Part 6

2050 Words
Limelight AiTenshi April 4, 2017   Part 6   "Anak bakit hindi ka naman nag iingat? Mabuti nalang at hindi ka napuruhan. Ikaw talagang bata ka." ang sermon ni mama noong imulat ko ang aking mga mata. Totoo palang nakatulog ako kanina noong pumikit ako at mag panggap na walang malay.   "Teka, nanaginip ba ako? Totoo ba yung naganap kanina? Yung balita tungkol sa pelikula? O baka naman imahinasyon ko lamang iyon?" tanong ko sa aking sarili habang naka titig sa kanilang lahat.   "Nakupp patay na! Bakit ganyan kang makatingin sa amin tol? Huwag mo sabihing wala kang maalala? Putaaaa, nag ka amnesia kana ba?" ang natatakot na tanong ni Jack.   "Anak, may masakit ba sa iyo? Wala ka bang maalala? Ako ang mama mo anak. Jusko bakit ganyan kang makatingin sa amin?!" ang natatakot rin na tanong ni mama.   "Patay na tita! Nag ka amnesia na nga si Kiko!" ang tugon ni Jack sabay kagat sa mansanas na nasa lamesa.   "Ano ba, wala akong amnesia. Ang OA nyo naman makareact. Iniisip ko lang kung totoo yung nasa balita kanina. Yung tungkol kay Albert at doon sa pahayag ni Direk Limas na ako ang papalit dito." ang nag aalangan kong salita.   "Alin anak? Yung nasa balita na ikaw ang papalit kay Albert bilang leading man ni Jevan?" ang tanong ni mama.   "Oo ma, nananiginip lang ba ako?" tanong ko.   "Totoo ang lahat ng iyon anak. Wala ka naman dapat ipag alala, kung talagang para sa iyo ang isang bagay ay mapupunta ito sa iyo kahit anong mangyari." tugon ni mama dahilan para makaramdam ako ng ibayong kaba at excitement.   At habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pag bukas ng pinto ng silid at dito biglang umentrada si Dada kasama ang kanyang dalawang alaga. Medyo sa dalawang buwan na hindi kami nag kita ay parang mas naging kahawig siya si Ogie Diaz. "Nasaan na, nasaan na ang star ng pinilakang tabing? Anong nangyari sa iyo? Bakit ganyan ang itsura mo Kiko? Naku buti nalang at hindi sa mukha iyang sugat mo. Anyway palalagyan nalang kita ng bangs habang hindi pa iyan gumagaling at ipapa sked na rin kita kay Belo ng pag paparetoke ng ilong at mata. Libre lang iyon sagot ng management." ang pag mamalaki niya dahilan para matutula ang lahat kabilang si mama.   "Ano daw? Pag paparetoke ng ilong at mata?" tanong ng mga kabarkada ko.   "Yes, kailangan mas maging pointed ang ilong ni Kiko at mas maging fierce ang dating ng kanyang mga mata. Parang si Jake Gyllenhaal yung bida sa Brokeback Mountain. Anyway alam ko namang di nyo napanood iyon dahil mga barako kayo." ang paliwanag ni Dada sa kanila.   "Ano retoke? Tangina, wala naman sa usapan natin na mag gaganyan ako. Ayoko niyan!" pag galit kong tugon.   "Oo nga naman, ayaw namin niyan Dada. Mag painom ka nalang mamaya ah." wika ni Jack   "Tse! Hindi naman kayo ang kinakausap ko noh. Mga sunog bagang to." ang tugon ni Dada. "Saka teka nga Kiko, bakit nga ba angal ka ng angal eh ikaw ng itong may kasalanan sakin hano. Binoycot mo ako ng dalawang buwan."   "Ah basta ayoko niyan. Saka bakit ireretoke pa ako e mas gwapo ako kay Jevan. Mas magaling akong umarte sa kanya." ang sagot ko.   Napakamot nalang ng ulo si Dada habang natingin sa akin. "Aba maldito kana talaga Kiko ah. Anyway sa isang linggo na ang balik natin sa Siyudad. Umuwi muna ako dito dahil bday ni Mudrax ko. At ayusin mo ang sarili mo ha. Amoy pawis ka pa at medyo tumaba ka ng kaunti." ang puna nito sabay lapit kay mama "Hi tita, for you po." ang wika niya sabay abot ng isang kahon na nag lalaman ng mamahaling pabango. Bumeso pa ito bago lumabas ng silid.   "Loko talaga iyang si Dada, talagang isasalang pa ako sa retoke. Gago!" ang galit kong salita sabay kuha ng salamin at agad itong itinapat sa aking mukha. "Okay naman ang ilong ah. Kung gusto nya ng matangos ng ilong edi si Pinocchio ang gawin niyang artista!"   "Oo nga pre di ka naman pango e, maarte lang talaga iyang si Dada." pang gagatong naman nila.   "Huwag mo nalang pansinin iyong si Dada, masaya lang siya dahil gaganda na ang karera mo sa showbiz. Ilang taon din kayo nag hintay ng break kaya heto na iyon. Na sabik lamang siya at gusto niya ay maging perpekto ang lahat para sa iyo." wika ni naman ni mama.   "Ah basta, walang retoke na magaganap. Anong akala niya sa akin lalabas sa kalendaryo. Loko siya!"   "Ang mabuti pa ay mag pahinga kana muna at mukhang mainit ang ulo mo. Ang sabi ng doktor ay maaari kana lumabas bukas kapag nawala ang pamamaga ng likod mo." ani ni mama.   Hindi naman ako kumibo, muli akong nahiga at ipinahinga ang aking isipan. Pati yata sa itsura ni Dada ay na stress ako. Siguro ang utak sa likod ng pag paparetoke ay yung assistant director ni Direk Limas na si Bernardo Bernardo. Kung ano ang pangalan iyon din ang apeliyo kaya masama ang ugali. Naalala ko nanaman tuloy yung ginawa niyang pamimintas sa akin mula ulo hanggang paa noong audition.   Flash back   "Oo yuon. Skul Dribol Ek ek na yan. Ang taba taba mo don. Kitang kita yung baby fats sa katawan mo. Prangkahin na kita Kiko, mas gusto ko talaga si Albert Rogondola, ang ganda ng katawan noon, lalaking lalaki at malaki ang fan base niya. 5 million ang follower niya sa twitter at 4 million naman sa i********:. Ikaw ilan ang follower mo? Noong chineck ko ang fan page mo ay nasa 5.8k lang ang likes nito. Masyadong maliit iyon. Saka yung tuhod mo medyo maitim, yung kili kili mo kulang sa buhok, at yung pisngi mo masyadong pang baby face. Im sorry ha. Wag sana sumama ang loob mo." ang wika ng assistant director.   "Kung sakaling makuha ako ay pwede ko naman iwork out lahat ng panget sa katawan ko." ang sagot ko.   "Oo nga naman, saka pwede naman daanin iyan sa retoke diba? Yung ilong niya ay medyo flat kaya dapat kaunting tangos pa. Yung mata niya ay medyo singkit pwede iyan lakihan. Diba direk?" ang sabad ang manager ni Jevan.   "Pwede naman iyan iedit. Madali remedyuhan ang tamang anggulo." sagot ni Direk.   End of flash back   Dalawang araw ang lumipas muling bumuti ang aking pakiramdam bagamat hindi pa rin naalis ang bundahe sa aking ulo. Hanggang ngayon ay tila lumulutang pa rin ako sa alapaap lalo na kapag naririnig kong binabanggit ang pangalan ko sa mga pahayagan o kaya ay telebisyon. Iyon nga lang ay galit sa akin yung mga fans ni Albert sa paniniwalang sinulot ko sa kanyang ang role. Eh wala naman akong fan kaya walang nag tatanggol sa akin.  Gayon pa man ay dapat kong patunayan sa kanila na mahusay akong aktor at kakayanin ko ang lahat ng mga challenging scenes na ibibigay sa akin.   Alas 10 ng umaga, hindi inaasahan ang pag dating si Dada sa aming bahay kasama ang dalawang media. Kaibigan daw niya ito sa isang network at nag nanais na interviewhin ako. Syempre may kawala pa ba ako? Dito na mismo sa bahay ko nag punta eh, pahamak talaga itong si Dada, mabuti na lamang dahil nakapag linis yung kasambahay at maayos yung aming terrace. Doon ko sila pinag abang habang nag aayos ako ng aking sarili.   “Hoy Kiko, huwag mo na alisin yung bundahe sa ulo mo, sinabi ko kasi na naaksidente ka sa motor kaya isang buwan kang nawala noh. Pahamak ka eh!” ang bulong ni Dada habang inaayos ang aking kohelyo.   “Ikaw kaya ang pamahak, talagang nag dala ka pa ng media dito sa bahay. Lagot ka kay papa.” ang pananakot ko.   “Afrrraiiiiddd!!!” ang maarte wika nito sabay hatak sa akin palabas sa balkunahe. “Mga mare, eto na si Kiko, hay naku hindi kasi nag iingat ang batang ito. Ayan tuloy muntik na mabaldado”   Agad naman sa aking lumapit ang tatlong media ang isa ay may hawak na mikropono, ang isa naman ay may hawak na note book at ang isa ay may kamera. “Kamusta kana Kiko? Naku ang gwapo mo pala talaga sa personal. Im sure bagay na bagay kayo ni Jevan.” Ang wika ng isa.   “Pero infairness kay Kiko ha, naaksidente at naospital ni hindi pinaalam sa media. Yung iba nga dyan e nasugatan lang mag papatawag pa ng presscon at doon mag dadrama. Nakapa humble naman talaga ng batang ito. Walang hilig sa publicity. Isusulat ko yan.” ang wika rin ng writer na may dalang notebook.   “Nako eh humble talaga yang si Kiko, hindi nga siya nag pa interview matapos ianunsyo ni Direk Limas na siya ang papalit kay Albert na adiktus sa marijuanasis!” ang sabad ni Dada   “Iyan ang mga aktor na totoong may K, hindi mayabang. Oh siya umpisahan na natin ang interview. Sandali lang naman ito para maiedit na mamaya at maibroadcast sa balita mamaya. Tiyak na sabog na sabog! Tayo ang unang source! Bongga!!” excited na wika ng isang may hawak ng mic.   “Teka, paano po ba yung gagawin? Hindi kasi ako sanay sa ganitong interview.” Sagot ko naman.   “Nakita nyo na? Hindi lang humble to, sobrang galang pa.” pag bubuild up naman ni Dada   “Parang nag kukwentuhan lang tayo Kiko, relax ka lang at ngumiti sa camera” tugon ng isa kaya iyon nga ang ginawa ko.   “Mga kabagang, nandito po tayo ngayon sa mismong bahay ni Kiko Peralta upang kumustahin ang kalagayan ng Aktor matapos siya maaksidente sa motor noong nakaraang linggo. Aalamin rin natin kung ano ba ang kanyang reaksyon noong malaman na siya na ang bagong star ng Brokeback mountain. Ako si Cherry Puyat, ang reporter na 24/7 gising at ito ang TSIMIS TODA MAX!!” ang napaka energetic na intro ng reporter.   “Kiko, kamusta ang kalagayan mo matapos ang aksidente?” ito ang unang tanong nila   “Okay naman po ako mam Cherry, nakaka..”   CUT!!! “Wait lang Hijo, huwag mo na ako i-maam. Ate nalang o kaya ay Cherry nalang.” ang bulong nito. “Hoy Dong, icut mo iyan ha.” Dadag pa nya sa camera man.   Natawa ako at muling sumagot “Okay naman po ako, nakaka lakad na ako ng maayos at hindi katulad noong nakaraan linggo na talagang magang maga ang likod at ulo ko. Mabuti na nga lang po at hindi ako napuruhan.” Naka ngiti kong sagot bagamat sa loob loob ko ay punong puno ng kasinungalingan ang sinasabi ko dahil pakana ito ni Dada.   “Mabuti nalang at hindi sa mukha iyan, nakuu kundi sayang ang lahi.”Biro ng reporter. “Kamakailan ay inanunsyo ni Direk Limas na ikaw ang bagong star ng brokeback mountain. Anong naramdaman mo?”   “Nabigla po ako, hindi ko inaasahan na sa akin ibibigay ni Direk yung role bagamat hindi pa naman kami nag uusap ng personal. Nag text lang po siya sa akin noong nakaraang araw at kinamusta ang aking kalagayan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag sisink in sa aking utak yung katotohanan pero katulad nga ng laging sinasabi ni mama sa akin na kung para sa iyo talaga ang isang ay ibibigay ito ng Panginoon kahit anong mangyari, minsan delay nga lang ngunit naka laan pa rin ito para sa iyo.” Naka ngiti kong sagot.   “So ano naman ang mensahe mo kay Jevan Monsuni na ngayon excited na raw na makatrabaho ka.” ang tanong nila   “Ha? Sinabi nya iyon?” ang tanong ko rin na hindi makapaniwala.   “Oo naman sinabi nya ito. Binati ka pa nga niya sa interview kahapon doon sa event nila.” Sagot ng reporter.   “Salamat naman kung ganoon, ah e, ano po..”   CUT!!! “Pasensya na wala akong masabi, hindi ko alam ang sasabihin ko kay Jevan.” ang natatawa kong wika habang napapakamot ng ulo.   “Kung sa bagay nasabi nga sa amin ni Dada na hindi pa kayo nag uusap ni Jevan ng personal. Ganito nalang, ang sabihin mo ay excited kang makatrabaho sya at ganoon rin ang buong management.” Payo ng writer na may hawak na notebook.   “OK Rolling na ulit in 3 2 1..!!   “So Kiko, anong mensahe mo kay Jevan na sinasabing excited na siyang maging leading man ka.”   “Syempre ay excited na rin ako, saka napapanood ko lagi si Jevan sa mga pelikula at isa akong fan. Isa siya sa iniidolo kong artista. Tiyak na magiging maganda ang kalalabasan ng pelikula dahil mahusay ang management nito.” Sagot ko pa rin.   Tumagal ng ilang minuto ang interview at halos lahat ay scripted at kasinungalingan. Iba talaga ang mundo ng showbiz, hindi mo alam kung ano ang totoo sa hindi, gayon pa man ang mundong ito ay pinili ko kaya’t sa ngayon, ang kailangan kong gawin ay tibayan ang aking loob at gayon din ang aking sikmura..   Itutuloy..            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD