Chapter 1. Neo's POV

1150 Words
RE-INVESTIGATION . "Ang tagal mong nawala, bro. Kumusta ka na?" si Ivan sa akin. "I know. . . " tiim-bagang ko. "And I'm back for good. Kailangan na ako nina Mama at Papa sa Rancho," buntonghininga ko. Namulsa akong tinitigan ang napakalawak na tanawin rito. "This place reminds me of the old days, bro," I said bitterly while patting his shoulder. I could feel a slight pain inside my chest and it's driving me crazy. "Here. Have this while it's hot." Ibinigay niya ang ginawang kape na yari sa tableya. Inamoy ko muna ito at parte nang nakaraan ko ang pilit na bumabalik sa alaala ko ngayon dahil sa bango nito. . . I miss him, my dear brother Elias. "I've heard from Zalde that you made a request from Dumbo?" Napailing agad siya at bahagyang natawa. Mahina akong tumango at hindi siya tinitigan. "May tiwala ka talaga sa kanya ano?" dismayadong tugon niya. "Mas mabuti na iyong sigurado, Ivan. Apat na taon na akong binabagabag ng nag-iisang kapatid ko. I couldn't even sleep at night because his soul came haunting me in my dreams, bro," sabay inom ko sa mainit na tableyang tsokolate. "Hindi ba sinabi ko na naman iyan sa'yo noon pa? Hindi ka kasi nakinig man lang," buntonghininga niya. "Magulo kasi ang utak ko noon, Ivan. At dumagdag pa ang walanghiyang puso ko sa lahat," bahagyang ngiti ko. Yes, Ivan told me about this long time ago. But I leave everything to Mama and Papa. We've trusted the authorities and their investigations came up as suicide and no foul played. Pinaulit pa nga iyon nina Mama at Papa dahil hindi nila matangap ito. Pero pareho lang din ang lumabas sa bawat imbestigasyon ng magkabilang kampo. I could not help at that time because I was chasing someone who was so dear to me and it was too late. I became plainly stupid. Wala nga siguro akong pinag-iba noon sa kapatid kong namatay dahil lang sa babae. I understand why he killed himself. . . The pain was unbearable and it was a torture. . . I choose to be away from everything. Nagpakalayo ako at pabalik-balik lang ng iilang linggo at buwan, at pagkatapos ay babalik na naman sa Italya. I have established a business there in Papa's remaining business. Ako ang humawak kaya nakatulong din ang lahat. Sanadya kung maging abala sa sarili at kalimutan ang lahat. Bumalik lang ako noong nakaraang taon para sa mga kapatid kong kaibigan. The boys are like my brothers. . . Sometimes we fight, but in the end we settled every misunderstandings. Ganito naman talaga kami. Mga baliw ang utak ng mga lalaking ito, pero mga mahal ko. "Any news from Zalde?" "Same as everyone. He's very busy," he chuckled and laughed a bit. Kantyaw ito dahil hindi naman totoo. "We meet every now and then. Every month, bro. Join us in El Nido Palawan." I shook my head and smirked. I remember the messed we've made two years ago, when Travi's bride ran away. We're all pissed and drunk with no limit. Hindi ko makakalimutan ang bakasyon na iyon, dahil isa iyon sa mga kabaliwan naming lahat. "How's Travis?" tanong ko. Lagpas isang taon na din simula nang maging grooms men ako sa kasal nila ni Mirabella, at hindi ko na siya nakita. Naging abala na yata siya sa buhay pamilya, sa negosyo, at sa Probinsya. "He's good and well. Dalawa na nga anak nila. Ang bilis nga." Iling niya, "habol ka na kaya?" tapik ni Ivan sa balikat ko. "Saka na. Tatapusin ko muna ang kaso ng kapatid ko at nang sa ganoon ay mapanatag ako," pamulsa ko. I was about to say more but my phone rang and it was Dumbo. "Excuse me, bro. I have to answer this call." "Sure." Humakbang ako palayo para masagot ko ito ng tama. "Dumbo, man?" "Neo. . ." lalim na boses niya. "How are you?" "I'm good, and you?" Natahimik ang kabilang linya at rinig ko ang pagbuntonghininga niya. "Are you in town today?" Kumunot agad ang noo ko dahil alam kong importante ito. "Yes, man. Do you want to see me? I am free." "Okay, La Vida Resto, man. I'll wait here." "Okay. I'll be in there, just give me ten minutes." I turn off the call and Ivan brows furrowed while staring at me. "I have to go, bro. I have to see Dumbo. I think, it is important." "Okay, bro. Take care and let's catch up again," sabay tapik niya sa balikat ko. There was no traffic on the highway. The road was pretty neat and I arrived on time at La Vida Resto. Madalas kami nagkikita rito noon ni Dumbo, noong mga panahon na nasa koleheyo pa ako. Pumasok na ako at ngumiti lang din ang security guard sa akin. I took of my way farer and surveyed the area. It's got the same ambiance as before, except that they've made changes on the paint of the wall and some decorations are now hanging in every corner. Nagiging babae na tuloy ang restong ito sa piningin ko. "Neo!" senyas nang kamay niya at sumenyas ako pabalik. Humakbang na ako palapit sa kanya. "Long time no see, man!" We patted shoulders and shake hands. I sat down and made myself comfortable yet, I'm feeling edgy right now. "May balita na ba?" "Good news, Neo. I have found some loopholes on the case. Kinailangan ko pa ng approval ng head namin sa departamento para lang mabuksan ko ang kaso. And as suspected it was not suicide, bro." My heart pounded so hard and my jaw tightened. Matagal na akong binabagabag nito at ngayon na marinig na hindi suicide ay pabubuksan kong muli ang kaso ng kapatid ko. Inilapag niya agad ang iilang dokumento na hawak niya sa mesa, at isa-isa kong tiningnan ito. Nakita ko na ito noon, at walang pumapasok sa utak ko. Magulo kasi ako sa mga panahong iyon. "I have a few suspects here and let's put an end to this case. These are the names of the persons whom your late brother communicated before he passed away." Limang pangalan ito at agad nakuha ang atensyon ko sa pangalan na Bree Solidad. Medyo pamilyar kasi sa akin ito, at parang narinig ko na ito noon sa kapatid ko. Nabanggit niya yata ang pangalan na Bree sa akin nang ilang beses, noong tumatawag siya. "Who's Bree Solidad?" kunot-noo ko. "Oh, I believe she's the woman that your brother liked, but not the reason why he killed himself." Napatiim-bagang akong lalo at sumikip ang dibdib ko. I felt the pain and it's like someone stabbed me. Huh, not the reason? I can't believe it. "Do you have any information about her?" "Well, yes. . . She's working at the El Real Hotel. Walang record at malinis, kaya sigurado ako na hindi siya ang suspect." . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD