad ko na binuksan iyon. Akala ko ay mag-so-sorry siya pero hindi pala dahil gusto niya ako na bumalik sa bahay namin ngayon. Sa sobrang inis ko padabog na binalik ko ang phone ko sa bag saka tumingin sa labas ng bintana. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang nangyari kay Troy. Hindi naman siya ganoon kaya nagulat ako. Huminga ako nang malalim saka saglit na pumikit. "May problema siguro sa kumpanya," bulong ko at tiningnan ko ulit ang phone ko pero walang bagong message. Ilang oras pa ang lumipas ay tumigil na ang bus na sinakyan ko at bumaba na ako. Katapat ng plaza ay ang simbahan. Naisipan ko na pumasok muna saglit bago ako dumiretso sa bahay ni Lola. Sa nakalipas na mga taon ay marami ng nagbago sa buhay ko. Nakilala ko si Troy ang lalaking nagparamdam sa akin ng pagmamahal at pagpapahalaga. Nabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa isang kilalang establishment. Nakatulog para maibigay ko ang mga pangangailangan ni Lola na nagpalaki sa akin. Hindi biro ang mga pinagdaanan ni Lola para itaguyod ako at dahil din sa mga taong nasa paligid namin na walang sawang tumulong sa amin. Kahit paano ay nakapagbigay din ako ng tulong kay Nanay Ligaya at Tatay Erin dahil tinulungan nila ako na maka-graduate. Kung hindi dahil sa kanila ay baka wala ako ngayon sa kinalalagyan ko. Sobrang dami kong dapat na ipagpasalamat sa mga tao sa buhay ko lalo na sa Panginoon dahil lumaki man ako na walang magulang ay punong-puno naman ako ng pagmamahal. Pagkatapos ko magdasal at magtirik ng kandila ay dumaan muna ako sa grocery store para mamili ng mga dadalhin ko kay Lola. Sakay ng tricycle hindi ko mapigilan ang mag-alala dahil alam ko na galit si Troy. Ilang sandali lang ay nasa tapat na ako ng bahay ni Lola. Sa tuwing uuwi ako hindi ko mapigilan ang malungkot at the same time ay matuwa. Natutuwa ako dahil makakasama ko si Lola pero nalulungkot ako dahil panandalian lang iyon. Gusto ko man siya dalhin sa Maynila para makasama pero ayaw naman niya. Mas gusto niya manatili rito sa probinsya. "Maraming salamat po," nakangiti na sabi ko pagkaabot ko ng bayad sa tricycle driver. "Lola!" sigaw ko mula sa labas ng pinto. Tumingin ako sa paligid at malaki na rin ang pinagbago ng bahay ni Lola. Unti-unti ay napaayos ko ang bahay niya at dahil din iyon kay Troy. Siya ang nag-insist na ipaayos namin ang bahay ni Lola para na rin sa kaligtasan niya. Ang alam ni Lola ay nag-loan ako sa kumpanya kaya nagkaroon ako ng budget. "Ikaw ba iyan, Gemma?" narinig ko na tanong ni Lola mula sa loob ng bahay at napangiti ako. Agad ko siya yinakap pagbukas niya ng pinto. Ramdam ko nagulat siya pero kalaunan ay niyakap niya ako ng mahigpit. Napapikit ako dahil sobrang na miss ko ang yakap niya. "Sana ay nagpasabi ka Ate na uuwi ka para naman nakapaghanda kami," sabi ni Mela Mula sa likuran ni Lola at napangiti ako. "Oo naman Gemma bigla ka na lang sumulyop dito. Ano ba ang nakain mo at naisipan mo na umuwi? May problema ba?" nag-aalala na tanong ni Lola at tiningnan ako mula ulo hanggang paa kaya natawa ako. "Lola naman kailangan po ba na magkaproblema ako bago po ako umuwi? Hindi po ba pwedeng na miss ko lang kayo? Hindi naman po ata ninyo ako na miss?" kunwari ay nagtatampo na sabi ko at mahinang pinalo niya ako sa braso. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Kung pwede nga lang ba na hindi ka na umalis at dito ka na lang magtrabaho kaso alam kong mas gugustuhin mo roon sa Maynila," katwiran ni Lola at yinakap ko siya. "Nasaan pala sila?" nagtataka na tanong ko. "Nasa kabilang bayan si Norma kasama si Carla para maghatid ng mga order. Tamang-tama ang dating mo at malapit na maluto ang niluto ko na ulam," sagot ni Lola at napalunok ako dahil natatakam na ako sa luto niya. "Tamang-tama rin po dahil gutom na po ako. Inagahan ko po kasi umalis para makarating ng maaga rito. Pabalik din po ako bukas," sabi ko. Nakita ko na bigla nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Lola. Nawala saglit ang ngiti sa mga labi niya. Umiwas siya ng tingin para itago ang lungkot sa mga mata niya pero huli na dahil nakita ko na iyon. "Ipasok mo na Mela ang dala ng Ate Gemma mo at titingnan ko kung pwede na tayo kumain," sabi ni Lola na halatang umiiwas. "Mela, anong meron sa bahay ni Aling Ningning?" curious na tanong ko. "Natatandaan mo ba iyong panganay niyang anak na si Lanie?" tanong niya at tumango-tango ako. Hindi ko masasabi na magkaibigan kami ni Lanie dahil hindi naman kami magkasama o nag-uusap ng matagal. Magkakilala kami dahil halos magkatabi lang ang bahay namin. Noon ay hindi ako masyado makihalubilo sa ibang tao dahil abala ako sa pagtatrabaho. Elementary hanggang high school ay nag-e-extra ako kung saan-saan para kumita. May edad na kasi si Lola at ayaw ko na maging pabigat pa sa kanya lalo. Pagtungtong ko ng Kolehiyo ay doon pa lang ako nagkaroon ng mga kaibigan. Pangarap talaga ni Lanie na mag-aral at manirahan sa Maynila. Ang huling balita ko sa kanya ay nagtatrabaho siya sa Call Center. "Iyong ipinagmamalaki kasi niya rito sa barangay natin na boyfriend niya ay ikakasal na pala sa iba. Sumugod iyong magulang ng lalaki at sinira iyong bahay nila," kwento niya. "Bakit naman nila ginawa iyon? Malay naman ni Lanie na ikakasal na pala iyong lalaki. Dapat doon sa anak nila sila magalit dahil sigurado na hindi sinabi ng lalaki kay Lanie ang buong sitwasyon," inis na reaksyon ko. "Diyan ka nagkakamali dahil alam ni Lanie ang lahat. Ilang taon na pala magka-live in si Lanie at ang boyfriend niya ang siste hindi pala alam ng magulang ng lalaki. Mayaman kasi iyong lalaki parang isa sa may-ari ng call center na pinagtatrabahuhan ni Lanie. Ang sabi nila mayaman din daw iyong babae na mapapangasawa ng lalaki. Kaya nila sinira iyong bahay dahil nalaman nila na si lalaki ang nagpagawa noon. Grabe sobrang napahiya sila Aling Ningning kaya nagdesisyon sila na umalis na rito. Galit na galit din siya kay Lanie dahil sa kahihiyan na sinapit ng pamilya nila," kwento niya. Natigilan ako dahil hindi nalalayo ang kwento niya sa buhay ko ngayon. Ang pinagkaiba lang ay hindi ikakasal sa iba si Troy pero tungkol sa magulang niya Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila. Nakaramdam ako bigla ng takot sa maaring mangyari kapag nalaman ng mga tao sa paligid namin ang tungkol sa relasyon namin ni Troy. "Hoy Gemma!" sigaw ni Mela at nagtataka napatingin ako sa kanya. "Ang tanong ko kung may boyfriend ka na?" tanong niya at tiningnan ko siya saka umiling. "Kaya kung mag-boyfriend kayo kilalanin muna ninyo ng mabuti. Mahalaga rin na tanggap kayo ng pamilya niya at ganoon din siya. Kayo nga ang magsasama pero kahit paano ay nakakaapekto pa rin sila sa pagsasama ninyo. At saka kung mahal ninyo ang isa't isa hindi ninyo kailanman itatago ang relasyon bagkus ay ipaglalaban ninyo. Pero isa lang ang pakiusap ko kung maaari ay iwasan ninyo magkagusto sa lalaki na malayo ang antas ng pamumuhay sa inyo. Hindi sa hinuhusgahan ko sila pero hindi maiwasan na masaktan kayo dahil magkaiba ang mundo ninyo. Sabihin na ninyo na makaluma ako pero piliin ninyo ang simple buhay kaysa sa komplikado at magulong buhay. Alam ko na walang pinipili pagdating sa pag-ibig pero pag-isipan muna ninyo ng ilang beses bago kayo pumasok sa isang relasyon," payo ni Lola at napayuko ako dahil sa mga sinabi niya. "Lola sa panahon po ngayon hindi na po isyu kung magkaiba ng estado sa buhay. Sabi nga po nila kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito," nakangiti na katwiran ni Mela at umiling si Lola. "Sana kinanta mo na lang Mela," saway ni Lola at natawa ako. "Masyado kasi kayo nagpapadala sa mga damdamin ninyo. Mas inuuna ninyo pairalin ang dinidikta ng puso bago ang sinasabi ng isip ninyo. Hindi lahat ng tao na dumating sa buhay natin ay masasabi na iyon na nga ang nakatakda. Minsan ay dumadating sila sa buhay natin para bigyan tayo ng leksyon. Ang isang relasyon ay hindi puro saya lang dahil may mga pagsubok din kaya pumili kayo ng lalaki na hindi kayo iiwan, kaya kayo panindigan at higit sa lahat ay proprotektahan kayo sa lahat ng bagay," sabi ni Lola. "Mukhang hindi na ako makakapag-asawa," yamot na sabi ni Mela. "Hindi ka talaga makakapag-asawa Mela dahil hindi ka pa naman nagkaka-boyfriend. Hindi ka rin magkakaroon dahil panay ang buntot mo kay Rene. Ikaw na lang ata ang hindi makatanggap na lalaki rin ang gusto niya," pang-aasar ko sa kanya at tiningnan niya ako nang masama. "Confused lang siya! Nararamdaman ko na magbabago pa ang gusto niya at kapag nangyari iyon ma-realize niya na ako ang gusto niya. Lahat ng tao nagbabago kaya hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa," pagtatanggol niya at nagkatinginan kami ni Lola saka sabay na umiling. "Ang mabuti pa ay kumain na tayo," aya ni Lola at agad na tumayo ako. "Ang luto mo talaga Lola ang sobrang miss ko po. Lahat po nagbabago pero ang mga luto mo po wala pa rin pong kupas," nakangiti na sabi ko. "Bolera ka pa rin hanggang ngayon Gemma," tugon niya at naglakad na kami papunta sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD