Chapter Three

1908 Words
Chapter 3 Umakyat ako sa may rooftop ng bahay namin habang dinadama ang hangin na pumapalo sa balat ko. Hindi ko inisip na gagawin na agad to ni Kev, dati gustong-gusto ko na talagang pakasalan siya para wala nang masabi sila mum and dad pero ngayon na may singsing na siyang binigay at announced na sa lahat ng kaklase ko at co-workers ko ay mas lalo akong kinakabahan. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at tinignan ko ito, may mga chat sa akin. Celeste Golbach: Ellaaaaaa!!!!! Baby girl! Engaged ka na! Congrats! Anong feeling? Nangiti ako sa chat niya at saka tinignan ko na naman ang isa pang chat head. Ica Serrano: Congrats be! Engaged na kayo ni Fafa Kev! Hihi. Talaga nga naman. Ang daming chat heads na lumabas pa sa phone ko. Feri Caleb: Babee! Congrats! Abay ako ha. Mwah! Si Feri. Nakakainis din ang isang 'to e. Nakakamiss pala siya, wala kasi siya nasa America, nag-get together sila ng family niya. Julie Vasquez: Hi pretty! Congrats pala sa inyo, finally kayo rin pala sa huli. Natan Liaz: Congrats Ella. :) Bakit naman kaya nagmessage ang isang 'to? Si Natan kasi ay naging kaibigan ko rin noon sa college. Masaya siyang kasama kaya lang nahiwalay siya nang lumipat siya ng school sa UP. And finally, isang chat head na lang ang hindi nabubuksan at kilala ko ang may profile pic na 'to. It was Doyle's profile picture. I'm sure na siya ang nag-message sa akin. Binuksan ko ito at saka ako huminga ng malalim. Vosch Doyle Brockk: Finally, you said yes. What I'm gonna do for my life now? Bye Ella. Hopefully you have a happy marriage with that guy. Yan ang nasa mensahe niya at agad akong nakaramdam ng konsensiya. Ang hirap. Bakit niya ba ako ginaganito? Biglang may yumakap sa akin mula sa likuran ko at napasinghap ako. "Are you happy? Why are you checking your phone?" Boses ni Kev ang narinig kong bumubulong ng mapang-akit sa tenga ko. Agad kong tinago ang phone ko sa bulsa at saka hinawakan ang kamay niya na nakalagay sa bewang ko at nakapulupot sa tiyan ko. I nod. "Of course I'm happy. I was checking my phone kasi binabasa ko ang chat nila sa akin. They are congratulating me kasi engaged na daw ako sayo." Kinagat niya ang earlobe ko kaya nakiliti ako. "I am blessed to have you in my life, Ella. Gusto ko na tayo na lang hanggang sa huli. Tayo pa rin." Then he kissed my cheek. "I love you and I'm thankful to have you in my life. Masaya ako kasi nandiyan ka palagi." Hinalikan ko rin siya pero smack lang. Tahimik kaming tumingin sa baba ng rooftop. We're seeing the city lights. Siyudad kasi ang kinatatayuan ng bahay namin. "In this city, we will build our family. Gusto ko marami tayong anak para masaya. Dapat isang dosena." Natawa ako sa sinabi niya. Para kasing seryoso siya. "Babe, I can't carry twelve babies. Ang hirap kayang magbuntis." Reklamo ko at pinisil ang pisngi niya. "Ah basta, dose. Twelve ang magiging anak natin." "Ang dami naman, e di losyang na ako doon. Papangit ako." Giit ko at hinalik-halikan niya ang leeg ko. "Kahit pa malosyang ka na, kahit pa pumangit ka na, at kahit pa tumanda ka na, hinding-hindi magbabago ang pagtingin ko sayo. Mahal na mahal kita, Vanzella Honsani and soon to be Vanzella Honsani-Parkins. Bagay na bagay sayo ang apelyedo ko, babe." He said while nibbling my cheek at alam kong nag-iiwan siya doon ng marka. Nakaramdam ako ng init sa mukha ko at nakita ko kung gaano siya seryoso sa mga sinasabi niya. "Baby, tara na sa baba at baka mauwi pa ito sa kung ano-ano." Pag-iiba ko ng aura kasi lumalalim na ang halik niya. Bumaba na kami at nakisalamuha sa mga tao sa garden ng bahay. We talked a lot lalo na sa college friends ko. Mum and dad used to have chitchats with their business colleagues. Hawak-hawak lang ni Kev ang kamay ko habang nakikipag-usap siya sa mga kaibigan namin samantalang ako ay hinahanap ng paningin ko siya. Umuwi na kaya siya? We need to talk and clarify things between us. "Right, babe?" Nagising ako sa realidad sa tanong ni Kev habang nakangiti sa akin ng matamis. "Ye-yes." I stuttered. Hindi ko naman kasi alam yong tinatanong niya. Nagsitawanan silang lahat samantalang ako ay nagtataka. "You heard it right? Mahal na mahal namin ang isa't-isa." Kev clears at nakipag-high five siya kina Stephen at Colby, our college buddies. "Nasaan pala sila Sara at Doyle?" Bulalas ko. Tumahimik ang tawanan nila at napunta ang atensiyon nila sa akin. "Mukhang nag-away yata sila." -Ica. "Oo kaya nagyaya na si Sara na umuwi." -Julie. "LQ siguro." -Bulalas naman ni Natan. "O-okay." I sighed. "Oy! Thanks nga pala sa message niyo sa akin kanina sa messenger ha, pamessage message pa kayo e nandito rin lang naman kayo." Pag-iiba ko ng usapan. Tumawa silang lahat at saka nag-inuman na rin sila. Hindi ko rin makakalimutan ang mga 'to, sila kasi ang naging part ng college life ko kaya ang saya-saya ko. We are college buddies, ang lungkot nga lang kasi wala ang mga bestfriend ko, si Celeste busy 'yon sa racing career niya samantalang si Feri naman ay nandoon kasama ang dad at kuya niya na si Saic, they're having family bonding. Natapos ang party at inayos na ng organizer ang lahat sa may garden. Dito na rin natulog ang family ni Kev at si Kev. Syempre, magkatabi kami ni Kev lalo na ngayon at alam nilang engaged na kami at may tiwala na si mum and dad sa kanya. Kung alam lang nila mum and dad na gabi-gabi kaming nagmimilagro ni Kev dati pa lang siguro nabugbog na siya ni dad. Mabuti nga at maingat kami ng fiancee ko. The other day we will spend time together at our hacienda in Pangasinan at nandito kami ni Kev sa iisang kotse samantalang nandoon sila mum at dad sa isa pang kotse at may mga kasama pa raw kami. Sila mum and dad kasi ang nagyaya sa pagpunta namin sa hacienda. Mukhang magiging masaya ito kasi marami kami. Party na rin daw kasi malapit na kaming ikasal. Hindi nga pala kami ang nagset ng date ng kasal namin, ang mga parents namin ang nagplano para daw mas maayos at makapagrelax lang kami ni Kev. "Ano kayang date ng kasal natin, babe?" Tanong ko kay Kev habang nagdadrive siya at tutok na tutok ang tingin nito sa daan. "Sila dad daw ang magsasabi mamaya sa atin. They will announce later." He said not looking at me. "Well," Niyakap ko siya at saka ko hinalikan ang leeg niya. Gusto ko lang kasi siyang lambingin. "they will know what suits best." I continued. Naiwas niya ang katawan niya kasi medyo nakiliti siya at natawa na rin. "Ano ba babe, I'm driving." He giggles. Kinagat-kagat ko ang tenga niya at saka hinalik-halikan ko ang leeg niya. "Babe. I can't concentrate, please." He begs while patting my back. Mas lalo ko lang inilapit ang mukha ko sa mukha niya at ang katawan ko. Nilalamig kasi ako dahil nakabukas ang aircon. "Babe, ikakasal na tayo, dapat akin ka lang, sayo lang ako tapos madami tayong gagawin." Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam pero gusto ko lang siyang lambingin ngayon. "Oo naman, babe. Sayo lang ako at ikaw ay akin. Ano bang gusto mong gawin natin?" He chuckled. Ano nga ba? Bigla naman siyang natawa at hinawakan ang kanang dibdib ko. "Babe, iba 'yang iniisip mo." Saway ko. Tumawa pa siya. "Ano pa nga bang gagawin natin? Syempre gagawa ng baby." He laughs. "Ikaw talaga ah! Hmm." At binatukan ko siya. Sa buong biyahe ay yakap-yakap ko lang siya hanggang sa makatulog ako. Nagising na lang ako nang nasa loob na kami ng hacienda. Mas namangha ako sa ganda ng hacienda, ilang taon na rin kasi akong hindi na nakakabisita dito at mas gumanda nga sa renovation ni daddy last year. Dati tatlo lang ang kubo ngayon ay higit sampo na. Sobrang luwang kasi dito at napakapresko ng hangin dahil pinalilibutan ito ng tanim. Iginiya ko ang tingin sa mga baka at nandoon sila sa may gilid, ang mga kabayo siguro ay nasa kulungan. Ang mga panauhin dito sa hacienda ay masayang naghahanda ng mga niluto nilang litson, mga pagkain na masasarap at ang pinakapaborito ko dito sa Pangasinan na Pinakbet with matching bunga ng malunggay. Ang sarap kasi noon. Nagsidatingan na rin ang sasakyan na kasunod namin at doon bumaba sina mum, dad at mommy Livia at daddy Maki. Sobrang saya nila at namangha din sila sa ganda ng hacienda. Nagsidatingan pa ang isang kotse at bumaba doon sila Feri at Celeste! Oh my gosh! Nandito ang magaganda kong bestfriend. Buti at sumama sila. Lumapit agad ako sa kanila at nagsiyakapan kami na parang mga baliw at nagtatatalon sa kawalan. "Yes! Yes! Yes! Yes! Yes!" We cheer up. Ganito kasi kami kapag nagkikita-kita. Nahiwalay kami sa pagkakayakap nang may dumating na isa pang kotse. Huminto ito sa tapat namin at lumabas si Sara sa front seat at bumukas din ang pintuan ng driver at si Doyle ang lumabas. Biglang naguho ang masaya kong mundo. Akala ko hindi siya kasama? Akala ko wala siya? Akala ko okay na siya? Bakit nandito pa siya? Nagkatinginan kaming tatlo at ang mga mata ng bestfriend ko ay tinatanong kung ako ba ang nag-imbita sa kanila dito. Umiling lang ako at saka bumalik sa nakangiting mukha ni Doyle. He is wearing his usual gray polo shirt and fitted jeans. Inalis niya ang rayban niya at nilibot ang tingin sa hacienda. Mula sa pagtingin niya sa paligid ay inalalayan niya si Sara at hinawakan ang bewang nito. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib at saka biglang napunta sa akin ang tingin niya kaya agad akong umiwas pero binalikan ko ulit siya ng tingin at ngayo'y seryoso siyang nakatingin sa akin. Checking all through my body. "Hey beautiful ladies!" Nagising ako sa huwisyo nang lumapit sa amin si Kev at inakbayan ako. Hinalikan niya rin ang dalawa sa cheek at ako naman ay sa labi pero smack lang. "Kev! You got this gorgeous lady, finally! Congrats!" Feri cheer up. "Thank you!" Masayang sabi ni Kev. Si Celeste naman ay ngumiti lang at saka nagpunta si Sara sa pwesto namin galing kila mommy kasunod niya si Doyle. Napayuko ako. "Dude, akala ko hindi kayo makakapunta dito?" Tanong ni Kev kay Doyle. Naghigh five pa silang dalawa. Are their closure gets back together? "Si Sara kasi, mapilit e. Right babe?" And he kissed Sara in the cheek. "Gusto ko kasi at hindi ko naman matanggihan sila tita tsaka may sasabihin daw si tito Ivan kay Doyle ko." She added. E di wow, tumitito. Feeling close naman kay daddy. Tito Ivan kasi ang tawag niya kay daddy ko. Nakakairita ang babaeng ito. Mukhang hindi yata sasaya ang bakasyon namin dito sa hacienda. "Hindi ka na lang sana sumama." I whimpered pero nagulat ako nang marinig nilang lahat at tumahimik sila. "Babe." Saway sa akin ni Kev. Sara frowned a fake smile on her face while I'm seeing pain in Doyle's eyes. "It's okay and besides may part rin naman kami dito." She blurts out. "Do we have problem in here, Ella?" A deep serious voice comes out from Doyle's mouth. Okay. Here we go again. Arguing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD