15:

1565 Words
PABAGSAK na dumapa sa malambot na kama si Sabina nang makapasok siya sa loob ng kuwartong inookupa niya sa beach resort na iyon ni Arbor. Mamimiss niya ang kuwarto niyang iyon na kaniyang tinulugan sa loob ng dalawang linggo. Sana ay makabalik pa siya sa lugar na iyon kapag may pagkakataon. Sana ay may pagkakataon pa para maulit ang boodle fight na hindi niya naman na-enjoy. Sana rin, kapag dumating ang araw na iyon ay malasing siya gaya ng plano niya. Humikbi siya. Bakit ba kasi ang saklap ng buhay? "Gaga! Ikaw lang naman ang nagpapasaklap ng buhay mo 'no! Sinabi ko na sa 'yo simula pa lang, hindi love 'yang feelings mo kay Baron! Well, siguro minahal mo din naman siya pero kasi 'day, pinansin mo lang siya dahil malaki ang naitulong niya sa 'yo. Kidney ng tatay mo ang dinonate niya, 'ayun, feeling mo tuloy ay kailangan mong tumbasan ang pa-kidney ni mayor!" Nagpahid siya ng mga luha. Nasambit niya pala ng malakas ang huli niyang sinabi? Kung hindi kasi ay hindi naman tatalak ang matalik niyang kaibigan sa kabilang linya. "Sige na, bye na, Alice. Magpapahinga na 'ko," paalam niya, kahit siya naman ang umistorbo sa babae. "Nagpa-kidney na, pati ang atay binigay!" She rolled her eyes. Magkaibigan nga pala sila, halos pareho sila ng ugali kaya heto, habang hindi niya ito pinapansin ay binabalewala rin siya nito. "Alice," saway niya rito. "Hindi! Makinig ka! Ngayon lang tayo magkakausap, ano ka ba, busy ako mamaya, busy ako bukas," sabi ni Alice. "Uuwi naman na 'ko—" "Okay. Magkita na lang tayo sa SB Tapangpulo branch." "SB?" "Starbucks. Ano lutang ka na ba?" "Ah," tugon ni Sabina. May bago nga palang bukas na Starbucks sa bungad ng lugar nila. "Kumusta na nga pala 'yung inaanak ko?" "Heto, sobrang kulit na! Salamat din naman sa mga kabaliwan mo't nadugtungan ang buhay ng tatay mo at ng anak ko," biglang seryosong ani nito. Sa tuwing ang anak na nito ang pag-uusapan nila ay nagbabago na ang tono ni Alice. Kahit siya rin naman. Napangiti na naman nga siya kahit nagsisimula na naman siyang maiyak. Ang sinasabi naman ng matalik niyang kaibigan ay ang mga malalaking nagawa ni Baron Mckinley sa buhay niya—ang pagbibigay nito ng kidney sa tatay niya at ang pag-supply nito sa kinakailangan na dugo ng anak ni Alice. Ang mga nabanggit kasi ay kaya lang gawin ng taong kasing yaman ni Baron—nang walang kahirap-hirap. "O, natahimik ka na," untag ni Alice, "Hay naku, tama na, okay? Kung ipipilit mo pa rin na mahal mo si Baron ay oo na lang. Pero kailangan mo nang umusad sa kaniya. Ang ganda ng mapapangasawa—" "Huwag mo nang ulit-ulitin 'yan, alam ko nang maganda siya. Mas lalo siyang gumanda ngayong nalaman kong siya pala ang dating asawa ni Arbor!" putol niya sa sinasabi ng kausap. Wala pa siyang konkretong plano o kaartehan na naiisip kung paanong haharapin si Arbor sa kaniyang nalaman. Mas lalo naman sa kung paano siya haarap ulit sa dating boss na ang pag-uusapan nila ay ang feelings niya rito. Nakakahiya ang kasal nila sana ni Baron na hindi natuloy. Malaking factor talaga ang kahihiyan para magtago ka sandali sa mundo. Naipamahagi na kasi ang mga invitation at lahat ay okay na, sabay bumalik si first love at sinira ang kasal nila. Napakagasgas ng istorya pero sa isang banda ay nagpapasalamat siya't hindi natuloy ang kasal na magsasakal lang pala sa kanila ni Baron. Humagikgik naman ang bruha niyang kaibigan. "Pag-usapan natin lahat 'yan pagbalik mo. Napakarami mo pang dapat na ayusin. Ang sarili mo, mas lalong ang pagsasabi sa parents mo na gano'n kadali mong napalitan si Baron kahit ang arte mo't ginusto mong mapag-isa." "Nahawa na yata ako sa 'yo. Ambisyosa na rin ako." Lumakas ang tawa ni Alice. "At least at in fairness, dating boss mo ang nabingwit mo! Gusto ko ang mga ganyan!" Lumawak na ang ngiti ni Sabina. May ganoong effect talaga sa kaniya si Alice, kayang pagaanin ang lahat sa kaniya sa sandaling pag-uusap nila. "'Yung boss ko na hindi mananalo sa boss mo kung laki rin lang ang pag-uusapan," biro niya sa kaibigan. "Loka! Mas malaki ang kay Daxx, 'kulit neto!" Pagak siyang natawa. "Kung alam mo lang, Alice, hindi lang literal na malaki ang sinasabi ko!" "Ay! Malaki!" Nandilat ang mga mata ni Sabina sa gulat—si Manang Vida, nasa pinto na naman ng kuwarto niya! "Bye na, Alice, may bisita ako," tarantang paalam niya sa kaibigan. Hindi naman kasi puwedeng hindi niya pansinin ang matandang katiwala ni Arbor, ngayon lang sila naging okay niyon, ayaw naman niyang umalis doon nang hindi sila maayos. "O siya, bye na. 'Wag ka nang magmukmok d'yan ha, ang pagmukmok ay dapat na ginagawa sa Starbucks para madaling maawat kasi mahal ang kape do'n." Natawa na siya sa pagkakataong iyon. "Sira ka talaga." "Mas sira ka! Pag-uwing-uwi mo, tsek natin kung may laman 'yang t'yan mo. Sa SB din natin iche-check para diretso celebration kung tama ang hinala ko." Nakagat niya na lang ang ibabang labi. Oo, nabanggit nga niya sa matalik na kaibigan na parang buntis yata siya. Nagpaalam na siya ulit dito, kumatok na kasi sa pinto si Manang Vida. Nang pagbuksan niya ng pinto ang matandang babae ay natunaw yata ang puso niyang naghihinakit sa hindi pa niya malaman na rason. May bitbit kasing gatas ang katiwala, obviously ay tinimpla nito iyon para sa kaniya. "SO, sa tingin niyo ni Manang Vida ay mahal na ako ni Sab?" "Hindi ko alam kung paanong nasabi ni Manang 'yon pero ako naman ay may sariling obserbasyon." Naglalakad na sila ni Jacob pabalik sa salo-salo ay malalim pa rin ang buntonghiningang pinakakawalan ni Arbor. Kung naguguluhan si Sabina ngayon ay gayundin naman siya. Magulo ang utak ng Sabina na nagbalik pagkatapos niyang sesantehin. Ginusto niya sanang ayusin ang babae pero bakit pati yata siya ay nagulo nito? "May sarili kang obserbasyon kaya pala nakialam ka na," komento niya sa sinaad ni Jacob. "Nakialam na 'ko dahil 'yun ang trabaho ko sa 'yo. Pero hindi ko pinilit si Sabina. Siya ang kusang nag-delete ng recorded audio sa phone niya. Siya ang kusang nag-surrender sa 'kin niyon. That's why I therefore conclude na mahal ka na niya." Napamaang si Arbor. Nahinto siya sa paglalakad upang harapin si Jacob. "B—Binura na niya?" Tumango ang kaniyang kanang kamay. "Oo. At walang pumilit sa kaniya na gawin 'yon." "Pero… bakit…?" "Bakit mahal mo siya? Bakit mahal ka niya? Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay pareho kayong siraulo. Pareho kayong tumakas sa mga mundo niyo sa wala namang katuturan na dahilan. Sa isang banda, kung hindi niyo ginawa iyon ay hindi naman kayo magkakatagpo. Si Sabina ay tumakas nang dahil sa kahihiyan, iniisip niyang dahil iyon sa pagmamahal. Look, hindi ko pa nasasabi sa 'yo na sobrang halaga ng papel na ginampanan ni Baron Mckinley sa buhay ng dati mong sekretarya. Hindi siguro nasagap ng radar ni Leighjan pero alam mo naman, iba ang radar ko," mahabang litanya ni Jacob. "Sobrang halaga? Kaya ba gano'n na lang kung depensahan niya si Mckinley kahit wala namang kuwenta ang naging tatlong taon na relasyon nila?" Tinanguan siya ni Jacob. "Kaya din gano'n na lang kung magtiis siya sa tatlong taon na 'yun—tulad mo. Nagtiis ka din naman sa tatlong taon sa pag-aakalang walang ibang babae na para sa 'yo kasi si Hailey lang naman ang nakasundo mo sa lahat. Play safe ka kaya ka naging tanyag na CEO ng malaking kumpanya at kaya mo pinili si Hailey. Play safe din si Sabina kaya siya umasam nang maayos at tahimik na buhay kasama si Baron bukod sa makakabayad siya kay Mckinley ng utang na loob. Iyon nga lang, hindi niyo inaasahan na magkakabalikan pa ang dalawa." "Ang sabi ni Leigh ay alam naman ni Mckinley na pumasok siya sa 'kin bilang sekretarya, sila na nga nang mga panahong 'yun. Tinanggap ko siya kahit may masama siyang epekto sa 'kin dahil nga nalaman namin na girlfriend siya ni Mckinley." Muling tumango si Jacob. "Alam niyong pinain niya ang sariling girlfriend sa 'yo pero ngayon mo lang malalaman na si Mckinley ang gumawa ng paraan para makapasok siya sa 'yo bilang sekretarya mo." "Huh?" Jacob crossed his arms, mataman din siyang pinagmasdan. "Alam ng isang tao ang kahinaan ng kalaban niya. Ikaw, alam mong si Hailey ang kahinaan ni Mckinley kaya maraming beses mo siyang natalo sa padaigan ng deal na naselyuhan. At si Mckinley, alam niya ang kahinaan mo—na mas hindi mo nakokontrol kay Sabina. Titanium Hotel, noong maselyuhan mo ang deal sa tusong hotelier na si Titanium, 'tanda mo?" Paano makakalimutan ni Arbor ang babaeng iyon, e sa lahat ng negosyanteng nakaharap niya ay iyon na ang pinakasalbahe ngunit ubod naman ng ganda. Malabo niya rin makalimutan si Titanium at anak ito ng tanyag na bilyonaryo. Kung hindi nga lang mahalaga sa kaniyang lolo ang pakikipag-deal niya sa presidenteng iyon ay wala sana siya roon. Well, kung wala naman siya sa hotel niyon ay hindi niya sana nakilala si Sabina—teka… "Sadyang ginulo ni Mckinley ang focus ko noon sa Titanium Hotel?!" "Yup." Ang just like that, unti-unting tila gripong bumalik sa kaniyang alaala ang pangyayaring tinutukoy ni Jacob, kung saan kauna-unahang beses na nakita ng kaniyang mga mata si Sabina…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD