"GANOON nalang ba iyon? Pagkatapos ng lahat ganoon nalang kabilis na itatapon ninyo ang lahat?" ang hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Stephen nang gabing iyon rin at pinuntahan niya ito sa bahay nito. Mapait na natawa si Vincent saka muling sinaid ang laman na alak ng kaniyang baso saka nagsalin ng panibago. "Hindi ko rin alam kung bakit umabot sa ganito ang lahat," aniyang mapait na muling inilapit ang baso sa bibig niya. "Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, siguro naikwento narin sa'yo ni Zaida ang totoo? Na magkapatid sila sa ama," aniyang muling inubos ang laman ng kaniyang baso. Tumango si Stephen. "Pero Vincent, mag-asawa na kayo ni Portia, saka sa nakikita ko sa'yo mukhang mahal na mahal mo siya. Kaya sana huwag mo siyang pakawalan. Huwag mong ibigay ang annulment n