Chapter 2 Assistant

1316 Words
Rabi Nagpasalamat ako kasi pumayag ang amo ni Ate na magtatrabaho ako dito, obserbahan daw muna ko. Si Ate ang naki-usap para tanggapin ako at sya din managot sa may-ari kung may gawin ako na di maganda. Tawagin mo nalang akong Ate Merlyn. Saan ka ba galing Ining at anong pangalan mo? Tanong ni Ate na siyang cook dito sa karenderya, incharge sa kusina. Ako po si Rabi Ate, taga probinsya po ako sa Zambales. Nagpunta lang ako dito, kasi pinalayas ako ng Tiya ko. Wala pa po akong kain simula kahapon. Ang sa akin kahit makalimbre lang sa pagkain. Buti pumayag si mam Ate na kunin mo ako? Kailangan ko talaga ng assistant dito sa kusina, matagal na kaming naghahanap kaya lang walang gustong pumasok kasi maliit lang sweldo. Naki-usap din ako na sana tanggapin ka nalang at akong bahala sayo, sana di mo ako bibiguin Rabi. Huwag kang mag-alala Ate magpakabait ako, sipagan ko sa trabaho, iutos mo lang sa sakin lahat at sabihan sa dapat kong gawin. Nagsimula na akong magtrabaho, nilinis ko ang buong kusina, taga-prepara sa mga lulutuin at minsan taga linis sa labas sa may dining area. May dalawang taga silbe sa labas, ako lang taga-linis ng mesa at taga-hugas sa lahat ng gamit at pinagkainan ng mga customer. Saan ka ba nakatira Rabi; tanong ni Ate Merly habang kumakain kami. Masaya ako na nakakin na ako ng maayos, napunan ang gutom ko. Kagabi ho sa may park dyan sa unahan ako nakitulog, nagtago lang po ako sa may gilid. Marami ho palang natutulog dun kapag gabi. Huh!!! Di ka ba natatakot natulog eh, maraming rapist at rugby boy nagkalat dun. Buti naman at di ka natimpuhan nila, huwag ka na dun baka pagsamantalahan ka pa ng mga rapist, maganda ka pa naman. Wala po akong ibang mapuntahan eh, wala akong alam dito, Ate baka pwede dito nalang ako sa karenderya matulog? Sige pakiusapan ko si Mam para may kasama ako, dito rin ako natutulog umuuwi lang ako sa amin tuwing linggo. Masaya ako kasi pinayagan ako ni Mam at may sweldo ako na maliit, okay na sakin yun basta lang makalimbre ng pagkain at may matulugan, feeling ko mas safe ako dito kaysa sa labas. Kada linggo ang sahuran kaya naipon ko sahud ko. Nakabili ako ng personal na kagamitan paunti unti, mga damit, personal hygiene daw sabi ni Ate, libro at magazine, sinamahan niya kong mamili sa gabi. Sa may Ukay ukay lang kami bumibili kaya mas tipid. Ilang taon kaba Rabi? Ano ba natapos mo? Sa tingin ko mahilig kang magbasa kasi hilig mong mangolekta ng libro at newspaper. 15 years old na po ako Ate. Grade 4 lang natapos ko. Mahilig akong magbasa kahit di ako nakatapos, basta lang matuto akong magbasa at magsulat pauti unti. Kung di ko alam basahin, nagpapaturo din ako sa mga kakilala ko. Saan ba mga magulang mo? Wala po akong mga magulang na Ate. Ang nanay ko matagal ng patay, di ko po kilala kung sino tatay ko. Kaya di na ako nakapag-aral. Tapos sinama ako ng tiyuhin sa probinsya nila pero di ako pinag-aral ng asawa nya. Galit sa akin ang asawa nya, palagi silang nag-aaway kaya umalis nalang ako. Napadpad ako sa isang tiyahin, kaya lang marami siyang anak, lahos wala na din makain kaya sumama ako sa isang tiyahin ko, okay na sana eh, mas okay ang pamumuhay nila kaya lang muntik na akong gahasain ng asawa nya at di naniwala sakin pinalayas ako, kaya napunta ako dito. Kawawa ka naman pala. Huwag kang mag-alala safe ka dito, kasama mo ako; wika ni Ate sakin at nagpasalamat ako sa kanya. Naging maganda buhay ko sa karenderya. Kasundo ko lahat ng kasama ko, minsan tinuruan ako ni Ate magbasa, magsulat at magkwenta. Unti unti nakapag-ipon ako. Pati si Mam mabuti rin pakitungo sakin. Gusto ko sana mag-aral kaya lang may trabaho ako. Dahil malapit sa eskwelahan ang karenderya, maraming mag-aaral dun kumakain. Lumilipas ang panahon na okay ang buhay ko sa karenderya, nakaipon ng kaunti, may matirahan at libreng pagkain. Minsan tumutulong ako sa pagse-serve kung wala akong trabaho sa kusina. Kaya mas nagustuhan ako ni mam, masipag daw ako at tinaasan sweldo ko. May time din na makatanggap kami ng tip galing sa customer kaya inipon ko yun. May pagkakataon na ang anak ni mam ang nagbabantay sa kaha kapag wala si mam o di kaya wala siyang pasok sa eskwela. Di ko alam pero parang galit sya sakin, iba ang trato nya sakin kumpara sa aking mga kasamahan pero di ko lang pinapansin. Rabi, may napapa-regards sayo sa labas; saad ng kasama ko sa trabaho. Palaging sinasabi nila na maraming daw nagkacrush sakin na mag-studyante. Ang ganda kasi ni Rabi kaya palaging hinahanap ng mga estuyante; saad ni Emma na nakikilig. Bata pa ako, di ko pa alam ang ibig sabihin nun; sagot ko sa kanila. Lumilipas ang panahon na ganun ang senaryo, maraming nanunukso, maraming naghahanap sakin kapag nasa kusina ako. Ayusin mo yan, ang kalat; utos ni Rachel sa akin. Huwag kang tatanga-tanga dito, di ka namin ninuswelduhan para maupo lang diyan. Mataray na sabi niya kahit kauupo ko lang kasi galing ako sa maraming hugasin sa kusina. Di ko talaga alam kung anong kasalanan ko sa kanya bakit ang init ng dugo niya sa akin. Gaga ka ba, ginagamit mo ba ang utak mo? Saad niya sa akin nung minsan inutusan niya ako sa bookstore, di daw iyon ang gusto niyang ipabili pero yun ang ibinigay sa akin ng tindera kasi yun ang nakasulat sa note niya. Gusto ni Mam taga-serve ako kasi, marami daw kumain ngayong andito ako at ako lahos hinahanap. Hi Rabi, Hello Rabi; sunod sunod na sabi ng mga customer sa akin kapag ako ang nagseserve sa kanila. Enjoy po kayo; masayang ko sambit sa mga customer na kumakain at nginitian ko sila para bumabalik sa amin. Rabi pwede manghingi ng number mo? Pwede kitang ma-text? Saad minsan ng mga studyante. Sorry po sir, wala akong phone eh, pasensya na; magalang kong saad sa kanila. Halika ka nga dito; kinurot niya ako sa tagiliran ng makalapit ako. Sa susunod wag kang makipaglandian dito huh, kung gusto mo dun ka magtrabaho sa club, bagay ka dun; galit na wika ni Rachel sa akin. Minsan gusto ko na lang maiyak sa mga pang iinsulto niya sa akin kasi sumusobra na, pero tinitiis ko lang. Isang hapon biglang nagkagulo sa sa karenderya. Kasi nawawala ang kita sa kaha at ako ang itinuro ni Rachel, anak ni Mam ang kumuha. Hinahalughog ang buong mga gamit ko. May nakita silang pera sakin pero ipon ko lahat yun. Sabi ko pera ko yun na inipon ko. Pero ako parin ang pinagbintangan ni Mam kasi sabi ni Rachel ako daw kumuha, nakita nya ako sa kaha. Umiiyak ako kay Ate at kay Mam na di ako kumuha nun, never akong pumasok sa may kaha. Ate, kilala mo naman ako di ba? Di ako ang kumuha nun, ipon ko ang perang nakita nila; sobrang iyak ko sa kanya. Alam ko Rabi, naniniwala ako sayo pero wala tayong magagawa kung iyon ang akosasyon nila, mga trabahante lang tayo dito. Ate saan ako ngayon patungo, wala akong alam sa lugar na ito tapos wala pa akong pera kasi kinuha nila lahat; di ko akalain na ito ang danasin ko sa lugar na ito. Isipin lang na nagdududa si Mam sakin masakit na, di lang pera ang issue kundi ang pagkatao ko. Naawa si Ate sakin kay tinawagan nya pinsan nya na nagtatrabaho sa salon kung pwede ako dun. Kahit tagalinis ang parlor. Nang pumayag pinsan nya, hinatid ako ni ate kaagad sa boarding house ng pinsan nya. Sinabihan nya pinsan nya sa sitwasyon ko at naniwala naman si Ate Grace sa amin, naawa sakin parang mabait din katulad ni Ate Merlyn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD