Chapter 2

1541 Words
ANNE For some reason, Jerry always comes up with something to get back at me. Katulad na lang ng mga rason n'yang mas marami ang kabalbalan pero may point din naman.  "Hindi ba ang sabi ko share tayo? O, kagatan mo din parang nag lips to lips na tayo n'yan." He was grinning like a mad man. See? Ang galing n'yang mang-asar. Pero totoo 'yon. Sinabi nga n'ya na share kami kanina.  "Nakakainis ka talaga!" Binigyan ko s'ya ng facepalm. Pero sa ginawa ko ay naramdaman ko ang init ng balat n'ya at pati na ang mainit na hininga mula sa kanyang bibig.  "Didilaan ko 'yang kamay mo kapag hindi mo tinanggal 'yan," sabi n'ya sa akin. Napalunok ako ng isang beses. "Talaga lang?" I dared him.  "Isa." But I chickened out, kaya tinanggal ko na kaagad. I heard him chuckle. "Takot ka rin naman pala."  S'ya naman ang nagtangka na mag-facepalm sa akin. Mabuti na lang at mabilis kong nailayo ang mukha ko. "Jerry! Iyong make up ko! Ugh! Nakakainis ka talaga!" maktol ko. "Ceasefire muna." Ganito na kami simula noong unang araw na nagkakilala kami.  Aso't pusa.  Noong una, madalas akong mapikon sa kanya. For some reason, paborito n'ya akong bwisitin kaysa kay Yanna at Gabe. As time goes by, nasanay na rin ako sa kanya at na-enjoy ko ang presens'ya n'ya. Iisang anak at natural na makulit.  Pinaka-close n'ya si Gabe, talagang sanggang-dikit sila kahit noon pa. Akala tuloy ng iba, may relasyon sila na higit pa sa pagkakaibigan. But they are wrong. Gabe only  has eyes for Matt at ganoon din naman ito sa kanya. So if ever, Jerry doesn't even stand a chance.  So after we graduated in high school, nanibago ako. Iba na ang mga kasama ko sa school and the friends that I hang out with everyday are nowehere in sight.  I miss Jerry the most.  But he didn't forget me.  Nangungulit pa rin s'ya sa text pero iba pa rin yung araw-araw kaming nagkikita sa eskwelahan dati. Ang hilig pa n'yang makialam sa mga pagkain ko. Kakagatan tas ibibigay sa akin. Loko talaga. Kaya kahit bihira na kaming magkita-kita ngayon, pinipilit kong sumipot kahit pagod na  ako sa trabaho. I love my friends. I love Jerry. Naputol ang pagmumuni-muni ko nang may tumikhim. Si Rafe pala at Shelly ay nandito na rin. "Naks! Cozy ang lovebirds!" natatawang sabi ni Rafe. Shelly was grinning too. They were teasing us.  "Kanina pa ba kayo?" tanong ko sa kanila. "Enough to see you guys flirting with each other." Rafe was holding his laugh. "Flirting? | Flirting!?” sabay pa naming bigkas ni Jerry. "Look at you two. You think alike. You finish each other's sentence, and so much more. You should try dating each other and see what it's like." He flashed a smile at nagsikuhan pa sila ni Shelly. "Bagay kayong dalawa. Your chemistry is beautiful. Parang may sariling fireworks!" pang-eenganyo ni Shelly. Nagkatinginan kami ni Jerry at umasim ang mukha naming dalawa. Obviously, kunwari lang ang reaction ko. Deep inside kilig na kilig ako. Jerry pinched my nose. "Hindi kami talo nito." Hindi pa nakuntento at kinurit pa n'ya ang pisngi ko.  Ouch! Hindi ang pisngi ko ang masakit kung hindi ang puso ko. Tunay na masakit ma-friendzone. "Kayong dalawa talaga," sabi ni Rafe na naiiling. "Anyway, we really just dropped by quickly. Mahaba pa ang byahe namin ngayon. We're going to Zambales at baka gabihin kaming masyado kung hindi pa kami aalis ngayon." "Ingat kayo sa byahe." Tumayo ako at niyakap ko silang dalawa ni Shelly. "Jerry, huwag kang masyadong makulit kay Anne ha. Anne, kapag sobrang kulit n'ya tawagan mo kaagad ako. Stay safe, lovebirds. We'll see you soon. My treat next time," paalam ni Rafe at saka sila naglakad palayo ni Shelly. Naiwan kaming dalawa ni Jerry.  "O, anong balak mo ngayon? Alas-onse na," untag ko sa kanya.  "Punta tayo sa Nuvali. Doon tayo kumain ng lunch tapos pakainin mo na rin ang mga isda doon," aya n'ya sa akin.  "Gusto ko 'yan. Ikaw naman ang taya eh."  "O s'ya, tara na at baka malipasan ka ng gutom. Ang sungit mo pa naman kapag kumakalam ang sikmura mo. Gusto mo bang gumamit ng banyo muna bago tayo umalis?” "Okay sige, para hindi na tayo mag-stop mamya," sagot ko sa kanya.  "Okay, hihintayin na lang kita dito." He sipped his drink. I went to the washroom quickly at mahirap makaramdam ng panunubig sa daan. Some washrooms as well as not as clean as the one in here kaya sasamantalahin ko na. Nag-retouch lang ako ng kaunti at lumabas na rin ng banyo. I saw him looking at his phone, at may dalawang babae sa table malapit sa kanya na walang tigil ang pagpapacute. Napailing na lang ako. Ang lakas talaga ng karisma n'ya sa mga babae. "Done?" tanong n'ya sa akin. Tumayo s'ya at inilagay ang cellphone sa bulsa. "Done." "Alright, let's go." Inakbayan n'ya ako at iginiya palabas. Hindi ko napigilang hindi lingunin ang dalawang babae. Maasim ang mukha nila pareho at mukhang nabigo. Lihim na nagdiwang ang puso ko. He's mine - even just for today. *** I enjoyed my weekend. Masayang kasama si Jerry at tinotoo n'ya ang panlilibre ng tanghalian, pati hapunan. If you don't know Jerry -- ubod n'ya ng kuripot kaya ang mga pagkakataon na ganito, talagang ginagrab naming magkakaibigan.  Dumaan rin kami kay Yanna kanina sa pharmacy. She was very busy at hilong talilong na sa dami ng customer pero gumawa pa rin s'ya ng paraan na harapin kami kahit fifteen minutes lang. Inaya namin s'yang maglunch pero hindi talaga s'ya makaalis. Short sila sa pharmacy kanina at kahit part-owner s'ya ay hands on din sa mga gawain. I think that's what makes her really good at her job. She's not afraid to get her hands dirty.  We should have gone home after having our meals pero ito namang si Jerry, ayaw pa daw n'yang umuwi kaya nagpalaboy-laboy kami sa mall. Pupunta sana kami sa Tagaytay, pero saka na lang at baka masyado kaming gabihin.  Pasado alas-otso na ng gabi ng makarating kami ng Batangas mula sa Laguna.  At ngayon ay kasalukuyang traffic sa Lipa dahil sa ginagawang karsada. Pinapalawak ang daan at mukhang matatagalan pa bago matapos ang project na ito. Imagine, anim na buwan na akong umuuwi kahit kada dalawang lingo pero mukhang walang pagbabago. Ang kupad talaga ng pag-usad dito sa Pilipinas.  Anyway, pabor din naman sa akin ito kaya hindi ako nagmamadaling umuwi. I get to be in the same car with Jerry, at sana mapanaginipan ko s'ya ngayong gabi. Isa pa, Linggo bukas kaya pwede akong mag-sleep in.  I was browsing on my phone when I heard him talk.  "Hoy, kausapin mo naman ako. Baka makatulog ako dito. Sige ka, ikaw din... hindi ka makakauwi." Ngumisi si Jerry sa akin. Umismid ako sa kanya. "Ano naman ang pag-uusapan natin? Hindi ka pa ba namamalat? Buong araw na tayong nagdaldalan." I was talking to him while my eyes are still glued on the screen.  "How about you tell me if you're seeing someone right now," sabi n'ya sa akin. Mukhang interesado sa lovelife ko -- himala ng mga himala. "Si Paul," maikling sagot ko sa kanya.  "Paul?" Kumunot ang noo n'ya at mukhang hindi maalala. I already told him about Paul but I don't think he was listening then.  "Oo, si Paul. He from our IT department," paalala ko sa kanya. "So, mukha s'yang nerd," komento n'ya. "I didn't know you were into nerds." Umasim ang mukha ko. "Seryoso, Jerry. Kapag ba IT, nerd kaagad?" natatawa kong tanong sa kanya.  Napakamot s'ya sa kanyang ulo. "Well, majority naman talaga ng IT ay mukhang nerd," nangatwiran pa.  "You're stereotyping," sabi ko sa kanya. "And for your information, hindi mukhang nerd si Paul. Ang pogi nga n'ya e. Pinoy version ni Paul Walker." Bakit parang dumilim ang mukha n'ya o talagang gabi lang?  "So, you're seriously dating now?" tanong n'ya sa akin.  Nagkibit-balikat ako. "I don't know. We only went out twice for dinner. Is that serious enough for you?" tanong ko sa kanya. He's so expert in dating, I might as well get his opinion. He sighed. “Kapag nag-date kayo ng isang beses, curious ka. Sa pangalawang date, ibig sabihin more than curiosity na," paliwanag n'ya sa akin. Ganoon ba 'yon?? Tumikhim ako. "Well, he is really interesting. He is an only child. He is into music. Marunong din s'yang mag-gitara. He plays basketball and obviously, he is smart." Hindi ko sinabi sa kanya na madalas ay naiinis ako kay Paul. Bilib na bilib kasi sa sarili n'ya. And the only reason why I went out for dinner twice, e nanghihinayan ako sa libreng pagkain kaya tiis ang beauty ko sa kahambugan n'ya.  Jerry snorted. “Maka-interesting ka naman, parang may forever."  Hinampas ko s'ya sa braso. "Ikaw talaga!" "Aray ko!" Hinimas nito ang brasong pinalo ko kanina. "Jerry naman! Alangan naman na gumaya ako sa iyo. Para ka lang nagpapalit ng damit kung makipag-date. Wala ka pa ngang sineseryoso kahit isa. And yes, naniniwala ako sa forever hindi kagaya mo. Walang masamang maniwala." "Alright, tell me about forever then," hamon n'ya sa akin. Paano ko nga ba ipapaliwanag 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD