Limelight
AiTenshi
April 2, 2017
Halos sumabog ang aking dibdib sa matinding sama ng loob. Matapos ang araw araw na pag pupuyat at pag papagod ay nauwi rin sa wala ang lahat at may free na lait pa mula sa mga mapanghusgang tao sa aking paligid. Marahil ay hindi nga para sa akin ang mundo ng spotlight. Ito na siguro ang hudyat upang bumitiw ako sa bagay na aking pinangarap
Part 3
"Kung makapang lait akala mo mga perpekto. Para sila lang ang anak ng Diyos! Mga pintasero at masyadong matataas ang bilib sa sarili!" ang wika ko habang sumasakay ng taxi. Ni hindi ko pa rin maitago ang matinding sama ng loob dahil sa nangyari kanina sa loob ng silid.
Kung nakaka matay lang ang masasakit na salita baka double dead na baboy na ako ngayon. Daig ko pa ang bangkay na ibinaon ng isang daang beses sa pinaka ilalim na lupa hanggang sa umabot sa core ng Earth. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mata ay naalala ko yung mukha nung baklang assistant director, naka taas yung kilay at halatang hindi niya ako gusto noong unang beses palang na tumapak ako sa silid. Para bang armalite ang bibig nito na noong moment na makita ako ay "bratatatatatatattt" agad ang inabot ko.
"Ser, ang ganda po ng sitcom nyo tuwing linggo. Fan na fan po ako nun." ang naka ngising wika ng taxi driver.
"Ganoon ba? Salamat naman. Hindi naman ako regular doon." ang wika ko naman.
"Kahit na ser, ang astig nyo pa rin doon. Ang galing nyo nga mag pa tawa." ang tugon niya.
"Hindi naman. Nasa script naman iyon kaya't sinusunod ko lang." tugon ko rin.
"Basta para sa akin ikaw ang pinaka astig ser Manolo." ang masaya niyang wika. Nito ko lang napag tanto na hindi naman pala ako yung tinutukoy niya kundi si Manolo yung lead actor na kung saan gumaganap akong sidekick.
"Gago to ah. Nanadya ba ito?" ang sigaw ko sa aking sarili. "Hindi ako sa Manolo. KIKO ang pangalan ko." ang tugon ko habang naka ngiti bagamat hindi ko maitago ang pag kainis."Iba yata yung nasa isip mo manong."
(wattpad.com/Ai_Tenshi for more bxb stories)
Natawa lang ang driver at parang nahiya ito. "Hahah, pasensya na ser. Pareho kasi kayong magandang lalaki sa telebisyon kaya mahirap pag bukurin. Dikit na dikit kasi ang style at dating nyo."
Natawa rin ako bagamat halatang pilit lang. For the sake lang na hindi siya mapahiya. "Sige manong paki tabi nalang doon sa kanto" wika ko.
"Sige ser, sigurado ka hindi ko na ipapasok?" tanong niya.
"Oo, ayos lang." sagot ko.
Agad akong bumaba ng kanyang taxi at mabilis na nag lakad papasok sa aking unit. Damang dama ko pa rin ang ibayong lungkot at sama ng loob dahil sa ginawang panlalait sa akin ng mga tao sa aking paligid. Isama mo pa tong social media kung saan naka balandra ang pictiure namin nila Albert kanina. Punong puno ito ng komento at tiyak kong 50% noon ay kapintasan ko.
Tahimik..
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para pindutin ang comment button. Dito ay isa isang nag loading ang saloobin ng mga netizens.
LOADING...
3.5k comments and 9.6k likes.
"Bet ko si Albert sa role, unlike naman kina Niko at Kiko mga amature kulang sa experience. Go Al for the gold!"
"Kay Albert na iyan. Bagay sila ni Jevan sa movie. Pwede na rin si Niko kasi gwapo rin siya."
"My Gewwdd! Kiko? Seriously? Ang dami namang artistang mas may K ah. Sana si Niko or Albert nalang ang makuha."
"Pwede silang tatlo. Pero mas maganda kung si Albert nalang. Mas hot!"
"Kiko parin. Kiko Matsing! Mang Kiko!"
OMG, Parang alalay lang ni Albert si Kikomatsing!”
end of comments.
Di ko na binasa ang iba dahil tiyak na sasama lang ang loob ko. Agad akong nag tungo sa ref at kumuha ang tatlong bote ng alak. Agad ko itong nilagok habang patuloy sa pag scan ng mga komento ng perpektong netizens. Puro pangalan ni Albert at Niko ang nababasa ko kaya naman panay rin ang skip ko sa mga ito.
Habang nasa ganoong pag sscan ako ay nakapukaw sa aking atensyon ang print screen ng post ni Jevan Monsuni sa kanyang social media account. Tungkol daw ito sa assessment niya sa naganap na audition kanina. Eh parang wala naman siyang paki alam kanina at hindi naman niya ako pinansin, paano kaya siya nag karoon ng idea sa kabila ng pag kakaroon ng sariling mundo habang katabi ang kanyang manager.
@JevanMonsuni
1st guy overacting, too skinny
2nd guy great body, good poise, bad acting
3rd guy good acting, lack of self confidence
Panandalian akong napatitig sa post ni Jevan. Hindi naman alam ng netizen kung sino sa aming tatlo sina 1st guy, 2nd guy at 3rd guy dahil wala naman sila noong audition. Pero sa tingin ko ay may idea na ako kung sino sino ang tinutukoy niya. Marahil ay nakadepende ito sa pag kakasunod sunod ng aming pag ttry out kanina. Sa makatuwid ay ako si 3rd guy base na rin sa pinaka huli akong pumasok sa kwarto. Tama nga naman siya, wala na akong self confidence dahil nilait ako mula ulo hanggang paa. Pati buhok ko sa kili kili ay nilait rin nila.
Habang nasa ganoong pag iisip ako ay namalayan ko nalang na bumisita na pala ako sa page ni Jevan kung saan iniisa isa ko ang kanyang mga larawan. Ilan dito ay mga stolen shot, selfie, photo shoot habang naka hubad. Maganda nga naman ang kanyang katawan, 6 pack ang abs, parang tinapay sa pintog ang dibdib at firm ang masel ng mga braso. Idagdag mo pa ang gwapo niyang mukha na nakaka demonyo kapag tinitigan. Anyare sa akin? Hindi ko tuloy maiwasan makaramdam ng kaunting pag kainggit habang naka titig sa mga larawang iyon.
Ilang minuto rin ako sa ganoong pang sstalk kay Jevan hanggang sa mapag pasyahan kong ideactivate nalang aking account. Hindi makabubuti kung madalas ko itong makikita dahil tiyak masisira lang ang araw ko kapag nababasa ko ang mga negatibong komento tungkol sa akin.
Alas 5 ng hapon, ramdam na ramdam ko pa rin ang matinding kalungkutan kaya naman nag pasya akong mag kulong nalang sa loob ng aking unit. Isinira ko lahat ng bintana at iniladlad ang kurtina dito. Ni ayokong masinagan ng araw sa hindi malamang kadahilanan. Ewan, dipresyon na yata ito talaga kaya naman wala akong nagawa kundi ang humiga sa aking kama at balutin ng kumot ang aking sarili habang pilit na winawaksi sa aking isipan yung mga pamimintas sa akin ng assistant director kanina.
FLASH BACK
"Oo yuon. Skul Dribol Ek ek na yan. Ang taba taba mo don. Kitang kita yung baby fats sa katawan mo. Prangkahin na kita Kiko, mas gusto ko talaga si Albert Rogondola, ang ganda ng katawan noon, lalaking lalaki at malaki ang fan base niya. 5 million ang follower niya sa twitter at 4 million naman sa i********:. Ikaw ilan ang follower mo? Noong chineck ko ang fan page mo ay nasa 5.8k lang ang likes nito. Masyadong maliit iyon. Saka yung tuhod mo medyo maitim, yung kili kili mo kulang sa buhok, at yung pisngi mo masyadong pang baby face. Im sorry ha. Wag sana sumama ang loob mo." ang wika ng assistant director.
"Kung sakaling makuha ako ay pwede ko naman iwork out lahat ng panget sa katawan ko." ang sagot ko.
"Oo nga naman, saka pwede naman daanin iyan sa retoke diba? Yung ilong niya ay medyo flat kaya dapat kaunting tangos pa. Yung mata niya ay medyo singkit pwede iyan lakihan. Diba direk?" ang sabad ang manager ni Jevan.
End of flash back
"Kung makapang lait, tang ina nya. Mukha siyang kuhol!" ang galit kong sigaw sa aking sarili sabay suklob ng unan sa aking ulo.
Wala akong nagawa kundi ang mapaluha nalang sa pinag halong sakit, galit at awa sa aking sarili. Hindi naman ako nag kulang ng gawa para punan ang wala sa aking pag katao. Hindi lang nila ako binigyan ng pag kakataon ngunit natitiyak kong marami pang espesyal sa aking sarili na maaari kong ibahagi para sa iba. Siguro nga ay hindi lang ako para dito, pakiwari ko ba ay pilit kong isinisiksik ang aking sarili sa mundong hindi naman talaga ginawa para sa akin. Sinasabi ko lang sa aking sarili na "kaya ko" pero hindi naman talaga kung tutuusin. At ang masakit ay iyon rin ang isinisigaw ng buong mundo sa akin.
Simula noong mga oras na iyon ay hindi na ako nag lalabas ng unit. Madalas akong naka kulong sa loob nito na animo preso ng kabiguan. Madalas tumatawag sa akin si Dada para sa shooting ng sitcom pero hindi na rin ako umaattend dito. Sawa na rin ako sa pag tambay tambay sa mga show ng kung sino sino para lang iguest o isabit bilang extra. Hindi naman ako maidedemanda dahil unang una ay wala naman akong kontratang pinirmahan. Katulad nga ng sabi ko kanina ay pa extra extra lang ako sa mga show ng sikat na personalidad. Ilang scene lang itatake at pag katapos noon ay aabutan na ako ng bayad depende sa dami ng linya o scene na nakuha kasama ako. Minsan ay hindi naman talaga ako kailangan, nahihiya lang sila kay Dada dahil kaibigan ito ng mga direktor.
Umabot ng halos dalawang linggo ang pagiging ilap ko sa mga tao at gayon din sa spot light ng showbiz. Mula dito ay nag pasya na akong tumalikod at umuwi na lamang sa aming probinsya sa Cabanatuan upang ipag patuloy ang aking pag aaral.
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang malungkot, ewan ko ba.. Ang pakiramdam ko ay nabigo ako o natakot o tumakas. Kung sa bagay, hindi naman kasalanan ang mag hangad ng tahimik na buhay. Malayo sa pang huhusga ng tao sa aking paligid at malayo rin sa pressure na dulot ng maliwanag na ilaw sa mga set.
Habang nasa bus ako ay napatingin ako sa bintana. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang naka tanaw sa kawalan. Dito ay muling nag balik sa aking ala-ala kung paano ako napunta sa mundo ng showbiz.
FLASH BACK
"GINOONG NUEVA ECIJA 2014!! Candidate number 18, Mark Kiko Peralta Jr.!!!"
Isang malakas na hiyawan ang yumanig sa buong convention ng Palayan City matapos akong tanghaling panalo sa contest na aking nilahukan. Dinagsa ako ng mga kaklase, kaibigan at mga lokal na media sa aming probinsya para interviewhin. Ang tagpong ito sa aking buhay ay tiyak na hindi ko malilimutan. Ang totoo noon ay hindi ko naisip na mananalo ako basta ang alam ko papasok ako sa top 5 at ang premyo ay ibibili ko ng bagong cellphone. Iyon naman talaga ang dahilan ng pag sali ko, upang mag karoon ng maganda gadget na pwedeng installan ng mga apps.
"Nanalo kana dito sa province, aakyat ka pa ba sa National Contest? Sa tingin mo ba ay mananalo ka doon sa Ginoong Pilipinas?" ang tanong ng media.
"Kung God's plan na tumuloy ako sa Ginoong Pilipinas, why not diba? Ginawa ko naman ang best ko at tiyak na gagawin ko rin ang best ko pag dating doon." naka ngiti kong sagot.
"Gwapo ka naman talaga at punong puno ng self confidence. May balak ka bang mag artista? O modelo kaya?" tanong ulit niya.
"I tried na mag audition dati sa Starstruck at Star Circle Quest pero hindi meant iyon para sa akin. Natalo rin ako sa Search for Mr. Pogi ng Eat Bulaga kaya sa tingin ko ay okay na muna ito.." ang sagot ko pa.
"Syempre diretso kami sa Ginoong Pilipinas, sayang naman ang kagwapuhan ng alaga ko. At pag katapos noon ay ipapakilala ko na siya sa mga kaibigan kong direktor para sa kanyang pag pasok sa showbiz." ang sabad ni Dada na inagaw pa ang mic ng media.
"Good luck sa bagong journey mo Kiko. At asahan mo na nandito lang kami para sumuporta sa iyo." ang wika ng reporter at doon ay nag selfie pa kaming dalawa.
At katulad nga ng plano, noong dumating ang summer ay agad akong dinala sa siyudad upang isabak sa Ginoong Pilipinas bilang representative ng aming probinsya. Iyon nga lang ay natalo ako doon at hindi ako nakapasok sa top 15, wala rin akong nakuhang special award. Pag katapos ng contest ay hindi ako agad iniuwi sa Cabanatuan dahil ipinakilala ako ni Dada sa kanyang mga kaibigang bading sa showbiz at doon nag start ang aking karera dito.
Noong una ay naging modelo lang ako sa mga print ads at katalogo. Ang mga produktong naisuot ay mga underwear at mga tsinelas. Hanggang sa mag vtr ako at masama sa isang komersyal ng deodorant. Ilang segundo lamang iyon ngunit naiclose up naman ako ng maayos. At mag buhat noon ay nag karoon na ako ng sariling pera. Sa isang sesyon ang photoshoot ay kumikita ako ng humigit kumulang sa 15 libo. Sa mga guestings naman at komersyal ay kumikita rin ako ng libo kahati na roon si Dada na tumayong aking manager.
Nalibang ako sa ilaw ng entablado at nakalimutan ko na ang aking pag aaral. Iyon ang dahilan kaya't hindi ko natapos ang aking kolehiyo. Nag talo kami ni papa dito at ilang buwang kaming hindi nag kibuan. Mabuti nalang dahil nandoon si mama upang pag ayusin kami at huwag hayaan na mag karoon ng alitan o hindi pag kakaunawaan sa mahabang panahon.
Nag tuloy tuloy ang maliliit na project na dumarating sa akin hanggang sa isang araw ay dumating ang break ko na maisama sa isang pelikula. Iyon nga ay ang pinaka unang Independent film na ginawa ko bagamat hindi naman ako major cast. Ang pamagat nito ay "Tukso, lapitan mo ako."
Ang kwento nito ay tungkol sa isang babae na maraming lalaking inaakit at isa nga ako sa mga lalaking inakit ng bida. Dito ay nag karoon kami ng bed scene bagamat madilim naman ang background kaya't hindi ako agad agad makikita. Pinalabas ang pelikulang iyon sa ibang bansa at sa ilang piling sinehan sa siyudad na may rating na R 18 bagay na ikinagalit ng aking kamag anak dahil lumabas daw ako sa isang bold film. Nag bigay rin ng notice ang Catholic School na pinapasukan ko sa probinsya na hindi na ako maaaring mag patuloy doon dahil magiging masama raw akong ehemplo sa mga students nila. Hindi naman ako tumugon basta ang sa akin lang ay masaya ako sa takbo ng aking career.
Ang ikalawang movie na aking sinamahan ay ang "Patayin sa Kiliti si Nestor" isang comedy horror film na ang role ko ay best friend ng bidang tauhan. Ito ang pinaka una at huli kong labas sa sinehan. Ang buong pamilya ko ay nanood sinehan at proud na proud rin ang buong Cabanatuan City dahil sa aking pag labas big screen. Iyon nga lang ay nakita lamang ako hanggang sa kalahati ng pelikula dahil namatay ako at nahulog sa bangin. Eh kasi suspens kunwari iyon kaya ganoon. Medyo nadismaya ang buong pamilya ko pero nag enjoy naman sila. Sabi nga ni Dada sa akin, maliit man o malaki ang parte ang mahalaga ay nakapag bigay ako ng ngiti sa labi ng mga tao sa aking paligid.
Tiyak ko namang natawa sila dahil nasubsob ako sa cake at nahulog sa bangin. Pag bagsak ay patay!
Mula noon ay kinarir ko na ang pag sama sa mga program sa telebisyon. Freelancer ako, walang tahanang istasyon. Kung saan may bakante ay doon ako sisiksik. Katulad nalang ng sitcom kung saan ako madalas mapapanood. Kaibigan ni Dada ang direktor kaya't madalas akong may appearance sa naturang show na iyon.
Naiimbitahan din ako sa mga fiestahan para kumanta o kaya ay pumarada. Mura daw kasi ang talent fee ko kaya't suki ako sa mga ganoong event. Bukod pa roon ay marami rin indecent proposal sa akin galing sa mga politiko o kaya ay mayayamang bading ngunit ni isa ay wala akong pinapatos. Nakaka kain pa naman ako ng tatlong beses sa isang araw kaya't malayo akong pumatol sa ganoon.
Sa pag daan ng mga araw ay nag tuloy tuloy ang takbo ng aking career na lulubog at lilitaw ang kinang. Hanggang sa natapos na nga ito dahil hindi ko kinaya ang emosyonal na atake dulot ng negatibong pamimintas sa akin ng mga tao sa social media o kung saan saan pa. Basta ang alam ko lang, si Kiko ay mananatiling si Kiko artista man o hindi.
end of flashback.
Itutuloy..