IKA-TATLUMPU'T LIMANG PATAK

1686 Words
NGINGITI-NGITI na lang si Juniel sa tanong na iyon ni Aling Sita. “Hmmm… Mukhang may nakita kang maganda sa hotel kaya hindi ka pa rin nagbibihis?” Buko na siya kaya hindi na siya tumanggi. “Oo, Nay Sita. Gusto ko na tuloy bumalik at magtrabaho na roon.” “Eh, mukhang masama ang loob mo at pinasok ka ng anak ko roon, ‘di ba?” tanong pa nito na parang inaasar siya habang naglalagay ng kanin sa sariling plato. Ipinasa nito ang kanin sa kanya pagkatapos, tinanggap naman niya iyon at naglalagay na rin siya ng sariling kanin sa plato. Maiksing pagtawa ang ginawa ni Juniel habang ibinababa ang platong may kanin. “Hindi naman ho. Okay na ako. May magbibigay na sa akin ng inspirasyon para magtrabaho.” “Aba’y dapat ginalingan mo sa interview nang makapasok ka roon. Tingnan mo si Gwen, nag-umpisa na siya roon. Ano ngang hotel iyon?” “Five-star hotel ho.” Tumango-tango na lang si Aling Sita. “Maiba ako, wala ka bang balak hanapin ang pamilya mo o mga magulang?” Hindi iyon ang unang beses na tinanong siya ni Aling Sita ngunit bakit parang iyon ang unang beses na may taong concern sa kanya at nagtanong niyon. Nawala ang ngiti sa mga mata ni Juniel at napalitan ng lungkot. “H-Huwag kang malungkot sa sinabi ko. Hindi ko naman gustong ma-offend ka,” hinging paumanhin pa nito. “Mabuti nga ho kayo at naaalala pang itanong iyon. Samantalang ang totoo kong pamilya, mukhang wala na akong balak pang hanapin.” “Baka naman matagal ka na rin nilang gustong hanapin ngunit baka may pumipigil. Baka may dahilan kung bakit hindi ka matagpuan.” “Ano man ho ang dahilan nila, ayaw ko na hong malaman. Sapat na sa akin na kayo at si Gwen ang pamilya ko. Masaya na ho ako sa poder ninyo.” Nagkasya na lamang si Aling Sita sa maiksing pagngiti at itinikom na ang bibig. Baka kapag muling magsalita ay may masagi na namang parte kay Juniel na ikalungkot niya. May mga sandaling nangungulila siya sa aruga ng isang ina, nangungulila sa pakiramdam ng magkaroon ng ama at naiisip kung paano bang maging masaya kasama ang pamilya. Ngunit, nag-iba na iyon ngayon. Hindi na siya kailanman nangungulila o naghahanap ng isang pamilya. Kuntento na siya sa pamilyang kinagisnan niya. Patapos na silang kumain nang may naalalang hindi nabanggit si Juniel. “Oo nga ho pala,” sabi niya saka inabot ang platic na basong may lamang tubig, tinungga at inubos ang laman niyon. Nagpatuloy siya. “Nabanggit ko na ba sa inyo na dumalaw ako sa ampunan?” “Kumusta naman? Kumusta ang superiorang madalas mong ikwento sa akin?” Nagtubig ang sulok ng mga mata ni Juniel na itinatago ang lungkot. “Namatay na ho siya, Nay. Hindi ko man lamang siya nakita bago siya nawala. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya nang maayos.” Hindi na napigilan ni Juniel ang maiyak saka pinunasan ang luha gamit ang manggas ng kanyang damit. Tumayo si Aling Sita para aluin siya. “Napakabilis po ng sandali. Sa isang iglap wala na siya.” Hinimas-himas ni Aling Sita ang likuran niya na sana ay mabawasan ang nararamdaman niyang lungkot. “Isang linggo lang ho akong na-late, hindi pa ako umabot. Pagdating ko, nakaburol na siya at sinasabi na lamang sa akin ng ibang mga madre na natulog lamang siya at hindi na magising. Sabi naman ng iba, dahil daw iyon sa katandaan.” “Huwag ka nang malungkot, anak. Isipin mo na lamang na nasa magandang lugar na siya—sa paraiso.” “Sobra po ang naramdaman kong pagsisisi na hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya nang maayos. Na hindi man lamang ako dumating nang mas maaga. Kung dumalaw ako kahit isang araw bago siya mawala, baka naabutan ko pa siya.” Lalo nitong hinaplos ang likod niya. “Hindi mo naman kasalanan, ano ka ba naman? Lahat ng tao ay namamatay. Lahat ay papunta sa kamatayan. Ito ang bagay na hindi natin kayang pigilan at hindi natin alam kung kailan o paano tayo mamamatay.” “Kung sana lamang ho ay dumating ako at dinalaw siya kahit isang beses lamang. Marami akong gustong sabihin. Nais kong magpasalamat sa kabutihan niya. Gusto ko pa siyang ilibre ng pagkain kagaya ng palagi niyang ginagawa para sa akin.” “Alam naman niya ang pagiging mabuti mo para sa kanya. At alam niyang nasuklian mo na ang kabutihan niya nang maging mabuti ka sa kapwa mo.” Naiisip na rin niyang parang si Mother Superior Alonza si Aling Sita tuwing nagbibigkas ito nng pagiging mabuti sa kapwa. Lalo tuloy niyang nami-miss ang superiora.   TWENTY-TWO si Juniel noon nang makadalaw siya sa ampunan na ngayon ay unti-unti na raw nabubuo dahil mayroong may edad na lalaki ang nag-donate at tumulong sa pagpapagawa ng ampunan. Don Melchor ang tawag ng mga ito sa lalaking mayaman at kasama nito ang maganda at metikulosang babae na mukhang bata ang edad kaysa sa asawang si Don Melchor. Minerva raw ang pangalan. Sa katunayan ay nakita pa niya ito sa huling lamay ng mother superiora at tumulong sa mga gastos. Hindi nga lang niya nakita ang babaeng kinukwento ng mga ito dahil si Don Melchor lang ang naroon at nakita niya. Hindi nga akalain ni Juniel na iyon na rin pala ang huling araw na makikita niya sa ibabaw ng lupa ang mother superiora. Umabot man siya sa huling lamay ay hindi naman niya nakita o nakausap ito na sobrang kinasama niya ng loob. Halos sisihin niya ang sarili dahil sa nangyaring iyon. Walang may kasalanan at hindi rin niya kasalanan ngunit kung matagal na sana niyang dinalaw ito ay baka nagkausap pa sila. Ngunit, ano pa ba ang magagawa ng pagsisisi sa huli, kung tapos na ang lahat? Patay na ang taong nangalaga, nagturo at gumabay sa kanya na hindi man lamang niya nagantihan ng pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob. Kaya simula ng araw na iyon ay nangako siyang magdo-donat ng fifteen percent sa kanyang salary para sa ampunan, sa mga madre at sa mga bata. Hindi na buo ang pinadadala niyang sahol kayla Gwen, hati na iyon para sa ampunan. Iyon na lamang ang sa tingin ni Juniel na maiaambag niya. Ang pag-iimbestiga rin na dahilan kung bakit nasunog ang ampunan ay dahil may nagbukas ng stove at nang hipan ng malakas na hangin ay namatay ang apoy at inakalang napatay na iyon. Nang may nagsindi raw ng sigarilyo at nagkataong naihagis doon ang upos ay bigla na lamang sumabog iyon. Alam na ni Juniel kung sino ang may kagagawan ng pagsisindi ng sigarilyo at walang iba kung hindi ang pinakanangbu-bully sa kanya. Dahil wala namang gaanong nasaktan sa insidente ay isinara na rin ang kaso at hindi na hinanap pa ang taong may gawa niyon. Kaya pala napansin niyang wala na roon si Omar. Ito iyong kababata niya at halos kasing edad na mahilig magkumpuni, pasaway minsan, matigas ang ulo at minsang nahuli niyang humihithit ng sigarilyo. Hindi siya noon nagsusumbong sa kung ano ang nakikita niya. Kung nalaman siguro niya nang maaga ang dahilan ng sunog ay baka inaway na niya si Omar. Natapos na rin naman iyon, kahit pakiramdam ni Juniel ay nakadagdag din iyon sa dahilan kung bakit nanghina ang superiora. Ang pumalit na nga sa posisyon nito ay si Sister Glenda na medyo nabawasan na ang pagiging mahigpit at nagulat siyang bumait na ito sa kanya. Sadyang nagbabago nga ang tao at kinakailangan lang ng panahon. Nang lumipas naman ang dalawa pang taon ay naging mahirap na sa kanya ang huling taon sa pagtatrabaho sa pabrika ng chemicas lalo na nang magkasunog doon. Sumabog ang isang chemical, dahilan upang mapasara na ang pabrika at mawalan siya at halos lahat sila ng trabaho. Tumulong pa nga siya sa pagsagip sa mga tao roon na tila naging isang superhero si Juniel. Kaya bilang pagpapasalamat ng may-ari ang binigyan siya ng additional compesation ngunit kapalit nga lang niyon ay wala na siyang mababalikan pa. Dahil alam na ni Juniel na hindi siya tinatablan ng sugat ay nagawa niyang halos ibuwis ang buhay. Kung kaya nga lamang niyang magpagaling ay sana ginawa na rin niya at kung maaaring bumuhay ng patay ay baka nabuhay na rin niya ang superiora. Sa mga pinagdaanan niyang iyon ay hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong ikwento pa ang lahat-lahat. Alam naman niyang may pinagdaraanan din ang mag-ina kaya hindi na siya nag-abala pang magbanggit ng tungkol sa apat na taon niyang pamamalagi sa Bulacan na hindi kapiling ang mag-ina. Lumunok na lamang si Juniel at pinilit na magpakatatag. Pinangako sa sarili na ayaw na niyang umiyak pa mula sa labis na lungkot. Tumayo na rin siya at nagprisintang siya na ang maghuhugas ng platong pinagakainan nila. Maliit lang ang bahay na okupado nila, maliit ng kaunti kaysa sa bahay na pagmamay-ari ng mga ito sa Bulacan, Ang puwesto rin ni Aling Sita sa palengke ay naibenta na rin niya para ipangdangdag sa gastusin sa ospital pagpapagamot kay Aling Sita. Kinagabihan ay hindi pa natulog si Juniel sa paghihintay kay Gwen. Mag-aalas otso na nga ng gabi ito nakarating na mukhang masaya sa trabaho. Nang dumating ito, binuksan ang ilaw at halos mapatili nang makita siyang nakaupo sa sofa na walang kutson. “K-Kailangan bang manggulat ka ng ganyan?” Alam naman niya kung bakit ito nagulat, dahil iyon sa kapangitan niya na parang natakot pa yata. “Akala ko tulog ka na.” “Kumain ka na ba?” “Oo. Kumain muna ako sa hotel bago umuwi. May free food naman sa hotel,” sagot nito na dumiretso ng banyo. Sumunod si Juniel at nasa labas na lang ng banyo nag-abang. “Hinintay talaga kita.” “Bakit?” tanong nito na nasa loob ng banyo at nagpapalit ng damit. Rinig ni Juniel ang pagbaba nito ng zipper ng pantalon at pagtanggal para palitan. Lumabas na si Gwen at sinalubong siya. “Bakit mo ako hinintay?” Hindi na siya makatingin ng diretso sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD