JULIA “So, sa dinami-dami ng pwede n’yong pagtambayan dahil masakit yung ulo n’yo dahil sa paglalasing n’yo kagabi, dito pa talaga sa shop ko? Minsan na nga lang kayo pumunta dito, mukha pa kayong mga suminghot ng rugby at mga lulugo-lugong unggoy!” aray ko naman. Kanina ko pa kasi sinabi dito kila Jops na sa iba na lang kami, pero nagpilit sila dito. Alam ko kasing ganito yung mangyayari dahil kilala nga namin si Klarisse. Ayan, dahil hindi sila nakinig sa amin, kanina pa kami nakakarinig ng sermon. Parang mas lalong sumakit yung ulo ko at medyo nasusuka pa ako dahil nahihilo ako sa kakapagpabalik-balik ni Klarisse sa harap namin. “Klang! Tumigil ka muna sa pagsasalita, please?! Maawa ka naman sa amin. Eto nga’t hirap na hirap na kami o!” ayan, sinubukang makiusap ni Jops. “Oo nga na