Simula

338 Words
Gusto kong ngumiti para kahit papaano ay maibsan ang bigat na dala sa puso ko, pero hindi ko kaya. Sa tuwing dumadalaw ako rito ay ang bigat ng balikat ko. Hindi lang ito, dahil pati na rin ang loob sa puso. Maingat kong nilapag ang bulaklak sa puntod niya at sinindihan ang kandila. Tahimik na nagdasal at namuo agad ang luha sa gilid ng mga mata ko. "May trabaho na ako," pilit na ngiti ko. At buntonghininga sa sarili. Makailang ulit na pagkurap ang ginawa ko habang nakatitig sa bawat letra ng pangalan niya. "Pasensya ka na, dahil ngayon pa lang ako nakadalaw sa'yo. Ang layo kasi, at ngayon lang din ang bakasyon ko sa syudad. Sa susunod na linggo ay aalis na ako at sa Maynila na. . . Matatagalan pa siguro ako makakabalik dito sa puntod mo," tahimik na saad ko. Natahimik akong saglit at humugot nang hinga sa sarili. Maliban sa akin ay wala ng ibang tao sa paligid. Sinadya ko ito at dumalaw ako ng maaga talaga rito. Mainit na kasi mamaya, at mag-aayos pa ako sa iilang mga gamit ko. Napansin ko agad ang itim na sasakyan na dumaan sa bandang gilid. Hindi ito huminto at bagkos ay nagpatuloy lang din. Tumunog ang alarm clock sa cellphone ko, kaya dinukot ko na ito mula sa bag. Oras na para umuwi at nang matawagan ko sina Nanay at Tatay. Ngumiti na ako at lihim na nagpaalam sa kanya. Pero bago paman ako tumalikod at may isang bagay akong kinuha mula sa loob ng bag, at maingat ko itong inilapag sa lapida niya. "Salamat, babe. . . I will visit you again when I come back. Wish me good luck and happiness," pilit na ngiti ko sa kanya. At sa huling pagkakataon ay lihim akong ngumiti sa sarili bago tinalikuran ang puntod niya. I may have the heavy feeling inside me, but I believe that somehow he looked after me from above. . . Alam ko, kahit papaano ay nagsisilbi siyang angel sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD