Kabanata 5

1938 Words
Red spot "Dash, may maliit na pusa!" Mula sa pagkakatao'y umupo ako para makuha ang pusa at dalhin siya sa mga bisig ko. "Annalise, pasok na tayo!" rinig ko ang malakas na sigaw ni Dash mula sa malayo. Napanguso ako. "Halika ka rito! May pusa akong nakita!" From afar, I saw my best friend roll his eyes and shake his head in disbelief. Suot ang puting uniform namin ay naglakad siya papunta sa'kin. I looked at the cat again. "Ming-ming, I'm going to save you, okay?" "Halika na Annalise at male-late tayo sa school!" I pouted my lips as I looked at Dash. Nakatayo siya kaya tumayo rin ako at pinakakita sa kanya ang pusa. Ngumuso ako sa kaibigan. "Kawawa naman 'tong pusa kung iiwan natin dito," ani ko. "Ang dumi-dumi niyan! Look at your uniform now! May putik na!" I glared at him. "Magbabago na lang ako uniform ko. Lalagay ko lang siya sa safe na lugar bago tayo umalis." Muli akong tumingin sa kuting na hindi na mabuksan ang mga mata nito dahil sa dumi. My uniform got stained too because of it. "Maghahanap ako ng maliit na karton at ako nang bahala diyan. Umuwi ka muna at magpalit ng blouse." My smile grew. "Thank you!" He snorted. "Go now… we'll be late." Mabilis akong tumango at mabilis na sinunod ang sinabi niya. Binigay ko sa kanya ang pusa bago tumakbo papunta sa bahay namin. "Anak, bakit ang putik agad ang uniform?" tanong ni Mommy ng makapasok ako sa bahay namin. I just smile at her. "May tinulungan po kami ni Dash na pusa sa labas." "Change your uniform again… Annalise, It's already eleven o'clock! Dapat nasa school na kayo!" "Yes po, Mommy!" Mabilis akong umakyat sa kwarto ko para magpalit ng bagong blouse. After I changed my blouse, I ran again. Naabutan ko si Dash na may dalang hindi gaanong kalaki na karton. Agad akong tumakbo papunta sa kanila. My smile grew when I saw the little cat inside the box. "Diyan muna natin siya ilagay tapos mamaya pagdating na natin siya paliguan. Sa bahay na lang natin gawin 'yon." Sunod-sunod ang tango na ginawad ko habang nakatingin pa rin sa pusa. "Okay…" I said and patted the little cat again. "just wait here, little one, okay? We'll be back to clean you up later." "I'll just put this in our house," anang Dash. "sa van ka na maghintay sa'kin." "Okay!" Pumasok na ako sa van na pagmamay-ari ng mga Fuentes habang siya'y pumasok sa loob ng kotse niya. Ito ang lagi naming ginagamit na sasakyan tuwing papasok. Dash and I have known each other since I can remember. Talagang bata pa lang ako'y siya na ang kasama ko sa lahat. We grew up together. Magkaklase kami simula nang mag-aral kami. Hindi kami naghihiwalay sa isa't-isa. We always have each other by our side. Sa lungkot at saya, sa mga problema, paggawa ng assignment, project at pagre-review, magkasama kaming dalawa. Nakarating kami ng school na sakto lang sa oras. Magka-kaklse na naman ulit kami ngayong grade 6. Nang dumating ang teacher ay agad na inayos ang arrangements ng upuan. "Magkatabi na naman kayong dalawa!" Mrs. Anne said. "D siya at letter F naman ang apelyido ko, Ma'am. Magkatabi talaga kami ngayon," tugon ni Dash sa tabi. Our adviser just smirks. "Mas nauna pa kayo kesa sa adviser niyo na mag-ayos ng sitting arrangements." Napahalukipkip na lang kami ni Dash. Usually, magkatabi talaga kami. Since babae at lalaki ang dapat na magkatabi. wala ring may E na apelyido sa kaklase namin ngayon kaya F na agad pagkatapos ng D. Our usual day went on. Pagkatapos ng klase ay diretso kami sa bahay nila para tiningnan ang pusa. "Annalise, change your clothes first," usal ni Dash nang makarating kami sa tapat ng bahay namin. I pouted my lips. "But… let's me see it first." tukoy ko sa pusa. He just pinched my cheeks. "Magpalit ka muna. Madudumihan ka naman kung hindi ka magpapalit ng damit." "You're so bossy!" I don't have a choice but did what he says. Agad akong bumaba sa van nila at pumasok sa bahay. I immediately changed my uniform into a shorts and plain shirt. "Annalise, bumalik ka bago maghapunan!" "Yes, Mommy!" sigaw ko pabalik bago patakbo na pumunta sa bahay nila Dash. Natagpuan ko ang kaibigan na kasama na ang pusa. I smile and went to him. Kagaya ng plano ay sabay naming pinaliguan ang kuting. Nasa hardin kami nila Dash. I looked at him when I noticed his little smirks on his face. At bago pa ako maka-react tinapat na niya sa'kin 'yong hose. "Dashiell!" mariin na sigaw ko sa kanya dahil basang-basa na ako ngayon. Malakas siyang humalakhak na mas kinainis ko. This is what I hate about him. He keeps teasing and pissing me off! Tumakbo ako sa kanya para kunin ang hose na hawak ngunit mas matangkad siya sa'kin kahit magkasing edaran lang kami. "Give me that!" "No! Abutin mo muna!" I tried but I can't. Parehas na kaming basa dahil patuloy ang pag-agos ng tubig galing sa hose. Nang ma-agaw sa kanya'y agad kong tinutok sa kanya ang hose. "Blee!" pang-aasar ko sa kanya. "Nagsasayang kayo ng tubig!" Napatigil kaming dalawa sa boses ni Hank. We both saw him sitting in a chair on their veranda. Hank is Dash's brother. Tatlo silang lalaki at si Dash ang panganay habang si Ginny naman ang nag-iisang babae at bunso sa kanila. "Inggit ka lang!" Dash shouted at his brother. "Ang babata pa natin, Dash! Itigil mo 'yan!" Nagkatinginan kami ni Dash bago humalakhak ulit. "Dry yourself," aniya bago binigay sa'kin ang puting towel. "Annalise, dito ka na lang magpalit ng damit. Ginny can lend you some of her clothes," si Tita Zyska. Umiling ako. "Hindi na po, Tita. Sa bahay na lang po ako magpapalit." Dash on the other hand went closer to me. Hinawakan niya ang puting towel at siya ang nagpunas ng ulo ko. "Maligo ka agad. Baka magkasakit ka," marahan na wika niya. Napangiti ako. "Hmm… una na ako!" Kinabukasan masama ang pakiramdam ko. I woke up feeling dizzy but I don't have a fever. "Absent ka na lang kaya, Anak? Baka mapano ka sa school." si Mommy. "Hindi naman po ako nilalagnat, Mommy. Sayang po 'yong araw. Saka kakasimula pa lang ng pasukan." I'm wearing my P.E uniform now. Matamlay akong pumasok sa loob ng van nila Dash. His eyes immediately darted mine. "Are you sick?" his voice sounded worried. Umiling ako. "Masama lang ang pakiramdam ko. Masakit kasi ang tiyan ko." "Oh? Huwag ka nang pumasok? Baka may LBM ka!" Kahit na masama ang pakiramdam ay tinawaan ko siya. "LBM ka riyan! Hindi 'to LBM dahil hindi pa naman ako nagbabawas!" "Sure ka? P.E pa naman ngayon." Tumango ako. "Yes, Dash. I'll be fine. Mawawala rin 'to mamaya." Ngunit ang pananakit ng tiyan ko'y hindi nawala. Akala ko noong una tiyan lang ang masakit, hindi pala. Puson ko ang masakit! Sobrang sakit na no'n ngayon at para akong nahihilo na sa sakit! "Do you want to go to the clinic?" I heard Dash's voice as he caressed my hair. Dahan-dahan akong tumango. I guess, I should go to clinic now. It hurts so much! Ngayon lang ako nakaramdaman ng ganitong sakit sa puson! "Saan ba masakit?" nag-aalala na tanong pa niya. I pointed out my belly. "Here… it's really hurt, Dash." Tumayo siya pagkatapos. "Ma'am, masakit po ang tiyan ni Annalise. Can I take her to the clinic?" Our adviser looked at us. "Yes, you can. Gusto mo ba ng kasama?" "No, Ma'am! Kaya ko na po!" Dash immediately held my hand. Tumayo ako na hawak ang puson ko. I was about to start walking when he immediately took off his jacket and put it in my waist. Tumingin ako sa kanya. "B-bakit?" He bit his bottom lip and went closer to me. "Red spot…" he whispered. "Oh?" Umawang ang labi ko bago tumingin sa upuan ko. There's a little blood on it. Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa dugo na agad ding nawala dahil pinunasan na 'yon ni Dash gamit ang wet wipes niya. "Let's go now," he said. "tali mo 'to sa bewang mo." Hindi ako sumagot at sinunod lang ang sinabi niya. Tinali ko nang mabuti 'yong jacket niya sa bewang ko bago kami lumabas ng classroom. Today is the first time I had my period. At si Dash ang unang nakakita no'n. Hindi niya ako iniwan simula nang nasa clinic ako hanggang sa makauwi. "It's natural that it's hurts a lot since it's your first time," ani Mommy bago nilagay ang isang hot pack sa puson ko. "lagay mo lang 'to dito para kahit papaano'y maibsan ang sakit." Tumango ako at hinawakan ang hot pack. "Thanks, Mom!" She smile and kissed my cheeks. "Ang baby ko dalaga na talaga!" "Mom, I'm still your daughter." "Of course, you are! Magpahinga ka muna. And anak, better not to scratch your skin, okay? Now that you had your period, mas mag-ingat ka ngayon lalo kung dadatnan ka sa mga susunod." "Yes, Mommy… alam ko na po ang gagawin ko." "I'll just cook our dinner now. Take some rest first." Tumango akong muli bago huminga. Kahit papaano ay nawawala ang sakit dahil sa hot pack na nasa puson ko. Tumingala ako sa kisame namin at nagmumi-muni. I just had my first period and I didn't know na masakit pala talaga pag-umpisa. Napag-aralan namin 'to sa school ngunit hindi ko inaakala na masakit pala talaga. Napanguso ako nang maalala ang nangyari kanina. Dash saw my blood! Ngayon ko lang naramdaman ang hiya! "This is so embarrassing!" I whispered to myself while hugging my teddy bear. "What's embarrassing?" Napatingin ako sa nagsalita. I saw Dash walking towards me. I pouted more. "You just saw my first ever menstruation! Nakakahiya 'yon!" He chuckled and sat down beside me. "Seriously, Avianna Louise? Ngayon ka pa nahiya sa'kin? Eh, sabay tayong naliligo noong bata tayo?" humalakhak siya pagkatapos. "Heh! Mga baby pa noon!" "Kahit na! Mahiya ka kung ibang tao ang nakakita. There's nothing to be embarrassed about it. It's natural for you to have a menstruation." "Sabagay," anang ko. "anyway, thank you!" He smile sweetly. "We're friends… sino pa bang magtutulungan." I'm very lucky to have a best friend like him. Marami kami sa iisang subdivision at lagi rin namang nandiyan ang mga pinsan ko sa'kin at close naman kami ng ibang nakatira rito sa subdivision. Sadyang sa lahat ng tao, siya lang nakakilala sa'kin bukod sa pamilya ko. I always count on him and he's always there for me. "Masakit pa ba?" tanong niya pagkuwan. "Hmm-mm… pero may binigay ng hot pack sa'kin si Mommy. It lessen the pain." He tapped his lap. "'Come here… I'll massage your head." My smile grew and immediately lay down on his lap. Nakatihaya ako at kita ko ang gwapo niyang mukha. Dash looks like Tito Beau. At dahil quadruplets sila'y hindi rin nagkakaiba ang hitsura nila Hank at Finn sa kanya. Mas kamukha lang niya ang Daddy niya. A younger version of Tito Beau, to be exact. "Thanks again, Dash," I said softly. He smirks. "May bayad 'to, Annalise." I just rolled my eyes. "Fine! Ako nang gagawa ng assignment natin sa arts basta ikaw gagawa ng assignment natin sa math." Lumaki ang ngisi niya bago marahan na hinihilot ang sintido ko. "You really knows how to make a deal with me, huh?" My lips just shrug. "Ako na rin gagawa ng assignment natin sa English… get some rest." Mas napangiti ako roon bago pinikit ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD