IKA-TATLUMPU'T ANIM NA PATAK

1691 Words
“GUSTO kong magpasalamat sa pagtulong sa akin,” nahihiyang sabi ni Juniel kay Gwen. Lumapit si Gwen sa kanya at sinilip ang ilalim ng kanyang mukha habang nakayuko ito. “Magpapasalamat tapos nakayuko? Parang hindi naman convincing. Baka masugatan iyang leeg mo ha,” tatawa-tawang sabi nito na halatang gusto lang siyang subukan at asarin. Nag-angat na si Juniel ng noo. “Nagpapasalamat na nga ako, ayaw mo pa?” Akma siyang tatalikod nang hatakin nito ang braso niya at nagkunyapit doon. “Ito naman. Siyempre gusto ko lang malaman kung talagang totoong nagta-thank you ka.” Itinulak ni Juniel ang noo nito gamit ang hintuturong daliri. “Gusto mo lang kamo akong asarin.” Binawi nito ang pagbibigay ng pang-asar na ngiti. “Alam ko naman. Kahit matalas ang baba mo, mas mamatalas naman ang puso mo sa kabaitan kaya sige, convinced na ako.” “Talagang may kasama pang pang-iinsulto?” “Joke lang. Matulog ka na nga.” Kung noon ay nakikita niyang wala itong bra sa loob ng bahay at halos bumakat na ang mga nip.ples nito, ngayon ay hindi na. Madalas na itong naka-bra at halatang dalaga na—malaking bulas. “Update kita bukas sa result ng interview mo.” Naupo ito sa sofa na kasabay ng pag-upo rin niya sa tabi nito. Binawi ni Juniel ang braso at matamang tiningnang mabuti si Gwen. “May backer ka sa loob?” takang tanong niya sa dalaga. “Wala. May kapit lang talaga ako sa diyos—aray naman!” Itinulak niyang muli ang noo nito sa kanyang hintuturong daliri. Kung kanina ay magaan ngayon ay may kasama ng bigat. “Puro ka kalokohan, Gwendolyn.” Umangat ang kamay nito at itinapat ang daliri sa gitna ng labi na naka-vertical. “Shh! Marinig ka ng Inay, sumbong mo na naman ako.” “Puro ka naman kasi biro. Hindi ka magseryoso sa buhay.” “Hoy, Juniel Regino… Kahit ganito akong nagbibiro sa iyo, at least napapatawa kita . Hindi tulad sa iyo na palaging seryoso ang mukha kaya ka kinatatakutan eh.” Ginulo-gulo na lang niya ang buhok ng dalaga saka niyakap. “Salamat. Sana nga makapasok ako roon.” Humiwalay ito ng yakap sa kanya. “Anong nagpabago ng isipan mo?” “Nais ko lang magkaroon na ng trabaho para ang pera ay maipon ko at maibigay para sa ampunan.” “Galing ka sa ampunan?” Sumimangot ito. “Hindi mo man lamang ako isinama at ipinakilala sa mga madre doon.” “Makatampo ka naman. Paano kita isasama kung kailangan mong alagaan ang Nay Sita. Isa pa, malaki na ang ipinagbago sa ampunan. Patay na rin ang superiora na nag-alaga sa akin.” Napatakip ito ng bibig, gulat at may halong pag-aalala ang puminta sa mga mata. “Kailan pa? Bakit hindi ko alam?” “Hindi ko na nasabi. Nakabalik na sila sa ampunan. Maayos na ang ampunan.” “Mabuti naman. Ngunit kinalulungkot ko ang nangyari sa mother superior mo. Sayang naman, hindi ko siya nakita.” “Oo nga. Kahit ako ay sobra ang pagsisising naramdaman.” “Pabayaan mo na. I’m sure masaya na siya sa heaven. Malay mo lumablayf na siya roon,” seryosong sabi nito ngunit halatang nais na naman siyang patawanin. “Puro ka talaga kalokohan. Matulog ka na nga. May pasok ka pa bukas, hindi ba?” “Sige na nga. Muah! Muah! Tsup-tsup na lang.” Ngumuso pa si Gwen sa kanya. Itinapat niya ang palad sa labi nito. “Oh, ayan na. Kiss mo na kamay ko.” “Tsk! Boring naman nito. Pangit mo ka-bonding. D’yan ka na nga!” Tumayo na ito, dumiretso sa kwarto at isinara ang kurtina na nagsisilbing pintuan ng kwartong kinaroroonan ng mag-ina. Napangiti na lamang si Juniel sa kakwelahan ni Gwen. Hindi niya napansin ang side nito na pagiging kwela na kabaliktaran niya. Masyado nga yata siyang seryoso sa buhay kumpara kay Gwen na parang hindi nagseseryoso at sumusunod lang sa daloy o agos ng buhay. At least kahit paano ay hindi dinidibdib ni Gwen ang lahat ng problema kung may problema ito. Masaya siyang ganoon si Gwen dahil ayaw na ayaw niyang maranasan ni Gwen ang mga napagdaraanan niya. Inilatag na rin ni Juniel ang sarili upang maghanda na sa pagtulag. Umaasang sana nga ay matanggap siya sa trabaho nang makita niyang muli ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Minabuti na niyang hindi na banggitin pa iyon kay Gwen baka sumama pa ang loob nito at isiping may hidden agenda siya kung bakit nagpapasalamat dito. Sa pagpikit ni Juniel ng mga mata ay nagdasal pa muna siya bago tuluyang nag-shutdown ang kanyang isipan at tuluyang makatulog. Iniisip niyang sa panaginip man lamang ay makita niyang muli ang babae. Hindi na siya umaasang patulan siya nito. Sapat na sa kanya na kahit sa panagip ay magkita ulit sila. TILA sinagot ang dasal ni Juniel nang ang pag-asa ay nagkaroon ng katuparan. Tinawagan siya at pinasimula na pumasok sa trabaho pagkalipas ng isang linggo. Hindi na nga sana siya aasa dahil sa katagalan nang biglang may tumawag sa kanya at sinabing pasado siya at mag-submit na lamang ng requirements kasama ang medical test. Nakatingala si Juniel na nakatingin sa kataasan sa tapat ng building habang nakangiti. Wala na siyang pakialam kung isipin pa ng mga nakakakita sa kanya na isa siyang baliw dahil ngayon ay lubha ang kanyang kasiyahan. Parang lahat nga nang makikita niya ay nais niyang yakapin, kung hindi nga lang tatakbo ang mga ito kapag nakita ang mukha niya. Suot ni Juniel ang face mask para lamang papasukin siya. Naihanda na rin niya kahapon ang mga requirements na pina-ayos sa kanya ni Gwen at binanggit nito in advance. Sa loob ng mask ay malaki ang pagkakangiti niya na abot sa kanyang mga mata. Ipinakita lang niya ang ID ay pinapasok na rin siya. Pagkatapos kasi niyang magpasa ay orientation na para sa mga newly hired employees. Sa hallway ay lumabas ang manager na nag-interview sa kanila at pinasusunod siya sa loob ng isang kwarto kung saan gaganapin ang orientation. Inisa-isa muna nito ang pagkuha ng mga empleyado na may dalang requirements. “Maswerte kayo at ngayon ang huling araw ng recuitment para sa Housekeeping. Aabutin pa ng tatlong buwan kung may babagsak sa evaluation para sa probationary. I wish sana lahat kayo ay makapasa,” sabi ng manager na nakatayo sa gilid ng pintuan ng kwarto at isa-isang kinukuhaan ng requirements ang mga newly hired. Maswerte pala talaga siya at umabot siya. Salamat talaga kay Gwen. Apat na oras inabot ang orientation. Hinati sa dalawang oras para mayroong break at ang ikalawang kalahati ay pagtatapos ng orientation. Ganoon kahaba dahil na rin sa pagpapakilala sa mga empleyado na may mga katungkulan, pati ang mga department at kung sino ang mga namamahala sa bawat department. Salamat sa face mask na tumulong sa kanya para hindi siya mapahiya. May hinagilap ang mga mata ni Juniel. Naalala niya ang lalaking kasabayan niya interview at mukhang wala roon sa orientation. Hindi yata ito pumasa. Nagkibit na lamang siya ng balikat dahil ang totoong hinahagilap ng kanyang mga mata at puso ay natagpuan na niya. Ipinakilala na ang may-ari ng hotel gamit ang hologram at nakita niya roon ang imahe ng babaeng nakabangga niya. Napakaganda nito kahit sa hologram lang. Kung wala nga yata ang mask ay makikita ang pagbuka ng bibig niyang malapit na yatang awasan ng kanyang laway. Sobra siyang humanga sa ganda nito at parang nabulag na siya sa ugaling pinakita nito sa kanya kamakailan. Anak pala ito ni Don Mechor Savillana at Minerva Savillana—Stacey Savillana ang pangalan nito. ‘Napakagandang pangalan… Sana makita kitang muli,’ nangangarap na sabi ng kanyang isipan habang titig na titig pa rin sa hologram nito. Alam naman niyang hindi ang katulad nito ang madaling abutin. Kung sa orientation nga ay hindi ito nagpapakita, lalo naman siguro sa katulad niya. Sinuwerte lang talaga siya at nakita niya ito ng isang beses. Parang walang pumasok na information sa isipan niya at puro mukha na lamang ni Stacey ang bumaon sa kanyang kamalayan. Kaya bago matapos ay pinagawa sila ng activity, ay halos wala siyang masagot. Saka lamang na-realize ni Juniel na nakaka-bobo pala ang pagmamahal. Mabuti na lamang at sinagip siya ng kasamahan niyang lalaki. Ito ang sumagot para sa kanya. Pero kung nakita lang nito ang mukha niya ay baka hinayaan na siya, at hindi pinansin. Sa pagtatapos ng orientation na may libreng pagkain during break ay sinamahan naman sila para sa tour. Pagkatapos daw ng tour ay puwede na silang umuwi. Dahil bukas na ang pinakaumpisa ng kanilang trabaho. “Bakit hindi mo pa alisin iyang mask mo?” puna sa kanya ng isang babae. Nakaitim na shirt at naka-jeans. “May sakit ka ba?” “Wala. Nakagat lang ng ipis ang ilong ko kaya kailangan kong takpan,” dahilan niya saka iniwan ang babaeng kausap. Ayaw niyang usisain pa siya nito ng kung anu-ano. Ang lalaking nag-tour sa kanila ay sinasamahan na ng paliwanag. Ipinakikilala ang mga ballroom, meeting room, at mga hall na pagdarausan ng events. “Lahat ng mga nasa housekeeping lumapit sa akin,” sabi ng manager. “Ipakikita ko sa inyo ang mga klase ng rooms na mayroon tayo, paano lilinisin at kung anu-ano ang mga panuntunan.” Dinala sila ng manager sa bakanteng kwarto. Doon ay may naka-slide show at naka-projector. Naroon ang iba’t-ibang klase ng rooms na ino-offer ng hotel para sa mga guest. Nakalagay ang sukat o espasyo at kung anong klaseng mga gest ang puwedeng umupa roon. Hindi basta-bastang papasok sila sa isang room lalo na kung occupied. Kakatok muna sila o tatawag para ma-inform ang nasa loob na magsasagawa sila ng paglilinis. Sa bawat pagpasok nila ng kwarto ay kakabitan sila ng maliit na CCTV upang makita at ma-monitor lahat ng kanilang ginagawa. Dahil bawal na bawa ang magnakaw sa kwarto ng mga guest especially if it is occupied. Ang sinumang mahuli ay hindi lang pagkatanggal sa trabaho. Maaari pang magmulta ng katumbas o higit pa sa halagang mawawala sa loob ng guest room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD