13:

1459 Words
KINIKILIG na sinilip ni Sabina sa maliit na butas ng pintuan ang iniwan niya sa kusina na sina Egoy at Amor. Hindi nga siya nagkamali. Bagay ang dalawa. Sadyang ikandado niya ang pinto ng kusina nang dumating si Egoy mula sa pagbili ng gatang gagamitin ni Amor para sa niluluto nitong ginatan. Kinantyawan niya ang dalawa na dapat na mag-usap ang mga ito para magkaunawan at magkaaminan na bago niya iniwan. Naitakip niya ang sariling palad sa kaniyang bibig, malakas din siyang napasinghap nang mamataan niyang matapos na magkatitigan ay nagkahawakan ng mga palad ang dalawang sinisilip. Tagumpay ang pagrereto niya sa dalawa. "Patuloy ka lang na maiinggit sa kanila dahil hindi ka naman pala tunay na kabit ni Arbor." Mariin na napapikit si Sabina, heto na naman, sapo na naman niya ang sariling dibdib sa gulat nang dahil sa biglaan pagsasalita ni Manang Vida sa kaniyang likuran. Nakangiwing hinarap niya ito. "K—Kayo po pala." "Ibabalik ko lang 'to sa 'yo," anang Manang Vida sa kaniya. "Ah, ang shawl po. Nagpunta pala ang lola ni Zani. Salamat po, Manang V." "Salamat din sa pagpapahiram mo niyan sa guest natin na si Doña Lara. Suki siya nitong resort." "Doña ho?!" gulat na bulalas ni Sabina. Tinanguan naman siya ni Manang Vida, saka nagbanggit ng mga kaunting info tungkol sa doña na topic nila. "Pinapasabi niyang salamat." Nakatalikod na ang katiwala sa resort ay nakatigagal pa rin siya sa kinatatayuan, hindi pa halos matunaw sa kaniyang utak ang mga nalaman mula sa huli. "Siya nga pala, masarap ang puto, hindi pa 'ko nakapagpasalamat sa 'yo kaya salamat do'n." Kimi siyang ngumiti. "Wala hong anuman." "Nasabi na nga rin pala sa 'kin ni Arbor ang tungkol sa plano mong salo-salo. Walang problema roon, masaya ang naisip mong pagsasalo." "Sa susunod na araw pa naman po. Ang sabi kasi ni Egoy ay saktong sarado ang resort sa araw na 'yon. Sa isang buwan daw ay naglalaan ng dalawang araw na pahinga ang resort." "Tama siya. Nais ko rin palang ipaalam sa 'yo na may panauhin ka sa araw na iyon." "P—Panauhin?" Dinunggol ng kaba ang kaniyang dibdib. Hindi kaya ang asawa na ni Arbor ang sinasabing panauhin ni Manang Vida? Hindi kaya inimbita nito? O baka naka-schedule talaga ang araw ng pagbisita niyon sa resort? "Oo. Ang apo ni Doña Lara na si Zani ay panauhin mo sa salo-salo dahil siyang sulpot niya kaninang pinag-uusapan namin ni Arbor ang tungkol doon. Narinig niya kaya inimbita na rin siya ng alaga ko." "Ah si Zani!" "Siya nga. Kumilos ka na upang magpang-abot pa kayo ng dalagang iyon. Naroon pa siya sa labas, kasama pa siya ni Arbor at masaya silang nag-uusap." Nanlaki ang mga mata ni Sabina sa kaniyang narinig. "Aba't! Sige ho, pupuntahan ko sila. Hinihintay ko pa naman siya na makabalik para makita niyang may progress na ang pagrereto namin kay Egoy at Amor! Makikita ng lalaking 'yan!" Mabilis na nagmartsa na paalis ang dalaga. Kung lilingon pa sana ito ay makikita nitong malawak na nakangiti sa kaniyang likuran si Manang Vida. ANG ganda pa naman ni Zani. Diyosa ang ganda dahil mukhang mamahalin. Panalo pa ang ganda ng katawan at kutis. Kumpleto ang hulma sa mga babaeng tipo niya. Tsk, sayang, ani Jacob sa isipan habang tahimik at mataman siyang nakatingin lang sa boss niyang pinagpala sa mga oras na iyon at sa kasama nitong mahirap na hindi mapansin sa gitna ng karamihan ang angking ganda. "Ang suwerte mo sa part na feeling pogi ka ngayon ha." Nakangising text niya kay Arbor. Kaagad naman na binasa iyon ng boss niya. "Inilalakad nga kita, kaya nga pinagtitiisan kong kausapin," reply naman nito, na kinatawa niya lang. "'Wag na. Mas nakakatuwa na malaman na okay ka ngayon na may ibang babae kang kaharap. Lalo at ang babaeng iyan ay halos hubad na." Pagka-sent niya ng text na iyon ay pinasya ni Jacob na ibulsa na ang kaniyang mobile phone. Sigurado naman na siyang mura ang kasundo na ire-reply sa kaniya ni Arbor. Masyado na niya itong kilala. Well, in fact, sa sobrang kilala niya nga ito ay tunay naman na nagagalak siya ngayon sa kaniyang nakikita. Wala siyang ibang hiling kung hindi ang muling pagharap nang walang problema at hindi nababalisa si Arbor sa mga babaeng katulad ni Zani. Iyon nga lang, halata niyang hindi naman nagtagumpay ang boss niya pagdating sa dating sekretarya. Pero baka naman simula ito. Magandang simula na dapat na nilang iselebra. Parang kapatid na rin niya si Arbor kaya nga ba hindi niya ito maiwanan basta kahit kaya naman na niya. Kahit puwede naman na… Hulog na sana ng langit ang si Zani—pero para na naman pala sa boss kong tukmol. Tsk. Sayang talaga. Natigil ang mga kung ano-anong pinaglalaro ni Jacob sa kaniyang isipan nang may dumaan sa kaniyang tagiliran—humahangos na si Sabina. At hindi na kailangan ng matalinong tao upang malaman kung sino ang pakay nitong puntahan… "ABA'T! Ang babaero na CEO na 'to! May asawa na nga at kabit ay plano pa yatang magdagdag ng isa pang sabit!" inis na bulong ni Sabina sa sarili nang madatnan niyang masaya nang nag-uusap sa wooden bench sina Arbor at Zani. Ang mas nakadagdag ng inis niya ay ang suot ng babae—litaw hindi lang ang pusod at dibdib, nasisiguro niyang pati ang likod at kaluluwa nito—hindi niya maintindihan kung para saan pa ang kapirasong telang suot nito na halos kakapiraso na lang naman ang tinakpan! Pero mas hindi niya maunawaan kung bakit ni hindi man lang naiilang si Arbor sa kausap. Samantalang sa kaniya noon ay halos hindi naman makatingin man lang at pinagbabawalan siyang madalas na mag-skirt sa office—mas 'di hamak naman na disente ang skirt niya noon sa suot na short shorts ngayon ni Zani ah! "Alam kong may imaginary usok na 'yang ilong mo sa mga oras na 'to pero sorry naman, kailangan lang na pigilan kitang makalapit sa kanila, Sabina." Naudlot ang paglalakad ng dalaga nang awatin at pigilan siya sa kaniyang braso ng kanang kamay ni Arbor. Awtomatikong naningkit ang mga mata niya sa palad nito. Tinapunan niya ang lalaki ng masamang tingin. "Bitiwan mo 'ko," mariin niyang utos. Madalas na niyang nakikita ang lalaking ito sa AV Corp. noon pa man. Kahit paano ay alam naman niya kung sino o kung ano ang papel nito sa buhay ng dati niyang boss. Hindi niya alam na kasama pala sa job description ng mga tulad nito na pigilan siyang makalapit sa amo kapag may kasamang babae si Arbor Villasanto. Kibit ang mga balikat na binitiwan naman siya ni Jacob. Saka ito namulsa. "Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang unang beses nating pag-uusap kahit na matagal naman na tayong magkakilala. Pasensya na, may sasabihin lang akong importante. Or should I say, may itatanong lang ako sa 'yong importante." "Puwede bang sabihin mo na ang gusto mong sabihin, ano ba 'yon?" Nakatikwas ang isang kilay niyang sabi. May dinukot sa sariling bulsa ang lalaki—mobile phone nito. Nag-tap doon. "Type ko si Zani, kung may nangyari na rin sa 'min ay uusok din ang ilong ko sa selos dahil ang mga tao naman kapag natikman na nila ang isang bagay, pangyayari o tao ay inaakala na nilang may karapatan na sila sa mga 'yon," pagsasalita ni Jacob habang busy sa pag-tap sa phone nito. Naikot ni Sabina ang mga mata. "Hindi ako interesadong marinig ang mga words of wisdom mo." Nakangising nag-angat ito ng tingin pagkatapos na abalahin ang sarili sa aparatong hawak. "Too bad, interesado kasi akong sabihin sa 'yong hanggang sa mga oras na 'to ay wala ka namang karapatan kay Arbor. Wala tayong karapatan sa dalawang 'yun, Sabina," Nginuso nito sina Arbor at Zani na nasa hindi kalayuan, "Kalma ka lang." Umikot lang ulit ang eyeballs niya. Kailangan niyang balewalain ang sinabi nito kung ayaw niyang mas magtagal ang tila maliliit na karayom na bigla na lang ay tumusok sa gawing dibdib niya. "Bilisan mo, 'daming satsat," masungit niyang ani rito. "Bago ka lumapit sa kanila ay may tanong lang ako—nagseselos ka sa dalawang 'yun o, mas magseselos ka ba, dito?" Iniharap ni Jacob ang screen ng mobile phone nito sa kaniyang mukha. Kumunot ang kaniyang noo na sinino ang mga nasa screen ng phone. Ang maliliit na karayom na kaninang naramdaman niyang tumutusok sa kaniyang dibdib ay biglang nagsilaki dahil si Arbor lang naman ang nasa screen kasama ng asawa nito… wedding picture… "T—Tigilan mo 'ko—" "O dito kaya?" udlot ni Jacob sa pagsasalita at pagtalikod na niya sana, he tapped the screen of his phone and another picture came out there… Si Baron at… ang asawa ni Arbor!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD