KATULAD nang sinabi niya kay Vincent kagabi, hindi niya kakayanin ang bumangon para ipaghanda ito ng almusal dahil sa matinding pagod na nararamdaman niya. Kaya muli ay ito ang naghanda ng pagkain na pagsasaluhan nilang dalawa. "Gusto mo bang mamasyal pagkatapos nating mag-agahan?" tanong sa kaniya ng asawa niya habang kumakain sila. Sa narinig niyang iyon ay mabilis na nakaramdam ng exicitement si Portia. Sa totoo lang, mula nang maikasal sila ay hindi pa sila nagkakaroon ng chance na mag-shopping o kaya naman ay kahit mamasyal ng magkasama. "Sige," sagot niyang hindi napigilang mahaluan ng matinding excitement ang kaniyang tono. Ngumiti doon si Vincent. Late lunch na nang matapos sila ni Vincent sa pamamasyal kaya naman hindi na siya tumanggi nang yayain siya nitong kumain sa isang