“WALA ka namang pasok ngayon, bakit ang aga mong nagising?” puna sa kanya ni Tita Cecil araw ng Sabado at inabutan niya itong nagkakape sa kusina. Nang maalala ang dahilan kung bakit ay wala sa loob siyang napangiti saka sinimulang magtimpla ng kape. “Darating po kasi si Vince, dito siya manananghalian kaya kailangan ko naring mag-ready,” aniyang dumulog sa mesa nang nakangiti parin. Hindi niya gustong ipakita ang ganoong emosyon sa kanyang tiyahin pero hindi mapigilan ng dalaga. Kinikilig talaga siya lalo na nang maalala ang sinabi sa kaniya kagabi ng binata na plano talaga nito ang paibigin siya. Pabiro man ang pagkakasabi, hindi parin niya mapigilan ang sariling paniwalaan na totoo iyon. Hindi niya magawang kumbinsihin ang sarili niyang wala lang kay Vincent ang sinabi nito dahil pi