MABILIS ang naming paglipas ng mga araw. Katulad nang inasahan, nang matapos ang honeymoon nila ni Vincent ay sa condo na ng kaniyang asawa siya tumuloy. Pero hindi naman pinatagal ni Portia bago niya pinuntahan upang dalawin ang tiyahin niyang si Cecil. Expected na niya na magiging malamig ang pakikitungo nito sa kanila ng asawa niya dahil nga hindi ito sang-ayon sa padalusdalos na ginawa niyang pagpapakasal. Pero sa pagkakataong ito ay matamis na ngiti ang naging pagsalubong nito sa kanila. Bagay na alam niyang hindi lang siya ang matuwa kundi pati narin si Vincent. “Dumaan siya dito nung araw ng kasal mo, hindi ko na nga lang maalala kung gabi o hapon, pero pagkatapos noon ay hindi ko na siya nakita ulit,” nasa kusina siya noon at tinutulungan ang Tita Cecil niya sa paghahanda ng mesa