ANNE | TWO YEARS AGO
Nagbus lang ako galing Maynila at umuwi ako ngayong weekend sa Batangas. Nakakamiss din ang hangin sa probinsya. Kahit pa sabihin na mistulang Maynila na rin ang kinalikahan ko dahil sa dami ng mga istraktura na bagong tayo. Moderno na rin ang pier, may malalaking mall at kung ano ano pa.
Ngayong ay nasa jeep ako papuntang coffee house. Matagal tagal na rin kaming hindi nakukumpleto. Nakilala ko ang mga kaibigan ko noong high school at simula noon ay naging malapit na kami lahat sa isa’t isa.
Umalis si Gabe pagkatapos ng isang taon na pagtatrabaho sa hospital bilang nurse at nagpunta ng Canada. Hindi pa s'ya bumabalik hanggang ngayon. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari sa kanilang dalawang ni Matt.
No one dared to ask.
No one dared to mention his name as well.
When Gabe is ready to talk about it -- she will. Until then, we will just wait. Sa ngayon, tutulungan lang namin s'yang mag-cope sa mga dinaramdam n'ya.
Now that we are working, we don't see each other as much. Mabuti na lang talaga at may internet na at social media platforms. At least, hindi butas ang bulsa namin sa madalas na tawagan.
Rafe couldn't make it today dahil may out of town trip sila ni Shelly. Pero ang sabi n'ya, susubukan nilang dumaan dito bago sila pumunta ng Zambales. Matagal na rin silang dalawa. They met on their last year in college and they have been together since. Rafe finished his business degree and currently managing their restaurants. Ang alam ko, wala pa rin silang balak magpakasal. Or siguro, mas angkop sabihin na may balak na si Rafe pero si Shelly ay hindi pa handa. May bunsong kapatid pa si Shelly na pinapatapos at naiintindihan naman ni Rafe 'yon -- willing s'yang maghintay.
As for Yanna, she works in Laguna. Pharmacy ang natapos n'ya at dahil mahirap din magcommute araw-araw, bumili na s'ya ng condo doon. She can't come today as well dahil may duty, pero babawi daw s'ya sa sunod kong uwi.
And then there's Jerry.
I've been in love with him since high school but no one knew about it. He works as a therapist in the hospital. S'yempre, magandang lalake kaya kung magpalit ng nobya ay maihahalintulad sa pagpapalit ng damit. If you liked McDreamy from Grey's Anatomy, that's what he looks like.
S'ya ang may pakana ng get together namin ngayon, at hindi ko na inaasahan na on time s'yang darating. Kung gaan ka-punctual sa hospital si McDreamy -- ganoon ka-late Jerry pagdating sa gathering. Malapit ko ng maubos ang frappe ko pero ni hibla ng buhok n'ya ay hindi ko pa nakikita.
As for me, I work in an insurance company. I don't hate my job, sakto lang. But I'd rather be a chef, sabi nila ay masarap akong magluto. Pwede rin na runway model, char! Sa taas kong 5'3'', kahit unang baitang papuntang runway hindi ako palalakadin. Some say I look like Eva Mendes. Kung gaano kasalat ang dibdib ni Yanna at Gabe, ganoon naman ka-blessed ang sa akin. Minsan, hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa o ikayamot. Some men stare at them even when I'm not even flaunting it.
Ang tagal na naming grumaduate sa high school, pero 'yong feelings ko -- daig pa ang na-seventy four. Hulog na hulog... kay Jerry. I've dated a few but nothing serious. Mahirap pala na makipagrelasyon kapag may mahal na iba. Feeling ko, niloloko ko lang ang sarili ko. And in the end, ako pa rin ang talo at nagsayang ng oras.
I was lost in my thoughts when I felt someone kissed my cheek. At nang tingalain ko ang taong 'yon ay nakita ko ang lalakeng kay tagal ko ng minamahal. Hindi na ako magtataka kung sa pagtanda ko ay magkaroon ako ng sakit sa puso -- he makes my heart weak!
It was Jerry. He was wearing his sunglasses at mukhang hindi rin nagsuklay. In fairness, mabango s'ya at kahit magulo ang buhok ay hindi mababawasan ang gandang lalake. Hanggang ngayon, humahanap pa rin ako ng anggulo na pangit s'ya, pero wala akong makita. Ganoon yata kapag nagmamahal -- nabubulag din!
"Jerry!" Kinuskos ko ang aking pisngi. "You're late again. Mauubos ko na ang frappe ay wala ka pa rin."
He flashed a lazy smile. "I know. Sorry na, napuyat ako. Alam mo na 'yon." He smirked and took a sip of my drink.
"Huy, sa akin 'yan!” Natatawa s'yang ipinagpatuloy ang pag-inom sa order ko. “Anong alam mo na 'yon?" kunot-noo kong tanong sa kanya. Late na nga, pahuhulain pa ako.
"Let's just say, I had a great night. Again." He gave me a wide smile this time.
Umasim ang mukha ko. "Jerry naman! Ang aga-aga, talagang s*x kaagad ang laman ng utak mo??"
"s*x in the morning is really good! You should try it sometime," sabi n'ya sa akin at saka humalakhak.
Bwiset na 'to! Sana mahirinan! "Ew! Gross!"
Mas lalo s'yang lumakas ang tawa at nakaagaw ng pansin. Then he said, "You're such a prude." Pinisil n'ya ang ilong ko.
"Hindi ako prude. Iniingatan ko lang ang sarili ko, para hindi ako nakakahiya sa magiging asawa ko," katwira ko sa kanya. I even stuck my tongue out na parang paslit.
He grinned at me. "Sus! Tatanda kang dalaga kapag gan'yan ka. Oorder lang ako, naubos ko na eh. Anong gusto mo? Ako na ang taya."
"Just get me a lemon loaf and a cappuccino. And by the way, you owe me lunch! Ang aga ako dito, tapos late ka. Nakakainis ka talaga! Bumawi ka ng bongga sa akin, ha? Ang layo pa ng nilakbay ko."
"Promise, sa iyo lang ako buong araw. No other women!" Nag-cross my heart pa ang baliw kaya hindi ko naiwasan ang mapatawa.
Nang tumayo s'ya at tinungo ang counter, hindi ko napigilan na pagmasdan s'ya. Pero katulad lang ako ng ibang babae sa coffee shop -- the women are eyeing him as well. Ito ang mahirap kapag pogi e, ang daming kaagaw.
Back in high school, I found out that Jerry had a crush on Yanna. Elementary pa lang sila noon and everyone knew about it. Maliit lang naman ang St. Bridget kumpara sa ibang eskwelahan, and that's why they get teased all the time. Noong una, nagkakahiyaan sila. Nang lumaon ay mas nanaig ang pagiging magkaibigan nila kaysa sa hiya mula sa panunudyo ng lahat.
Hindi ko namalayan na nakabalik na si Jerry dala ang order namin at narinig ko na lang ang boses n'ya.
"O, ubusin mo lahat 'yan ha." Nilapag n'ya sa harap ko ang inumin at pagkain at nang makaupo ay sinipat ako. "Buti hindi ka tumataba, ang hilig mo pa naman sa matamis," komento n'ya. Parang nangingisay pa s'ya nang sabihin ang 'matamis'.
Umismid ako sa kanya. "Sus naman! Nagsalita ang hindi mahilig sa matamis? Mabuti nga at nagpupunta ka sa gym, kung hindi para kang butete ngayon."
Sa halip na ma-offend, tumawa pa s'ya. "Ang katawan kong ito na pinagnanasaan ng lahat?" tanong n'ya sa akin at nagawa pa talagang kumindat.
Gusto ko ng sabihin sa kanya na isa akong sa mga babaeng 'yon. Ang advantage ko lang ay magkaibigan kami. At the same time -- it is a disadvantage. Ang ma-friendzone ay hindi biro.
Sa halip, inasar ko s'ya lalo. "Ay ang gaan ng bangko. Buhat na buhat e kahit isang hintuturo lang ang gamitin.”
That's when he put his arms around me and said, "Bakit? Pangit ba ako? Immune ka sa akin?" His face came closer at para akong nanigas sa kinauupuan ko. Nahirap din akong huminga. "Kung hindi lang tayo magkaibigan, iisipin kong nagseselos ka sa mga babaeng nagpapapansin sa akin ngayon." He stared at me for a second, at saka uminom ng Java chip. Kinagatan na naman n'ya ang loaf ko.
Para makawala sa kung anong mahika na mayroon s'ya, pinilit kong ibahin ang usapan. "Seryoso Jericho? Talagang kinagatan mo pa rin 'yong tinapay ko?"