Chapter 1 Run-away
Rabi
Tiyo, anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Bakit ka nakahubad? Shock kong saad sa biglang pagdating ng uncle ko aking higaan.
Huwag kang maingay, nanggigil ako sayo. Kaya paisa lang, habang tulog ang tiya mo; di ko na kayang pigilan.
Sambit nya habang unti unting lumalapit sa akin, natatakot na ako sa anong kaya nyang gawin. Inosente man ako pero parang alam ko na kung ano ang kahihinatnan ko pag nagtagumpay sya.
Ano po? Tiyo wag po, huwag mong gawin yan, maawa ka sakin; paki-usap ko sa kanya na ang mukha ay naging demonya na sa paningin ko.
Sige na pahawak lang, sandali lang ito, di ko na mapigilan. Natatakot ako sa aura nya.
Maawa ka Tiyo, wag mong gawin sa akin to, pamangkin nyo ako.
Hindi kita kadugo kaya, di masama na patusin kita.
Nagsimula na nya akong hawakan sa aking kamay at katawan. Umiiyak at at umilag sa kanya, nandidiri sa kanyang ginawa.
Putang-ina naman oh, wag ka ng pumalag, ako nagpakain sayo kaya dapat lang ako ang unang makinabang.
Umiyak ako, natatakot man pero kailangan kong ipagtanggol ang sarili, kaya inipon ko ang buong lakas at tinulak sya at sumigaw ng malakas para marinig ng lahat ang sigaw ko.
Tiya, tulungan mo ako. Tulong Tiya.
Pisti ka, may araw ka rin sakin; galit niyang saad sakin at bigla umalis ang tiyo sa kwarto ko ng narinig nya boses ng tiya na nagising.
Nabulabog ang buong bahay dahil sa sigaw ko
Ano ba ayan Rabi, bakit ka sumigaw, magpatulog ka naman; galit niyang saad sakin ng dumating sa kwarto ko.
Si Tiyo po Tiya, pumasok dito sa kwarto ko at may gustong gawin sakin na masama, natatakot ako. Sumbong ko sa kanya sa nangyari.
Ano? Oh nasaan ba tiyo mo? Huwag kang gumawa ng kwento Rabi, kay bata mo pa, kaya mo ng gumawa ng ganyan.
Totoo po sinabi ko Tiya; pagsusumamo ko sa kanya para pakinggan, kasi baka sa susunod magtagumpay na si Tiyo.
Ano bang nangyayari dito? Bakit ang ingay ingay nyo? Ang tiyo nya biglang dumating, na parang wala lang sa kanya ang nangyari.
Ayan si Rabi sumigaw, kasi pumasok ka daw dito sa kwarto nya; informa nya kayTiyo.
Ano? Huwag kang gumawa ng kwento Rabi, andun lang ako sa kwarto ng tiya mo, o baka nobyo nya ang pumasok dito.
Di ako makapaniwala sa narinig, binaligtad niya ang kwento.
Hoy Rabi, huwag mo akong siraan sa Aunti mo. Bawiin mo sinasabi mo. Babe baka nagalit yan sakin kasi hindi ko binili ang hinihingi nya, kaya gusto nyang gumanti.
Paninirang saad ni Tiyo para mapagtakpan ang kawalang hiyaan nya sakin.
Ang kapal ng pagmumukha mo, sisirain mo pa kaming mag asawa, hala lumayas ka dito. Dagdag pakainin ka pa namin. Umalis kana, ayaw na kitang makita pa.
Tiya, natatakot ako gabi na; pakiusap ko sa kanya kahit bukas na ako aalis, tingin ko di na ako safe sa bahay na ito.
Pwes, wala akong pakialam, gumawa ka ng kwento, sisirain mo ang pamilya ko kaya mas mabuting wala ka dito.
Totoo naman po sinabi ko, di ako nagsisinungaling; sabi ko sa kanya habang umiiyak.
Umalis ako sa bahay ng gabing yun, bitbit ng ilang gamit.
Naglalakad sa kalaliman ng gabi. Umiiyak ako kasi di ko alam kung saan ang tungo ko, pero mas okay na ito kaysa mapahamak pa ako ng walang hiyang lalaking yun. Kaya pala minsan nakahubad sya pag-alam nya wla si Tiya, minsan sinasadya niyang ikiskis ang kanya sa katawan ko, nanantsing minsan. Yon pala man masamang balak sa akin.
Habang naglalakd ako, may trisikel na dumating at huminto. Tiningnan ko. Si Mang Doming pala, kapitbahay namin.
Oy Rabi ikaw pala yan, bakit ka naglalakad ng ganitong oras, saan ka ba patungo ?
Di ko po alam Mang Doming, baka pupunta ako ng Maynila.
Bakit naman ang layo at sa ganitong oras pa?
Pinalayas ako ng Tiya, pwede po ba kong makisakay papuntang bus station?
Sige sumakay kana, ihahatid kita. Bakit ka naman pinalayas ni Rita? Usisa pa nya ng nagsimula ng umandar ang trisikel.
Kasi po nagalit sya nang nagsumbong ako na may ginawang di maganda si Tiyo sakin, sabi nya gumagawa lang daw ako ng kwento.
Si Gardo, ginawan ka ng masama? Na shock sya sa sinabi ko.
Muntik na po, sumigaw lang ako, pero di naniniwala si Tiya sa akin, mas pinaniwalaan nya si Tiyo.
Anak ng demonyo ang lalaking yun ah, wala talaga akong tiwala sa kanya, mukha pa lang manyakis na. Akala ko pa naman mali ako.
Paano yan, may pera ka ba pamasahe papunta dun? Mas mabuti na din umalis ka sa bahay na yun baka sa susunod di ka makaligtas sa hayop na yun.
May kaunti po akong ipon, di ko alam kung kakasya sa pamasahi
May kamag-anak ka bang matirahan dun?
Wala din po, bahala na, ang importante makalis ako dito, ang panginoon na bahala sa akin.
Eh bakit dun ka tungo mo, wala ka ba ibang kamag-anak na pwede mong malapitan?
Kasi malaki po ang Manila, baka dun makahanap ako ng trabaho, wala na din akong kamag-anak pa.
Hay nko Rabi, kung may pera lang ako, aampunin na kita kaya lang di rin sapat ang kita ko sa pamasada sa pamilya ko.
Okay lang po Mang Doming, kakayanin ko ito.
Sige ito na bus terminal, hanap ka lang ng bus papunta dun, maghintay kapa ng ilang oras, mga 3am may byahe na patungo dun. Magtanong tanong ka lang, ito isama mo ang kaunting pera ko at mag-ingat ka dun.
Salamat po Mang Doming, malaking tulong na po ito, di ko alam kung akong oras na, maghintay nalang ako.
Mamasukan nalang siguro ako ng katulong para lang may matirahan. Ayaw ko na sa mga kamag-anak, di naman nila ako gusto, dagdag pasahin lang daw ako sa kanila. Ika 4 na sila Tiya na tinirahan ko simula ng mamatay si Inay.
Bakit kaya ganun ang pamilya ko? Di nila ako matanggap, di naman ako pabigat, nagtatrabaho naman ako sa kanila.
Matiwasay akong nakarating sa Manila, maaga pa. Naglakad lakad ako, patingin tingin sa kung ano ang pwede kung gawin dito.
Gutom na ako pero kailangan kong tipirin ang pera kong natira. Kailangan ko ng matirahan. Uhaw na uhaw na ako, lumapit ako sa may maliit na tindahan.
Ali pwede po bang maka-inum ng tubig? Uhaw na kasi ako. Binigyan naman nya ako, pagkatapos nagpasalamat ako sa kanya.
May upuan sa gilid, umupo lang ako dun, nag-iisip sa may gilid. Di naman ako pwedeng pumasok sa magandang trabaho kasi wala naman akong pinag aralan. Grade 4 lang natapos ko nong buhay pa ang nanay. Di ako pinag-aral ng unang tinitirahan ko, maldita ang asawa ni uncle.
Mag-gabi na pero wala parin akong kain, kaunting tubig lang. Nagmasid-masid lang ako sa paligid. May magkasintahan na nagde-date ata, iniwan nila pagkain nila sa upuan ng park, kaya dali dali kong kinuha.
Ito ata ang burger na sinasabi nila at may coke pa. Okay na ito pantawid gutom, kahit kinainan na nila. Nag desisyon akong matulog nalang sa park pero sa may tago na parte para walang makakita, marami akong nakita na dito rin natutulog.
Kinabukasan, naghahanap ako ng karenderya na pwede kong pasukan, may nakita ako pero tinanggihan ako. Sa aking paglalakad muntik pa akong madukutan, mabuti nalang may nakapagsabi sa akin.
May nakita akong karenderya medyo malaki, marami na ang kumakain kahit maaga palang. Kailangan kong maki-usap baka matanggap ako.
Ali pwede po bang pumasok dito kahit taga hugas lang ng plato o di kaya tagalinis para lang makakain ako?
Pakiusap ko sa kanya. Tinitingnan nya ako ng maigi.
Ali, di po ako masamang tao, galing pa ako ng probinsya, wala pa po akong kain mula kahapon pa, kahit pangkain lang po. Kaya ko po gawin ang lahat ng iutos mo sakin.
Sige, subukan kong kausapin ang amo ko. Diyan ka lang maghintay; umalis ang Ali.
Bigla akong nabigyan ng pag-asa sana nga tanggapin ako dito, kahit ngayon lang makakain ako.