Walang mapaglagyan ang ngiti sa labi ni Ma'am Jinky habang nakaupo sa napakagandang mesa. The entire pool was covered with petal of red roses and the area are filled with white and red balloons. Parang kasal ang nangyayari ngayon sa entradang ito. At syempre lahat nakikimarites na, at kasama na ako! "Ang swerte ni Ma'am Jinky ano?" kurap ng mga mata ni Ivy. Nag-heart shape na ito habang pinagmamasdan ang paligid. "Oo, nga. . . Akalain mo ba naman na si Sir Neo pa? Sana all talaga!" tugon ni Criselda. "Ang akala ko nga ay sa'yo si Sir Neo may gusto, Bree? Iba pala?" takang tanong ni Ellen. At napatitig na silang tatlo sa akin. Ngumisi ako at nakatitig lang din ang mga mata ko kay Ma'am Jinky ngayon. Panay ang ngiti niya na parang reyna habang nakatitig sa tatlong musikero na