Rabi Nagising ako na may mabigat na bagay na nakapatong sa akin. Kaya tiningnan ko ito, nakita ko paa pala ni Adric ang nandun. Namamanhid na binti at balakang ko kasi mabigat paa nya, matagal na siguro nakapatong kaya naipit ang daloy ng dugo ko. Kinuha ko paa nya paalis sa akin, pero ibinalik naman ng maalimpungatan at mas lalo pa akong niyakap ng mahigpit. Feel ko maiihi na din ako kaya kailangan kong bumangon. Adric, alis ka muna, naiihi na ako. Hmmm lang ang sagot di man lang natinag. Adric, alisin mo muna paa mo, naiihi at namamanhid na paa ko. Sorry baby, good morning, how are you feeling? Tanong niya sa paos na boses halata na kagigising lang. Huh? Okay lang naman ako, bakit? Di ko maintidihan ang sinabi niya kung bakit niya tinatanong na okay ba pakiramdam ko. I mean, do yo