JULIA “Ikaw ha, ay bakit kase ayaw mo pang aminin yung totoo. Ay kung betchikola mo rin iyang si Tin eh wala namang tututol. Halos lahat nga ng taong nakakausap ko tungkol sa inyo’y kayong dalawang ang shiniship eh. Ay ako nga’y may naisip ng magiging pangalan ng labtim niyo kapag nagkataon eh. Ay pagkaganda. JuTin. Ay pihadong magugustuhan iyan ng mga beking tulad ko.” kung hindi lang talaga kami makakatawag ng pansin, malamang humalakhak na ako ng bongga sa sinabi n’ya. Kinginang pangalan yan. Ano na naman kaya yung masamang elemento na pumasok dito sa utak ng pinsan ko at kung anu-ano na naman yung sinasabi n’ya. “Adik ka ba?” yun na lang yung nasabi ko dahil hindi ko din alam kung ano yung sasabihin ko sa kanya. “Saan naman nanggaling yang idea mo na yan?” dagdag ko pa. “Eh kasi