AGAD na nag-init ang mukha ni Portia sa narinig. “T-Thank you,” aniyang napangiti. “bakit ka nandito? may kailangan ka ba? Saka wala akong natatandaan na tinawagan kita para puntahan mo ako dito?” muli niyang tanong kay Vincent na hanggang ngayon ay nanatiling nakatitig sa kaniyang mukha. Nakakatawa man kung iisipin pero hindi naman bago sa kaniya ang ganoon. Kaya hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit ganito nalang ang palaging nararamdaman niya tuwing tinititigan siya ng binata? Nagsimula lang naman ito nang gabing yayain ito ng tiyahin niyang mag-dinner na kanila. At kung nangyari ang hapunan na iyon hindi sana sila nagkaroon ng chance ng binata para makapag-usap. Hindi sana sila nagkaroon ng chance para magpalitan ng cellphone number. Sa huling naisip ay wala sa loob na na