KABANATA 40 "PANININDIGAN KITA"

1163 Words

"HINDI ba parang hindi naman tama ang ganoon? Magpapakasal kami dahil lang may nangyayari sa amin?" tanong niya kay Tracy kapagkuwan. Nagkibit ng balikat nito ang kausap niya bago sumubo ng pagkain at nagsalita. "Para sa akin, iyon ang mas magandang gawin. Payong kaibigan lang okay?" anito pa sa kaniya kapagkuwan. Natigilan si Portia sa sinabing iyon ni Tracy.  Ano nga kaya kung ganoon niya? Tutal willing naman si Vincent na pakasalan siya?  ***** NAKA-SCHEDULE na ang oras ng pagsundo ni Vincent kay Portia kaya naman bago iyon ay minabuti na muna ng binata na magluto ng kakainin nila para sa hapunan. Alam niyang masyado pang maaga pero pwede naman nilang initin ang mga iyon kung sakali sa microwave. Ang importante hindi malipasan ang dalaga dahil tiyak na gutom na gutom ito pag-uwi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD