SA naisip niyang iyon ay mabilis na natigilan si Portia. Hindi ba at iyon ang iniiwasan niya? Ang umibig at tuluyang mahulog sa binata? Dahil ayaw niyang masaktan? Pero bakit ganito? Bakit ngayon iyon na ang iniisip niya? Bakit iba na ang iniisip niya at iyon ay ang mga dapat niyang gawin kung sakaling magkaroon sila ng problema ni Vincent sa hinaharap? Kasi hindi mo lang inaamin sa sarili mo pero ang totoo in love ka naman talaga sa kanya! Ang sigaw sa kaniya ng kabilang bahagi ng isipan niya. Mabilis niyang inialis ang alalahaning iyon sa kaniyang isipan. Kasabay iyon ng muling pag-angkin ng binata sa kaniyang mga labi na naging dahilan kaya siya muling napapikit at parang nawala sa kaniyang sarili. "Baby," anas ni Vincent na dinama pa muna ang kaniyang lower lip bago iyon muling i