JERRY It's Saturday. Ang bilis ng oras at weekend na kaagad. Natutulog pa si Anne dahil wala akong naririnig na kaluskos mula sa kwarto n'ya. Anyway, I woke up early today dahil maaga akong nakatulog kagabi. Dahil na rin sa pagod sa b'yahe at pamamasyal namin kahapon. Now I feel brand new. Nang tingnan ko ang wall clock ay pasado alas sais lang ng umaga. Nagshower muna ako ng mabilis at nang makabihis ay tinungo ko ang kusina. I want to make our breakfast. Unang breakfast namin ito bilang isang couple. Inuna ko ang kape. Routine ko na ito sa bahay na pagkagising ay kape kaagad ang laman ng sikmura ko. Some people say it's not good for the stomach dahil ng acid, but at the same time -- wala naman sigurong masama basta hindi sobra. I need it para magising ang diwa ko mula sa caffeine. Ang