Chapter Two

2167 Words
Chapter 2 "Good evening! Oh my gosh! Look at these two cute couple!" Bati sa amin ni Sara sabay yakap sa akin at nakipagbeso kay Kev samantalang pagtingin ko sa gilid ay masamang nakatingin sa akin si Doyle. I don't know pero kinakabahan ako sa tingin niya. Nandito kasi kami ngayon sa bahay ni Sara kasama ko na naman si Kev kasi welcome party ni Doyle sa pagdating niya galing din sa New York. At nandito siya sa akin ngayon, ang lagkit ng tingin niya na akala mo'y matutunaw na ako. "Thank you." Kev speaks then grab my hand. Hinila naman ni Sara si Doyle at saka kumapit ang kamay niya sa braso nito. "Hindi mo ba sila i-wewelcome babe? Kanina ka pa kasi tahimik e, baka mamaya niyan mapanis pa laway mo." At tumawa siya kasabay rin ng pagtawa namin ni Kev. Mula sa peripheral vision ko ay nakikita ko ang mga mata ni Doyle na nakatingin pa rin sa akin. "Pagod lang siguro ako babe sa byahe kaya wala akong lakas makipagkulitan sa inyo ngayon. Di bale, bro, mag-inom na lang tayo kapag nakabawi na ang katawan ko." Sabi niya kay Kev at saka niya hinawakan ang balikat nito at ngumiti. Tumango lang si Kev sa kanya. Looking at these two guys in front of me, close talaga kami nila Doyle noong college kami pero bigla na lang parang umiwas si Doyle sa akin nang malaman niya na naging kami ni Kev. "Babe, can we go?" Tanong niya kay Sara at hinalikan niya ito sa pisngi. Hindi ko matanto pero naiirita ako sa nakikita ko. Yumuko na lang ako at hinwakan ko ang kamay ni Kev. Tumango si Sara at nagpaalam muna sila sa amin at umalis na sa harapan namin habang kami naman ni Kev ay nandito pa rin sa table kung saan dito kami in-offer ni Sara pagkarating namin dito kanina. "You okay?" Bakas sa mukha ni Kev ang pag-aalala. "I'm alright." Simula kasi nang tumawag sa akin kaninang madaling araw ni Sara ay hindi na ako nakatulog. Nalaman ko kasi na nagbalik na siya dito sa pinas at ayoko namang alalahanin pa iyon. Gusto ko na talaga siyang kalimutan pero ito pa rin siya bumabalik at bumabalik sa buhay ko. "Gusto mo na bang umuwi? Magpapaalam na ako." Sinabi pa niya saka pinapakiramdaman ang noo ko at saka inaalo ang likod ko. "Okay lang talaga ako." Tutol ko. "Hev Kev! It's you?!" Bigla kaming nagulat sa tawag ng isang lalaki sa harapan namin. He's in his formal attire. Sa pagkakaalam ko naging kaklase siguro ni Kev dati. Nagpaalam na lang si Kev sa akin at iniwan niya na lang ako dito sa table namin. I sighed. Paano ko ba haharapin si Doyle? Tumayo ako para magpunta sa comfort room ng bahay ni Sara. Since matagal naman na ako dito ay alam ko na kung nasaan ang banyo. Medyo malaki kasi itong bahay ni Sara at matatawag mo na mansion, well kung nagtataka kayo, regalo ito sa kanya ng daddy niya na business man na business partner ng daddy ko. My daddy didn't spoil me kaya sarili ko ang pinapakain ko ngayon, sarili ko ang bumubuhay sa sarili ko kasi nagtatrabaho ako sa binigay na posisyon sa akin ni dad sa company namin. Ayaw na ayaw niya talaga akong palakihin sa luho pero si mum naman ay lagi akong inaalala at binibigyan ng mga pangangailangan ko. That's why I love their perfect relationship, isang mabait at isang istrikto. Nang makarating ako sa banyo ay nakita ko si Doyle kaya nagtago ako sa likod pero huli na ang lahat nang hilahin niya ako sa loob at takpan niya ang bibig ko. "Sshhhh." Sabi pa niya at saka kami pumasok sa loob. Maluwang ang CR at walang tao kundi kami lang dalawa. Binitawan niya na rin ako saka niya ako tinitigan. "Doyle baka maki--" "I miss you so much!" At bigla niya akong niyakap ng napakahigpit. Hindi na lang ako makagalaw at niyakap siya pabalik. Namiss ko rin naman siya, ang mga yakap niya, lahat, lahat ng tungkol sa kanya. Humiwalay din naman siya sa akin at saka hinawakan ang mukha ko at ngumiti. "Hindi mo ba alam na gustong-gusto kong umuwi para lang makita ka at mayakap ka? Ang tagal kong hinintay ito." Nakangiti niyang sabi sa akin. "I'm sorry Doyle pero hindi tama 'to." Iwas ko sa kanya. Tumingin ako sa baba at saka niya naman inangat ang mukha ko nang may pagtataka at halong kalungkutan. "No. Sabi mo sa akin na tatanggapin mo ako kapag bumalik ako dito, that's why I'm here, I'm here for you." "Pero si Sara at si Kev. Paano sila?" Hindi siya nakaimik sa tanong ko, bagkus humiwalay na lang ako at naupo sa sink. "Bakit ka pala nandito?" Natanong niya. "Umalis kasi si Kev kasama yung barkada niya kaya naiwan ako sa table namin. Nasaan si Sara?" Pag-iiba ko. "Nandoon sa friends niya." Tipid niyang sabi at nilapitan ako at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Mahal mo ba talaga siya?" Tanong niya sa akin ng direkta. Naiinis ako sa kanya. Para kasing kinokonsensya niya ako. Hindi na lang ako umimik at saka niya nasuntok ang pader na ikinagulat ko. "f**k! Ayoko na!" Mura niya pa sabay suntok sa pader. "I'm sorry. Mali kasi ito." Sabi ko pa saka na ako umalis sa CR. Rinig ko pa ang malakas niyang mura nang makaalis ako at agad kong hinanap si Kev. "Babe umuwi na tayo, tara." Yaya ko sa kanya sabay hila ko sa suit niya. Hindi ko na siya pinagpaalam sa mga kausap niya. Bastos na kung bastos, wala lang talaga ako sa mood makipagplastikan sa mga babaeng kaibigan ni Sara dito. Lahat naman kasi sila plastik e. Nang nasa kotse na kami ay tinitigan niya ako. "Okay lang talaga ang babe ko? O baka naman may dinaramdam ka? Kanina ka pa kasi wala sa mood." Puna niya at saka pinaandar ang kotse. "Okay lang ako, meron kasi ako ngayon." Pagsisinungaling ko. Tumango na lang siya at hinawakan ang kamay ko. Nagpapasalamat talaga ako kasi nandito siya sa akin palagi, pero nakokonsensya ako sa kanya. Kung bakit kasi siya pa? Agad akong natulog pagkarating namin sa condo. Dalawang araw matapos ang pagbabalik ni Doyle dito sa pinas ay hindi na lang ako nakikialam sa kanya. Nagtatrabaho ako sa company namin habang si Kev ay nagtatrabaho rin sa kompanya nila. May sari-sarili kaming mundo. I am going to have these documents to photocopy sa ground floor nang biglang nag-ring ang phone ko. I saw my boyfriend's name. "Yes babe?" I greet. "Uuwi ka ba sa bahay niyo? Sabi sa akin ni mum umuwi ka raw kasi may pag-uusapan kayo. Hindi ka raw niya kasi macontact at ako na lang ang tinawagan niya para ipaalam sayo." "Okay babe. I'm gonna miss you. Ano naman kayang pag-uusapan namin ni mum? By the way babe, thanks for informing me. I love you." Sabi ko ng nakangiti. "I love you, too." Sagot niya at saka binaba na. Bastos na lalaki. Siguro busy lang kaya ganoon. Kung nagtataka kayo, mum rin ang tawag ni Kev kay mum kasi they're very close and we are in a legal relationship that's why I'm thankful. Ginawa ko na ang lahat ng trabaho ko sa company. Nang pauwi na ay tinatawagan ko si Kev kaso hindi naman sumasagot, siguro busy lang siya. Gusto ko kasing magpahatid sa bahay namin pero hindi na, magtataxi na lang ako. "Mum, dad! I'm here!" Pagkarating ko sa bahay ay laking gulat ko nang sarado at patay lahat ng ilaw kaya nagfocus agad ang mga mata ko sa dilim. Walang tao pero bukas itong main door, hindi kaya? Bigla na lang akong kinabahan. Paano nga kaya kung ninakawan na kami at pingapapatay na sila mum? Nako. Huwag naman po. Pumasok ako sa loob at may naapakan ang heels ko at kaagad na nagbukas ang lahat ng ilaw na nagpamangha sa akin. Wow! Ang ganda! Lahat ng bahay may ilaw. Ang ganda. Ang romantic. May mga kandila kasi na nakapalibot at nakasindi sa gilid ng dadaanan ko. May red carpet na inulanan ang paligid ng petals of red and pink roses. Oh my gosh! I couldn't believe this! Sila mum and dad na masayang nakatingin sa akin at inaabutan ako ng pink rose na siyang paborito ko. Nandito rin ang mga kaibigan ko noong college at mga close friends ko noong high school. Ano na naman kaya ito? "Mum, what is this all about? Bakit may ganito kayo?" Tanong ko sa kanila. Hindi naman sila sumagot at nakangiti na naluluha na sa akin. Nagsimula na ring tumugtog ang violin sa gilid at ang paghatid sa akin ng mga kaibigan ko ng bulaklak. "A-Ano 'to?" Tanong ko nang si Sara na ang nagbibigay sa akin. "I'm happy for you, sana maranasan ko rin 'yan." At umalis na siya. Hindi ko sila maintindihan. Ano ba 'to? Natapos ang kakabigay nila ng bulaklak at laking gulat ko nang lumabas siya sa pintuan ng guess room namin, may dala-dalang isang bouquet ng pink roses. Naghihiyawan na ang mga tao sa paligid habang ang puso ko ay kumakarera sa bilis ng t***k. Kinakabahan ako na parang naiihi. Ano ba 'to? Bakit ngayon pa? "Ke-Kev?" Nagtataka ko pa ring tanong. "It's for you." Saka niya inabot sa akin ang bouquet. "Thank you. Para saan pala 'to" Then he kissed my cheek. Yayakapin ko pa lang sana siya pero bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Mas lumakas ang hiyawan ng tao. "Babe, I want you to know that I want to spend the rest of my life with you, 'cause I love you so much." He started. Napapaluha at napapatakip na lang ako sa mukha ko. Ano ba naman 'yan? Ngayon niya pa gagawin na ganito ang hitsura ko, haggard na nga ang baho pa. Akala ko kasi sila mum lang ang kakausapin ko ngayon, pati pala yung mga kaibigan namin dati. "Babe?" Mas lalo akong nagtaka nang may kinuha siya sa bulsa niya. Napanganga at napatakip na lang ako sa bibig ko nang makita ko ang ring box habang binubuksan niya ito at nakita ko ang infinity-designed ring sa loob. May mga dazzling diamond pa. "So babe, will you be mine 'till our last breath? Will you marry me?" He asked while keeping his handsome smile on my face. Pinalo ko siya ng mahina sa braso. "Ang daya-daya mo naman. Hindi ako nakapaghanda dito, kita mo oh ang pangit ko, nakakahiya." At nagsitawanan ang mga tao. Napakamot na lang siya sa ulo niya. "But for now, I wanna say yes! Oo! I wanna stay with you for the rest of my life." Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid saka niya sinuot sa akin ang singsing at tumayo na at niyakap ako habang tumatalon-talon kami sa saya. No hesitations, I love Kev and he loves me. Kaya masaya na ako ngayon. "Congratulations, sweetie." At niyakap kami ni mum and dad. Even his parents na sina mommy Livia at si dad Maki ay sumama rin sa yakapan namin. "Paano ba 'yan? Kelan ang kasal?" Biro ni dad Maki sa amin. "Dad naman, saka na muna." Kev answered and held my hand. Our family is so close to each and other. Bukod pa sa mga business partners namin ay close friend din nila mum and dad ang parents ni Kev. Ang ganda ng gabi ko. Masaya at di ko inakalang magpopropose sa akin si Kev ngayon. Akala ko pagagalitan na naman ako ni mum pero hindi pala. Tanggap na nila na kami talaga hanggang sa huli. Matapos ang kasayahan ay nagharap-harap kami sa pagkain. Naupo na ako sa tabi ni Kev pero nang mapadako ang tingin ko kay Sara ay nandito rin pala si Doyle. But this time nakatitig siya sa akin ng masama na para bang may ginawa akong mali sa kanya kaya iniwas ko na lang ang tingin ko. I was taken aback when my mum asked Sara kaya napunta ang atensyon namin sa kanila. "You darling, kelan ang engagement niyo?" Tanong ni mum. "Actually Doyle's planning to do it pero wala pa raw siyang time. We're busy kasi tita sa pagtatayo ng sarili naming condo para paupahan, for business purpose." Tumaas ang kilay ko sa nalaman ko. Well, nobody is busy, it's a matter of fact that he is busy with something and you're not his priority. Natawa na lang ako sa iniisip ko. Busy siya kasi hindi ka niya priority. "Well, interesting idea Sara." "Opo tita, right baby?" At nagpabebe siya kay Doyle. "Yes, baby. Maybe someday, I will marry the girl that I love the most in my life." Sagot niya kay Sara at makahulugang tumingin sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at tinuloy ko ang pagkain ko. Naiilang talaga ako kapag nandiyan siya. "Of course baby, and I know, that is me." Sagot ni Sara sa kanya. Nag-excuse ako at nagpunta sa CR. Hindi ko alam, naiirita lang talaga ako. How can I face them?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD